Chapter Twenty Five: Beautiful In my eyes ♥

23.8K 322 13
                                    

CHINKY’s POV

 “Sabay na kayo sa sasakyan ko.”  Sabi ni Elix sa lahat.

Nyeks! Kasya naman ba kami sa sasakyan n’ya? Para na kaming sardenas n’yan. Pero okay na din kesa mag-commute, saka joyride na din ‘yon. The more the merrier ika nga.

“Okay, tara na!” masigla kong sabi, pero akmang lalabas na kami papunta sa parking lot ng biglang magsalita na naman itong si Chrys.

“Sa kotse ko ikaw sasakay.” Sabi Chrys sa akin with kunot ng noo.

            “Ha?” shocked!

E paanong hindi ako masho-shocked e niyayaya n’ya akong sumakay sa kotse niya—AKO lang ha, takenote! E talagang pag-iisipan na kami n’yan. Kanina na nga lang halos malaglag na ang mga eyeballs ng mga kasamahan ko dahil sa pagpipigil n’ya sa aking sumama sa videoke bar.

May pahawak-hawak pa siya ng braso ko. Nyaaah! He acted like a jealous husband! Waaah! nahiya naman daw ako sa mga pinag-sasasabi ko. Ayaw n’ya lang sigurong nasasapawan ng pinsan n’ya. May pagka-krung-krung kasi ‘tong Chrys e, sobrang opposite ni Elix.

“Bingi ka na ba ngayon? Kailangan paulit-ulit ang sinasabi ko?” masungit na sabi n’ya. Waah! Ang taray nito! Kagabi lang ang bait-bait n’ya. Tss. Bipolar! Isa kang Bipolar Chrysler Prime Cruise! “What?” masungit na sabi n’ya habang hinihintay n’ya ang kasagutan ko.

I looked at everyone. Nyeks! Sa amin sila nakatingin na para bang nanunuod lang ng mala-dramang tagpo sa TV. Kulang na lang yata ang popcorn. Dali bili na kayo. Pasimple kong nilapitan si Chrys, para bulungan siya.

“Akala ko ba ayaw mong ma-chismis tayo, bakit napapadalas yata ang pagdidikit-dikit mo sa akin?” bulong ko.

“Excuse me?” maarte n’yang sabi na parang hindi pa makapaniwala sa naging obserbasyon ko.

Napansin n’yo din diba? Batukan ko kaya ‘to, ayaw pang umamin!

“Aminin mo na! Siguro nagseselos ka kay Elix no?” biro ko, saka ko siya nginitian.

Pero parang mali ang sinabi ko. Nyaaah! He gave me a death threat-look, through his eyes na napakatalim—waaah! Band aid please, sugat-sugat na ako!

“In your dreams!” sabi n’ya, saka na siya nagsimulang maglakad.

E di napasunod na lang din ako. Nagsimula na ding maglakad ang mga kasamahan namin papunta sa parking lot.

“Paano kung tanungin nila ako kung bakit parang ang close natin?” muling tanong k okay Chrys.

O ‘di ba? Paano kung kulitin ako nila na bakit feeling close kami ng Boss namin, anong isasagot ko ‘di ba? Mabuti na lang mas naunang naglalakad ang iba, kami na lang ni Chrys ang nagkakarinigan ng mga pinag-uusapan namin.

“Then ignore them!” sagot n’ya.

 Nahulog ang mga balikat ko. What an answer! Gawin pa akong snobbish nito. Hay naku! Wala talaga akong makuhang matinong sagot sa lalakeng ‘to.

“Chinky!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sina Tanya, Lair at Evelyn pala, na noon ay papalapit sa amin ni Chrys.

“Bakit?” I smiled at them.

“’Di ba close na kayo ni Boss? Pakisabi naman kung pwedeng maki-angkas din sa sasakyan n’ya. Hindi na kasi kami kasya sa sasakyan ni Sir Elixir e.” bulong sa akin ni Evelyn.

“OO nga.” Segunda pa nina Lair at Tanya.

“Hindi kami close ni Boss. Close-close-an lang. Pero sige itatanong ko—“

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now