Chapter Forty Six: Please try to remember me! ♥

21.7K 322 9
                                    

CHRYSLER’s POV

Napanuod ko noon sa isang movie—hindi maalala ni girl si boy—tapos gumawa ng paraan si boy—para maalala siya ni girl—by doing things that he used to do.

Una kaming nagkita at nagkakilala ni Chinky sa Coffee shop and did the same thing—I drunk her coffee. At sa pamamagitan sana ng ginawa kong ‘to, sana ay maalala na n’ya ako kahit pahapyaw lang.

“Ang tagal mo kasing inumin e.” I smirked. “Kung gusto mo naman ng nainuman ko na, ito may natira pa.”

Kumunot-ang noo n’ya. “Kadiri ka! Isaksak mo na lang ‘yan sa ngala-ngala mo!” hasik n’ya.

Lihim akong natawa. It was the same reaction. She’s still ferocious as ever.

            “Hindi naman ako madumi ah.” I said.

Mukhang bigla siyang nandiri sa sinabi ko. Nagbalik tuloy ang alaala ng mga panahong ‘yon—na sana maulit na lang uli ‘yon and I will not waste those precious times na hindi ko siya binigyan ng atensyon ko. 

Ang mga ngiti ko ay unti-unting napapawi. At this very moment ay gusto ko na siyang yakapin—nang mahigpit na mahigpit.

“Ang kapal talaga ng mukha!” naiinis na bulong n’ya sa kanyang sarili, but I heard it!

I smiled again. I truly missed her a lot.

“By the way, I’m Chrysler Cruise and I'm your Boss.”

“Ano? Boss?”

“Yes, you’re working at my Company named The Legacy—as one of my fashion designers, hindi mo na ba naaalala?”

“Yeah, I remember that I’m working at Legacy. Pero Boss—kita?” nagtatakang tanong n’ya.

Napatango ako.

“Ows?”

“Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi ka tumawag mismo sa Legacy? Or asked Lola Yna, Elix and your friends.”

“Seryoso ka? Mamatay man ang kuko mo sa paa?”

I laughed. Ang kwela talaga niya. Kaya ang cute-cute n’ya.

“Swear! Kahit mamatay man ang kuko ko sa hinliliit.” Saka ko itinaas ang kanang kamay ko.

“Eh kung Boss nga kita, anong ginagawa mo dito?”

“This is my house.”

“Your house?” biglang nanlaki ang mga mata n’ya dahil sa sinabi ko.

Napatango naman ako.

“Eh ako—anong ginagawa ko dito?”

“Kasi nga ikaw ang—ang—“

Argh!! Paano ko ba sasabihin na asawa ko siya? Baka kasi bigla na namang sumakit ang ulo n’ya at ipagtabuyan na naman ako.

“Ano nga?”

“Bukas. Bukas mo malalaman.”

“Bukas? Bakit bukas pa? Ano ‘to teleserye na to be continued?”

I laughed. “Ganyan ka na ba ka-excited malaman ang koneksyon nating dalawa?”

            “Koneksyon?”

“Bukas nga, ngayon, mag-midnight snack ka na. Tapos bukas, sasama ka sa akin.”

 CHINKY’s POV

I married my Devil BossWhere stories live. Discover now