Chapter Sixty Two: ♥

19K 276 2
                                    

CHRYSLER’s POV

            “I’m glad you’re here with us Chrys, para mapag-planuhan na rin natin ang nalalapit na Engagement party n’yo ng unica hija namin.” Sabi sa akin Mr. Ramos, ang daddy ni Angela.

Inimbita kasi nila akong mag-hapunan dito sa bahay nila ngayon. Dapat magpapalusot akong may pupuntahan e, kaso sinundo ako ng kapatid ni Angela sa opisina kanina. Wala na akong lusot! I tried to explain sa brother niya, about the truth pero hindi nakikinig. Nalason na yata ang isip nito ng mga magulang nila e. Haaaay!

“E-engagement party po?” nagulat na tanong ko.

 ‘Eto na naman ang topic na ‘yon! Napapapikit na lang ako dahil sa frustration ko.

“Chrys, okay ka lang?” bulong sa akin ni Angela.

Of course I’m not okay!

            “Nakausap ko na ang Hotel ng kaibigan ko, kung saan natin ipagdadaos ang inyong engagement party, naimbitahan ko na rin ang ilan sa mga kaibigan ko, you can invite some of your friends too! And by the way, kailangan ko na ring makausap ang Lola mo—“

            “Hindi po pwede!” sansala ko sa sinasabi ng Daddy ni Angela.

Nagulat silang napatitig lahat sa akin dahil sa biglaang pagsigaw ko ng sagot ko.

“Bakit?” magkasabay na tanong ng Mommy at Daddy ni Angela.

“Ah ka-kasi po, na-nasa States po sila ngayon, nagbabakasyon.” Palusot ko.

Kailangan na namin talagang maayos ito, bago pa man kumalat ang balitang ito. Bago pa makausap ni Mr. Ramos si Lola.

“Dad, ‘wag naman po kayong masyadong magmadali—“

“Hija, lumalaki na ‘yang tiyan mo, kaya kailangan na nating isagawa ang lahat, bago pa mahalata ‘yan!” sabi ng Daddy n’ya.

Para tuloy akong nabagsakan ng malaking asteroid sa tuktok ko. Bumigat kasi ang pakiramdam ko. Napapabuntong hininga na lang ako. Ang gusto ko na lang siguro gawin ngayon ay magpahinga. Masyado na kasing pagod ang lahat ng sistema ko sa katawan. Ayaw na nilang gumana.

I’M SORRY, nadawit ka pa talaga sa malaking problema na ‘to.” Si Angela ang nalingunan ko, nag-excuse na muna kasi ako sa usapan, para magpa-hangin na muna dito sa garden, kasi para mauubusan na ako ng oxygen sa katawan sakali mang nagtagal pa ako doon.

“Argh!” naikuyom ko na lang ang mga palad ko.

I don’t know what to do! Natawagan ko din kasi ‘yong inupahan naming P.I. kaso wala pa daw news sa hinahanap nilang lalaki. Naku, kung pwede lang sanang ipaanunsyo na lang sa TV, gagawin ko na e, pero baka magtaka pa ang lahat, at mas lumala pa ang problema. Siguro matinding pagpapasensya na lang ang gagawin ko!

“Anong gagawin natin? Paano kung hindi mahanap ng PI ang lalaking ‘yon before ng Engagement??” sabi ni Angela.

“I don’t know Angela! I don’t know!”

“Makakatikim talaga sa akin ng sapak at suntok ang unggoy na ‘yon kapag nakita ko siya!” naiinis ng sabi Angela.

 Imbes na mainis din tuloy ako, ewan ko ba kung bakit natawa na lang ako. Kasi naman sumuntok-suntok pa siya sa ere na parang nag-i-ensayo na sa suntok na gagawin n’ya sa lalaking ‘yon!         Hindi lang kasi bagay sa kanya ang maging aksyon star e.

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now