Chapter Forty Eight: Angela's repentance ♥

20.9K 284 12
                                    

CHINKY’s POV

Kinaumagahan ay umuwi na din kami sa mansion. Naroon sila Nanay, Lola and the rest sa garden, nagku-kuwentuhan, ang cute nilang tingnan at nakakatuwang isipin na parang ang close-close na ng family namin.

“Nariyan na pala kayo mga Apo.” Nakangiting bungad ni Lola Yna sa amin, nang mapansin nila ang aming pagdating.

Mabilis naman kaming nakalapit sa kanila para magmano.

“Magandang umaga po.” Bati namin ni Chrys sa lahat.

“Magandang umaga rin sa inyo.” Bati din nila.

“You both looked happy!” puna ni Lola Yna sa amin.

“Ayiiii.. Mukha yatang may naganap na something sa kanila ah, mukhang masusundan na agad si Acer.” sabi ni Ate Pilar na ipinagtaka ko.

            “Sino si Acer?” kako.

Agad namang natutop ni Ate ang bunganga n’ya. Mas na-curious tuloy ako, kaya napabaling ako kay Chrys na noon ay nakakagat sa ibabang labi n’ya. Teka nga! May inililihim ba silang lahat sa akin?

“May dapat ba akong malaman?” tanong ko sa kanila.

Bigla silang natahimik lahat. Ano ba talagang nangyayari? Saka sino nga kasi si Acer? Araaaay! Nasapo ko ang noo ko. Bigla na namang kumirot ang ulo ko dahil sa pamimilit ko sa sarili kong makaalala.

“Don’t force yourself, maaalala mo rin ang lahat.” sabi ni Chrys sa akin. Saka siya bumaling sa lahat. “Akyat na po muna kami, magpapahinga na siya.”

            “Sandali lang Chrys!” si Nanay ang nagsalita.

“Bakit po Nay?” –Chrys.

“Mag-uusap tayo mamaya, hihintayin na lang kita sa library.”

“Opo, sige po.” –Chrys,

Nagpagiya na lang ako kay Chrys papasok sa loob ng bahay. Saka n’ya ako dinala sa kuwarto na inookupa ko.

“Matulog ka uli o ipapahanda ko na ang breakfast mo? Tanong n’ya.

            “Matutulog na lang muna siguro ako, maaga pa naman e.” kako.

“Okay, maghahanda na rin ako para pumasok sa company, kaya baka hindi mo muna ako makikita mamaya.” Sabi niya.

Isang katok ang narinig namin bago ‘yon bumukas at iniluwa doon si Elix ng nakangiti.

“How are you Chinky?” –Elix.

“Elix!” kako, saka ako lumapit sa kanya.

“Ooos, ooops, bawal ang chismisan ngayon.” Sabi ni Chrys, saka n’ya itinulak si Elix. “Labas na! Magpapahinga na muna siya.” Chrys to Elix.

            “Teka Chrys, okay lang naman—“

            “No! Magpapahinga ka!” tugon n’ya sa akin, saka binalingan si Elix.  “Okay. Bye.” Bago n’ya isinara ang pintuan.

Nakita ko ngang napakamot na lang si Elix sa batok n’ya sa ginawa ni Chrys. Haaay!

PAGBABA ko sa hagdanan ay naabutan ko sina Lola at Nanay na naghahanda na ng pagkain sa hapag-kainan.

“Anak, halika na at ng makakain ka na.” sabi ni Nanay. Alas onse na ng umaga at halos tatlong oras din ang naging tulog ko. Bale, brunch ko na ‘yon. He-he.

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now