Chapter Twenty Six: Sweet Revenge ♥

22.9K 336 9
                                    

CHINKY’s POV

Revenge Plot: Papapasukin si Chrys inside the dark room where I am right now, tapos gugulatin ko siya hanggang sa mag-ti-ti-tili siya sa takot, tapos pagtatawanan ko siya ng malakas. Sayang lang at walang video ‘tong phone ko, nang mai-video sana.

“Chi-Chinky?” muling pagtatawag n’ya.

Napapaatras pa siya dahil natatakot siyang maglakad sa madilim na dinadaanan n’ya. LOL The mighty Prince is actually a coward Prince. Akalain n’yo ‘yon? HA-HA-HA..

“I’m inside the room, infront of you!” Sigaw ko sa kanya sa bintana. Agad naman siyang napalingon sa akin sa bintana.

Naaaninag ko siya sa labas pero hindi siguro n’ya ako makita sa loob.

“Sa-Saan ka?” tanong uli n’ya.

“Room.” Ulit ko.

“Lumabas ka na dyan, bilisan mo!” utos n’ya.

Akmang lalabas na ako ng biglang napatigil ako. No way! Paano ko siya gugulatin kong susundin ko ‘yong sinasabi n’ya ‘di ba? Neknek n’ya.

“Hey, labas ka na dyan!”

“Napilay ang paa ko!” palusot ko.

“Napilay ka? Eh bakit ka nandyan? Parang ang dilim-dilim dyan sa loob.”

“Help me!” Charot!

“Aisssshh!” pikon na siya. Saka ko narinig na itinulak n’ya ‘yong maliit na nakaawang na pintuan. “Okay, where are you?”

*Silence*

“Let’s get out of here!”

*Silence*

“Chi-Chinky, this is not funny anymore!” galit na sabi na n’ya.

Pero sure naman akong mas natatakot siya kesa galit e. HA-HA. E di hindi pa rin ako sumagot.

*Silence*

“Kung ayaw mong lumabas, bahala ka na sa buhay mo. Aalis na ako.” He said.

Pero narinig ko na lang na biglang sumara ang pintuan.

“Dammit!” he whispered.

HA-HA-HA, natadyakan n’ya yata ‘yong pintuan at dahil doon ay nagulat siya, siya na ngang nakatadyak. LOL.

“What the—I can’t open the door!” he said.

Panic ka lang. HA-HA-HA. Nagpa-panic naman na kasi siya e. Maisagawa na nga ang Revenge plan ko.

*Silence*

“Booooooom!” –ako.

“Aaaaaahhhhh!!” –siya.

“BWA-HA-HA-HA-HA..” -ako

Ginulat ko siya from behind. Saka ko siya kaunting kinalabit.  Natawa ako ng marami. Narinig n’yo ba ‘yong tili n’ya? Kalurky! Para kasing hindi siya e, ang supla-suplado pero duwag naman pala.  

“Hoy, okay ka lang?” tanong ko. Saka ko hinawakan ang balikat n’ya, kasi hindi naman na siya gumagalaw. Pero teka, ohh my gosh wait… Naramdaman ko na lang na bigla siyang bumigat. “Teka Chrys, ang bigat mo.” Sabi ko, kasi naramdaman ko na lang na nakasandal na siya sa katawan ko.

Waaah! Mukha ngang nahimatay na ang isang ‘to. Ganoon ba siya kaduwag talaga na hihimatayin dahil lang sa isang ‘BOOM’ ko?

“Chrys, tayo ka nga, ang bigat mo!” reklamo ko, pero walang reaksyon.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon