Chapter Thirty Nine: Masakit ang lips ♥

24.1K 342 16
                                    

CHINKY’s POV

Hmmm.. Ang sarap naman ng unang araw ng bagong taon. Happy 2014! New year, New hope, New dreams, New life. Nakauwi na kami ni Chrys dito sa Condo n’ya, linggongayon, kaya wala kaming trabaho.

Tumawag nga pala si Lola kanina, ang sabi n’ya naipagawa na daw n’ya ‘yong magiging room ni Adam Chrysler. Oo, Adam Chrysler na magiging pangalan ng baby namin.

Dahil ako ang bubuo ng first name, napili ko ang pangalang Adam at dahil conceited ang Daddy ng magiging anak ko, Chrysler ang pinili n’yang second name.

Pero okay lang naman ‘di ba? Cute din naman siyang pakinggan. Adam Chrysler Cruise. Saka balita ko Chrys, next week na daw ang birthday ni Lola Yna, kaya dapat i-surpresa namin siya. Nakaisip nga akong bumuo kami ng mini-drama for Lola, kaso ang corny naman daw sabi ni Chrys.

Suhestyon ko pa nga kantahan na lang n’ya si Lola, pero ang sagot n’ya hindi daw siya kakanta, hangga’t hindi niya ako kasama. E alam n’yo naman kung gaano kalala ang singing prowess ko ‘di ba—baka magka-Yolanda na naman, ayoko ng mangyari ang sakunag ‘yon! Kaya hindi rin ako pumayag sa suhestyon niya.

Sabi n’ya basta regaluhan na lang daw namin si Lola ng bukal sa puso namin, hindi naman daw maarte si Lola. At pansin ko rin ‘yon.

*tok tok*

“Chinky!”

Woah! Si Chrys kinakatok ako sa labas ng pintuan ko. Ano kayang kailangan n’ya? Himala kasing kinakatok n’ya ang kuwarto ko ngayon e. Naglakad ako palapit sa pintuan, saka ‘yon binuksan.

“Bakit?”

 Bigla siyang napakamot sa ulo n’ya.

“Ah kasi ano e..”

Hindi n’ya maituloy-tuloy ‘yong sasabbihin n’ya.

            “Ano nga?” curious kong tanong.

            “Ah wa-wala..” sagot n’ya, saka na siya naglakad pabalik sa kuwarto n’ya.

Tsk! Napailing ako! Kakatok-katok, tapos wala naman pa lang sasabihin, nagpapa-KSP lang yata.

Katatapos lang namin mag-lunch, tapos nandito na ako sa kuwarto ko at nagbabasa ng informative books para kay baby. Para paglaki n’ya, maging genius siya. He-he.

Umupo uli ako at sumandal sa headboard ng kama, saka muling kinuha ang libro, magsisimula na sana  akong magbasa uli ng bigla na naman akong makarinig ng katok mula sa labas ng pintuan ko. Mabilis akong nakalapit doon, saka muli ‘yong binuksan.

            “Ano nga kasi?” kako.

Kasi naman sinasayang lang n’ya ang oras ko, kung gusto n’yang makita ang mukha ko, bakit hindi na lang niya titigan ang wedding picture namin sa sala namin? Actually, ang wedding picture na ‘yon, nasa storage room sa mansion nila dati, para itago raw, pero ewan ko ba, paglabas ko kaninang umaga ay naroon na ito sa sala.

Ang tagal ko ngang pinakatitigan ‘yon kanina e, ang cute ko kasi doon sa picture, parang hindi ako. Pang-artistahin kasi. Charot! Kaya medyo maaga akong kinilig kanina, napapangiti mag-isa.

“Kasi nga ano e..”

            “Ano nga?!!”

            “Y-Yayayain sana kitang pumunta ng Mall ngayon, kung okay lang sayo?” mabilis n’yang sagot na mukhang nagulat pa dahil na rin sa panggugulat na tanong ko!

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now