Chapter Sixty: ♥

19.1K 287 5
                                    

CHINKY’s POV

Mabilis pa sa alas-kuwato akong napapikit ng mga mata ko. Tss! Para tuloy akong pervert na nagtatago dito sa closet n’ya para manilip, nakakaloka naman! Nang magmulat ako ng mga mata  ay wala na siya. Phew! Para akong nabunutan ng tinik.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid para i-check na wala siya para safe na akong makatakas. Nang makita kong wala na siya ay dahan-dahan kong binuksan ang closet n’ya, saka rin ako nag-dahan-dahang lumabas doon.

Ang lakas ng kaba ng puso ko. Para akong bata na nagko-crawl ngayon sa sahig, paranoid e. Narinig ko ang lagaslas ng tubig na mula sa banyo. Phew, siguro naliligo na siya. Naku, kailangan ko ng mabilis na makaalis dito!

Pero malapit na ako noon sa pintuan—as in three steps na lang, nang marinig ko ang pagpihit ng pintuan sa banyo. Waaah! Tapos na siya kaagad?

Pero bago pa ako makapag-isip kung saan ako magtatago ay nasa kama na n’ya ako at nakakumot na ng makapal n’yang comforter. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ano ba kasi ‘tong kabaliwang ‘to? Bakit dito ako nagtago? Haaaay naku!

Dahan-dahan akong sumilip mula sa pagkakatalukbong ko ng comforter n’ya. Titignan ko lang kung ano na ang ginagawa n’ya, para kung busy e, mag-iiba ako ng pagtataguan! Bakit hindi pa kasi n’ya patayin ‘yong ilaw para makapagtago na ako sa ibang lugar at kapag nakatulog na siya ay saka na lang ako lalabas dito sa kuwarto n’ya.

Pero nanlaki ang mga mata ko at kamuntikan pa akong mapasigaw ng makita kong tanggalin n’ya ang suot n’yang bathrob at tanging boxers na lang ang suot n’ya. Shockers! Ang hot n’ya! Oh my! Napailing ako ng madaming beses. Ano ba ‘tong kamanyakang iniisip ko! Tsss!

Muli akong nagtalukbong, ang bilis na naman ng kaba sa puso ko. Aatakihin na yata ako anumang oras dahil sa pananatili ko sa kuwarto na ‘to! Habang pinapakalma ko ang sarili ko ay bigla kong narinig na tumunog ang phone n’ya.

            “Hello? Oh napatawag ka?”

Sino ang kausap n’ya?

“Okay, pupunta ako bukas dyan, kailangan na nating maisagawa ang plano natin, okay. Goodnight Angela. Okay, bawal kang magpuyat, okay. Goodnight.”

Nasagot agad katanungan ko—si Angela nga! Ilang oras pa lang silang hindi nagkikita, miss na agad nila ang isa’t isa? Ang OA lang ha, hay naku!

Ayan na! Pinatay na n’ya ang ilaw, makakadahan-dahan na akong aalis dito ng hindi n’ya nalalaman na—T-teka…naramdaman ko na lang na biglang bumigat ang kama at—ouch! Ibinagsak na lang n’ya basta ang isang paa n’ya sa akin. Akala siguro n’ya unan! Waaah.. ang bigat!!

            “Ahhhhhhhhh!”

Bigla siyang sumigaw. Saka ko naramdaman na nagmamadali siyang tumayo mula sa kama n’ya. Ako naman ay biglang nanigas sa kinahihigaan ko. Saka ako napalunok ng mariin. Patay na ako! Dapat nagtatakbo na ako, siguro naman hindi n’ya ako makikilala, kasi nga madilim—pero bakit hindi ako makakilos?

“Si-Sino ka?” parang nanginginig ang boses n’ya, saka n’ya isinindi ‘yong ilaw.

Matatawa sana ako kasi ang duwag pa rin n’ya, pero hindi pa rin ako makakilos.

“H-Hoy, lumabas ka dyan mula sa kumot ko!” sigaw n’ya. Saka ko narinig ang pabulong n’yang sabi na.. “Nasaan na ba ‘yong crucifix ko.”

Hindi ko na tuloy napigilang matawa.

“Te-teka, may multo bang tumatawa?” mayamaya ay sabi n’ya.

Saka ko narinig ang yabag na papalapit sa akin. Napapikit na lang ako. Wala! Patay na talaga! Naramdaman ko na lang paghila n’ya ng kumot na nakatabing sa akin. Oh my!

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon