33: Good bye, Van

44.5K 1K 72
                                    

MEAGAN'S POV

"Bakla, ano na?! Nasaan kana ba? Kanina pa kita hinihintay dito sa lobby. Papasok ka ba?!"

"Hindi muna, Abbi. Masama ang pakiramdam ko."

"Love-nat? Akala mo ba hindi ko alam na kaaalis lang ni Van sa bansa kahapon? Ikinwento na sa 'kin ni Kurt."

"Hindi 'to love-nat, siraulo. Masama talaga ang pakiramdam ko. Pumasok kana. Hwag kanang makipagtelebabad sa 'kin sa phone -_-"

"Lelang mo. Otw na 'ko diyan. Babush." And she ended the call.

O diba, ang bait ng bestfriend ko. For better or for worst ang drama >_>

Sa totoo lang, masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Alas-otso na ng umaga, alasingko palang gising na 'ko, but until now, ayoko paring bumangon. Tinatamad akong bumangon. Wala akong rason para bumangon. Hindi sa nagsesenti ako pero pakiramdam ko, ang lungkot lungkot ng mga bagay ngayon. Wala na siya. Iniwan niya ako nang hindi nagpapaalam. Wala man lang siyang sinabi. Kung alam ko lang sana na kahapon ang huling araw na makakasama ko siya, na makakalapit ako sa kanya, na makakausap ko siya, edi sana hindi nalang ako natulog. Sinulit ko sana ang oras. Hindi ko sana sinayang.

"Luke, nasan ang Ate mo?!"

Nandyan na kaagad si Abbi -_- Ang lakas na naman ng boses niya kahit na ang aga-aga pa.

"Nasa kwarto niya, Ate. Pakibantayan nalang, baka magpakamatay. Broken hearted e."

"Sige, akong bahala."

Naririnig ko na ang footsteps ni Abbi papunta dito sa kwarto ko. Manggugulo na naman 'to -____- Gusto ko lang naman ng katahimikan ngayon.

"Hoy, hampaslupa! Bumangon ka diyan."

"Gago, ayoko."

"La? May choice? -_^"

"Wala ba?"

"Wala! Tara na, gala tayo. Hwag kang paemo-emo diyan, hindi bagay sayo. Babalik yon si Van, tiwala lang."

"Masama nga pakiramdam ko -_-"

"Hindi lang pakiramdam mo ang sasamain kapag binugbog kita diyan. Hwag mo 'kong artehan. Kung di sana hindi ka nagpapabebe, edi sana, kayo na ngayon at hindi siya siguro umalis."

"Hindi ako pabebe! -_-"

"Dont me! Tara na nga kasiiiii~" Hinila niya ang kumot na itinalukbong ko sa buo kong katawan. "Gusto kang makausap nung anim."

"Bakit? Anong meron?"

"Ewan ko. Pumunta nalang tayo, nasa bahay sila ni Van."

"Sila nalang papuntahin mo dito."

"Okay! >_< Ang tamad mo, letse ka!"

Tinawagan niya si Kurt. Pinapunta nga dito yung anim. Para saan ba at gusto nila akong kausapin? >_> May sinabi kaya sa kanila si Van?

"Babs! We're hereeeeee~" Masisigla pa nilang bati habang pumapasok sa kwarto ko. Kulang na nga lang, magpasabog sila ng confetti para magmukha nang nagcecelebrate ang mga unggoy na 'to -_-

Tamad na tamad akong bumangon para maupo sa kama ko. Gulo gulo pa ang buhok ko at wala akong pakialam kahit na hanggang ngayon ay nakapantulog pa rin ako.

"Woah, woah, woah, mukhang naglalamay." Magkakrus ang kamay na sabi ni Kurt.

"Apektado at its finest." Patango tango pa si Gian.

"Ang lungkot ng mukha ng Babs namin a." Dagdag naman ni Harry.

"Kawawa naman ang Babs namin, ang sad sad." Si Paul naman yon.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon