Chapter Fifteen: I'm pregnant? ♥

29.1K 398 7
                                    

CHINKY’s POV

E di bumalik na kami sa aming mga trabaho after one long week of vacation leave para sa kasal at honeymoon ‘kuno’ namin ng Devil Boss ko. The second day of our honeymoon was great naman, dahil kanya-kanya na kami ng trip. Walang pakialamanan.

Foodtrip ako, siya swimming, palibahasa alam n’yang hindi ako marunong mag-swimming kaya ininggit n’ya ako, pero okay lang masaya naman ako at ang dami kong napasyalan. In summary, I had fun!

Nauna akong pumasok ng isang araw sa kompanya kesa kay Chrys, Monday ako pumasok—siya Tuesday, para hindi halata. Wednesday na ngayon, FYI lang,he-he-he. Pinalusot n’yang sa America siya nagbakasyon. Mabuti na lang at wala namang nagtanong na sinuman sa mga kasamahan namin tungkol sa naging bakasyon namin.

Paano ba naman, na-shift na ang lahat ng kanilang koryusidad sa pasalubong kung tupig, mangga, maraming alamang at bagoong, na specialty ng Pangasinan. Sabi nga ni Chryler no’ng una, itapon ko na daw ang mga pasalubong kong ‘yon kasi ang baho na daw niya. Pero syempre hindi ko ‘yon sinunod. Hayaan n’yo na nga ang isang ‘yon, sakit lang ‘yon sa ass.

E di nagsimula na ulit ako sa work ko. Waaah, I miss my pencil and sketchpad. Parang ang tagal hindi nakahawak nito. At dahil nangangailangan ang Company namin ng designs for Kid’s Christmas Collections, isa-isa kaming pina-sketch ng mga concepts namin.

Waah, I drew a cute red with a hood dress for little girls. ‘Yong  parang pang little red riding hood ang dating. Basta pag titingnan mo siya parang ang fresh sa paningin. Gumuhit din ako ng boy version ng katulad no’ng ginuhit ko for the girls . Tapos after naming gumuhit, kinuha na nila isa-isa ang mga sketches namin.

May two different fashion designing teams sa Company. ‘Yong under ni Ma’am Lucila at’yong isa kay Ma’am Mary Grace.

Kung sinong team ang makakakuha ng mas maraming votes sa committee, siya ang mananalo at gagawa ng kid’s Christmas Collection. Sana lang ay kami ‘yon. He-he-he. Basta simple lang ‘yong sketch ko pero sana makaagaw ng atensyon.

Pagkatapos ng trabaho ko ay nauna na akong umuwi sa condo kesa kay Chrys. E kasi nga magluluto pa ako—nyaah! Magpapakadakilang may-bahay na ako simula ngayon. Hindi na pwede ‘yong pa petiks-petiks na lang. Syempre, kababae kong tao wala man lang akong ginagawa sa bahay. May asawa na ako e. Kahit papaano I want to be a responsible wife. Naks naman! :)

I COOKED Bicol express, waaah! Nainggit kasi ako doon sa patalastas na napanuod ko kanina. Kaya napaluto din ako ng di oras. T apos bigla akong natakam ng hilaw na mangga. Mabuti na lang at may alamang pa dito, mula sa inuwi ko kahapon dito, galing sa probinsya.

Pero itinago ko ‘yon sa kasulok-sulukan ng ref ni  Chrys, ha-ha-ha. Para hindi n’ya itapon. At nagluto din ako ng walang kakupas-kupas n’yang home made fried chicken. Tsk.. parang bata!ha-ha-ha.

“Buweeeh!” teka, parang bigla akong nasusuka ah! “Buwehh!” nasusuka talaga ako. Teka, bakit parang bigla naman akong nandidiri sa mga pagkaing inihain ko ngayon? “Buweeehhh!!!!” aaah, tuluyan na akong nasuka sa lababo.

‘Nak naman ng yellow na butiki oh! Ano bang nakain kong masama kanina? Para magsusuka ako ng ganito ngayon? Sa pagkakaalala ko wala naman. Basta ang gana-gana ko lang kanina sa adobong manok na nilagyan ko ng maraming ketchup. At sa iced-tea na may halong royal tru orange.

Natakam kasi ako sa mga ‘yon e. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko e. Tapos the other day, kumain ako sa Jollibee, ang dami kong in-order N1, N2, C1, C2, tapos nong meron na, parang biglang ayoko na—kaya ‘yong French fries na lang ang kinain ko na isinawsaw ko sa sauce ng spaghetti at sa sundae ko. Waaah, I felt so weird lately.

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now