Chapter 6 "Tour Guide"

ابدأ من البداية
                                    

Busy ako sa ganoong bagay nang biglang may kumalabit sa 'kin mula sa likod. Hindi ko alam kung sinadya n'ya o malakas lang talaga ang pagkakakalabit n'ya kaya naitulak niya ako ng kaunti. Nawalan ako ng balanse.

Shoot! Mahuhulog ako sa pond!

Agad akong humagilap ng makakapitan pero huli na. Konting-konti na lang at mahuhulog na ako sa tubig. Napapikit na lang ako at hinintay na mabasa ang uniform kong pinagkaplantsa-plantsa pa ni Butler George.

Pero wala. Wala akong naramdamang tubig o kahit ano. Napadilat agad ako. May pumipigil sa akin para mahulog.

"Woah. Muntik na."

Nilingon ko ang taong nagsalita sa likuran. Nakahawak s'ya sa likod ng damit ko para hindi ako mahulog. Hinila n'ya pa ako ng konti para makatayo na ako ng maayos. I cleared my throat and fixed my uniform. That was so uncool.

"Nagulat ba kita?"

Natatandaan ko ang isang 'to. Kasama s'ya ni Marcus kahapon. Hm... Mirco Fuentabella pala ang pangalan n'ya. Ayon sa data na nakikita ko, napakaboring ng buhay n'ya. Ang exciting lang na meron sa buhay n'ya ay kasali s'ya sa gang.

"Hindi naman."

"By the way, I'm Mirco Fuentabella. Inutusan ako ng principal para i-tour ka sa Marcus Academy."

Ano ako, bata? Bakit kailangan pa ng tour guide? Ang daming pauso ng school na 'to.

"Hindi na kailangan. Makakabisa ko rin naman agad ang mga lugar dito."

"As much as I want to agree with you, I can't defy Ms.Principal's order."

"Just tell her you're already done with your job, man. Don't wanna misspend my time with it."

"Too bad. I already excused you on your morning subjects."

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sige na. Pagbigyan na nang matapos na 'to.

"Fine."

Binitbit ko na ang backpack ko at nagsimulang maglakad. Sumabay naman agad s'ya sa 'kin. Now, this is awkward.

Mirco's POV

"Dito ang cafeteria ng seniors. Sa bawat level at building, mayroong cafeteria pero ikaw, dito ang cafeteria mo."

Tumango-tango s'ya.

I'm starting to hate Tita. Bakit ba ako ang nautusan dito? Alam naman n'ya na hindi ako palasalitang tao. Parang pinagtitripan ako ni tita.

Naglakad kami papunta sa soccer field.

"Dito ang soccer field. Bawal tumambay dito kung walang laro o activity."

"Hm."

Napahimas ako sa batok ko. Sana ako na lang ang tinu-tour para gan'yang kaiikling salita na lang din ang nasasabi ko.

Ilang oras pa kaming naglibot sa school at kanina ko pa s'ya napapansing tingin nang tingin sa paligid.

"Anong problema?"

"Gan'to ba talaga ang mga studyante dito? Bakit tinitignan nila tayo?"

Napalingon ako sa paligid.

"Wag mo na lang silang pansinin."

Nagpatuloy na lang ulit kami.

"You should know some rules here," sabi ko sa kan'ya habang naglalakad kami. Tumango lang s'ya ng mahina. 

"First, no littering. May mga trush bins sa bawat sulok ng school. Wala kang rason para magkalat."

Hindi s'ya nagsalita. Siguro naman, nakikinig s'ya sa sinasabi ko.

"Second, we don't actually tolerate bullying here."

Narinig kong parang tumawa s'ya ng maloko kaya nilingon ko s'ya.

"I guess, as an owner's son, he's exempted."

She's pertaining to Liryu. No doubt.

"Maybe, he is."

"Anak din ba ng may-ari 'yong Mylene?"

"Mylene Santiago is the only child of one of this school's investors."

"Look what connections can do."

Nagkibit-balikat na lang ako. Huminto na kami no'ng malapit nang mag-breaktime. Umupo ako sa isang bench. Gano'n din ang ginawa n'ya.

Wala pang masyadong tao dahil hindi pa tapos ang huling subject sa morning class. Ilang minuto kaming nanatiling tahimik.

Kung tutuusin, hindi s'ya mahirap i-assist. Madali n'yang natatandaan ang mga sinasabi ko at pinupuntahan namin. Hindi rin s'ya katulad ng ibang babae na nagpapa-cute at nagpapaka-flirt sa tuwing nakakasama o nakakasabay ako o sila Liryu.

Simple lang s'ya. Bibihirang babae.

Napatingin ako sa kan'ya. Nakapikit s'ya na parang natutulog. I didn't want to grab the chance to stare at her but I did.

Maganda s'ya. Matangos ang ilong. Makinis ang balat kaso bakit pinipili n'yang magsuot ng gano'ng kahabang palda. At 'yong salamin n'ya, medyo malaki ang lenses kaya mahirap makita ng maayos ang itsura n'ya.

Napatigil ako sa pagtitig no'ng bigla s'yang nagsalita.

"Liking the view?"

Liking? I don't know.

"I'm just... staring at your... ah..."

"Face. A typical boy trying to defend himself from being caught off guard. Biruin mong normal na tao ka pala?"

Nginisian n'ya ako. I just blinked at her. Wala akong masabi. Lagi akong tahimik pero hindi ibig sabihin no'n na wala akong naiisip sabihin. Ngayon, talagang hindi ako nagsasalita dahil wala akong maisip na salita.

Tumawa s'ya ng mahina at tinapik ako sa balikat bago tumayo.

"Hindi ko akalaing mahilig tumulala ang isang Mirco Fuentabella."

Napakurap ulit ako at umiling ng mahina na parang ginigising ang sarili ko. The next thing I knew, nakapaglakad na s'ya paalis. 

Saisumi Morales?

Maybe she got the slightest of my interest. Not bad for a newbie.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن