Chapter Sixty Three: The End. ♥

23.3K 294 0
                                    

CHRYSLER’s POV

Dammit! Next week, Tuesday, ‘yan na ang engagement date namin ni Angela na inayos na ng Daddy n’ya. And that was exactly the date of their Wedding day. Yes, Chinky and Elix’s Wedding day!

Hindi ko pa nasasabi kay Lola ang tungkol sa Engagement party na ‘yon. Ang sabi ko sa Daddy ni Angela na baka hindi makaka-attend si Lola, kasi may sakit siya, pero hindi naman talaga siya makaka-attend kasi kasal nina Chinky at Elix that day.

 Unfortunately, wala pa ring good news galing sa mga hired PI namin patungkol sa lalaking pinaghahanap namin. Maybe this was really my fate! Everyday is a torture day—habang palapit ng palapit ang araw ng kasal nila at araw ng Engagement namin.

Kung bakit sa dinami-dami ng araw nagkapareho pa. Pero hindi naman ako pupunta sa Wedding day nila e, alam naman ‘yon ni Elix e. Ayoko lang magpaka-hypocrite na mag-attend ng kasal nila at magpakasaya para sa kanila kahit labag ‘yon sa kalooban ko.

Baka nga mamaya, bigla na lang akong tumutol! Pero paano nga kaya kong tumutol ako sa kasalan nila? Saka ko na lang biglang itakas si Chinky sa kanilang lahat at magpapakanda-layo-layo na kami? Maganda sanang ideya ‘yon, kaso imposible lang.

“Ano ng gagawin mo ngayon?”

Ano bang gustong sabihin ni Elix sa sinabi n’yang ‘yon last time? Argh!! Oo na! Natalo na n’ya ako! Duwag nga siguro ako dahil hanggang sa huli ay hindi ko ipinaglaban ang nararamdaman ko para sa babaeng pinakamamahal ko.

Pero para saan pa kung huli na ang lahat? Maayos na ang lahat para sa kanila! At ayoko ng magulo pang muli ang buhay n’ya. Siguro nga si Elix talaga ang Prince Charming n’ya at panggulo lang ako sa fairytale lovestory nila.

“Hey Chyrs, kanina ka pa dyan nakatulala ha.” Sabay kalabit sa akin ni Angela.

Nasa isang bench kami sa Mall ngayon, katatapos lang kasi naming makipagkita sa mga PI namin.

“Wala.”

“I know something’s bothering you. May maitutulong ba ako?”

Napabuga ako ng hangin.

“I’m okay.”

“No! You don’t look like okay. Dahil ba ‘to sa kasal nila Chinky at Elix o dahil sa Engagement natin?” Umiling ako. Wala na akong lakas para sagutin pa ang mga bagay na ‘yon! “Oy, galit ka ba sa akin?” tanong n’ya. Umiling uli ako. “Sorry na, hindi ko rin namang ginusto ang mga nangyayaring ‘to e, FYI lang no, ayoko na kayang makasal sa’yo, pero heto tayo, mae-engage pa.”

“Aalis na ako.” Saka na ako tumayo.

“Dala mo ba ang sasakyan mo?”

“Oo.”

“O sige, e kung ihatid ka na lang kaya namin ng driver ko? You don’t look like okay talaga e.” sabi n’ya.

“No. I can manage. Sige.” Tinanguan ko na lang siya.

SA CONDO na ako dumiretso. Hindi ko kasi kayang makita silang dalawa, kapag umuwi ako sa mansion ngayon. Ang sakit. Ang lungkot, kahit gaano pa ka-success ang Legacy ngayon, hindi ko magawang magsaya. Para kasing kalahati ng buhay ko ang namatay.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dinala ko sa kuwarto ko ang isang bote ng white wine. I feel like drinking, hanggang sa mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, this problems, and Chinky!

 Sinimulan ko ng tunggahin ang isang bote ng white wine, wala ng shotglass.  Ahhh! Ang pait! Ang sakit! Bigla na lang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now