Chapter Fifty Six: Is it okay if I call you mine? ♥

20.4K 267 11
                                    

CHINKY’s POV

“Nasa kuwan kasi ako—sa ano.. kasi e..” hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya, baka kasi baka mega tuksuhin na naman n’ya ako. Makulit kasi ‘to e.

“Kasama mo si Chrys right?” panghuhula n’ya na ikinagulat ko.

Paano n’ya kaya agad nalaman ‘yon? Sa tatlong taon naming magkakilala ni Elix, mas lalo kaming naging close, feeling ko nga mas kilala pa n’ya ako kesa sa sarili, kaya siguro kahit hindi na ako magsalita, alam na n’ya ang lahat. He is my very bestfriend-slash-brother! 

“Chin, bakit di ka na nagsasalita dyan?” natatawang sabi n’ya sa kabilang linya. Bull’s eye kasi ako e! “So I was right—kasama mo nga ngayon si Chrysler?” tanong uli n’ya.

Napatango na lang ako.

“You are nodding right now, right?” –Elix.

Kita n’yo! Sabi ng kilala na talaga n’ya ako. Siya na ang nakakakilala sa akin. Nagsimula na akong maglakad papunta sa suite room na inookupa ko, habang magkausap pa rin kami ni Elix sa phone.

“Siguro may hidden camera ka na ikinabit sa akin, kaya mo alam ang lahat ng ikinikilos ko no?” nangingiti kong tanong.

He chuckled. “Kilalang-kilala na po kasi kita Miss, kahit paghinga mo kabisado ko na.” Sagot n’ya.

Natawa ako. Ang OA kasi niya. Minsan nga rin pakiramdam ko mas daig na n’ya yata si Nanay kung makapagbilin e. Pero natutuwa naman ako sa kanya.

“Pabalik na ako sa room ko, may kaunti lang kasi kaming pinag-usapan ni Chrys..” kako.

Pero nakakapagtaka lang kay Chrys—hindi na kasi n’ya ako kinakausap ng tungkol sa mga nakaraan namin. Siguro nga, tuluyan na n’yang nakalimutan ang lahat—sabagay, mabuti na rin ‘yon para makapagsimula na kami sa mga kanya-kanya naming buhay..

“Hey, nasaang planeta ka na nakarating?” he asked.

 LOL. Na-space out na naman kasi ako e.

“Dito sa Neptune, bakit, pupuntahan mo ako?” I joked.

Tumawa lang siya.

CHRYSLER’s POV

Masakit! Masakit na masakit! Pero alam ko namang sila na—ipinagsisiksikan ko pa ang sarili ko. Kung bakit okay lang masaktan—basta siya ang dahilan. Kung bakit kahit anong sakit ng pag-iwan n’ya sa akin—siya pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Kung bakit sa tatlong taon na nagkahiwalay kami, walang isa mang segundo na hindi niya nilubayan ang isipan ko.

I’ve never been this desperate. I’ve never been this crazy. I’ve never been like this really before! Kay Angela dati—nagagawa ko pang magsaya kahit malungkot ako... pero sa kanya, hindi ko magawa! She’s my forever but sadly hindi ako ang forever n’ya.

If only I could change our fate. If only I could turn back time. I will do everything para hindi na kami magkakahiwalay. Kahit sa isang liblib na lugar na kami mamuhay, basta kasama ko lang siya. I missed her! Swear to God!

That everytime I see her—I wanna hug her—‘yong mahigpit na mahigpit, ‘yong hindi na siya makakawala sa mga braso ko. Kahit habang buhay na lang kaming gano’n, masaya na ako. Ipagpapalit ko ang lahat—makasama lang siya, ulit.

I married my Devil Bossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن