34: Eliz

42.8K 1K 37
                                    

MEAGAN'S POV

"Shemay! Excited na 'ko ngayon. Sana pakasalan ako ng boyfriend ko sa marriage booth *U*"  Halata ang pagkaexcite na sabi ng babaeng nakafishtail sa babaeng kasama niya ngayon na nakalugay ang kulot na buhok, nakasalamin, at kasalukuyang nangangalikot sa sarili niyang cellphone.

"Hwag mag-assume be, nakamamatay." Sagot naman ng pangalawa sa kanya.

"Sweet kaya ang boyfriend ko, unlike you, mas malamig pa sa ice candy eww." Pabiro pa si Fishtail Girl na umirap sa kausap niya.

"Sweet din naman ang akin 'no, halos lahat ng katangian ng sa 'yo, na sa'kin din." Pangisi namang sagot nung kulot. "Hindi nga lang ako kasing assumera mo. Alam ko kasi kung hanggang saan lang kami ng nakakarelasyon ko." dugtong pa nito.

"Assuming na kung assuming, so what? Atleast masaya ako sa kung anong meron sa 'min." Nakanguso pang sabi ni Fishtail girl.

Talagang sa harap ko pa nag-aaway ang mga walang hiyang 'to 'no? -.- Pasintabi naman sa nananatiling single dito o! Wala man lang bang pakialaman sa feelings ng mga pusong naiwan sa ere? Nakakaasar. Hiintayin lang talaga nila na makauwi si Van, who you talaga lahat ng mga taken sa 'kin! >_<

"Gaaaaaaah! *U* 'Yan na ang boyfie ko, gosh!" Kulang nalang magtatatalon sa tuwa si Fishtail girl nang makita niyang papalapit sa kanya ang papresko niyang boyfriend. Ang kasama naman nitong babae, napailing nalang.

"Aalis na 'ko, ayokong maging chaperone niyo at ayokong i-witness ang nakakadiri niyong ka-sweet-an." Mapait pang sabi nung kulot.

Ang hirap namang ikwento ang nangyayari sa kanila -_- That 'Fishtail girl' and 'Kulot' codename tho.

Ang daming lovers ngayon dito sa campus >_> Lahat mukhang masasaya, mukhang kontento, mukhang walang pinoproblema. Kung kailan kasi foundation day namin, saka pa siya umalis. Wala tuloy akong ka-partner T.T Napakaloner ko tuloy samantalang si Abigail, masaya rin kasama yung tsismosong si Kurt.

"Bakla! Kanina ka pa? Sorry nahuli kami. Si Kurt kasi nag-aya pang kumain sa KFC e. Pasensya na." Paumanhin pa ng kararating lang ng mahusay na si Abbi. Usapan kasi namin, 7:00am hindi 7:59am -.- Aba naman, nakuha niyang kumain nang hindi iniisip ang paghihintay? How dare you, Abigail! Char.

"Okay lang, sanay naman akong umaalis ang tao nang hindi nagpapaalam." Sagot ko sa kanya nang may pinanghuhugutan.

"Ay, bwisit -.- Hwag mo akong mahugut-hugutan at baka maasar ako sa 'yo. Nagtake-out ako ng para sa 'yo kaya h'wag kang pagirl diyan. Tara na din, mag-istart na ang booth natin. Doon mo ituon ang atensyon mo nang hindi ka mamatay sa inggit sa mga jejemon na couple sa paligid. Mas gwapo si Van sa mga mukhang pa-cool na mga taong 'yan."

"Pa-cool talaga yung term? Hahahahaha. Judgemental!"

"Totoo naman a, tignan mo 'tong dalawang'to.." itinuro niya yung babae kanina na tinitignan ko na kasama ngayon yung boyfriend niya. Kasalukuyan kasi silang nagpipisilan ng mga pisngi at sa totoo lang, nakakairita ang ka-sweetan nila lalo pa't napakabitter ng buhay ko ngayon dagdag pa na mukhang hindi naman nakatatagal sa iisang babae ang lalaking 'yon dahil mukha siyang babaeng may matres na madaming baby. "Yung lalaki mukhang walang patutunguhan ang buhay, mas mukha pang gangster kaysa sa Kurt ko, feeling naman niya kinagwapo niya 'yon. Ito namang babaeng 'to, tuwang tuwa. Wala man lang kaalam alam na nung isang araw may kahalikan ang lalaking 'yan do'n sa back door sa may fire exit." Dugtong ni Bakla na halatang pinarinig niya talaga sa dalawa. Pinagsalubungan siya ng kilay nung babae, samantalang yung lalaki naman, halatang nagulat sa sinabi ni Abbi.

"Excuxe me, Miss, are you reffering to us?" Tanong pa ni girl. She asks it in a polite way.

"Ahm, yep?" Abbi answered.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt