Prologue

8.2K 149 8
                                    

"Pano, alis na ko?" Ngumiti sya at ikinawit ang mga kamay sa batok ko.



"Okay." Sagot nya. Natawa ako at hinalikan sya sa labi. Ilang segundo ding nagtagal ang halik na yun.



"I really want to sleep here but i can't." Bulong ko at pinagdikit ang noo namin.



"I know and i understand." Ganting bulong nya. Napangiti ako at muli syang hinalikan. Bumitaw naman na sya sakin pagkatapos nun.



"Umuwi ka na." Malambing na sambit nya pagkaraan.



"Pumasok ka muna sa loob." Tumango sya and gave me a quick peck on the lips bago sya pumasok sa condo nya. Napangiti nalang ako at napailing saka naglakad na palayo.



Di pa ko nakakalayo ng muli nya kong tawagin.



"Raven." Huminto ako at humarap sa kanya.



"Ingat ka. I love you."



"I will. I love you too." Ngumiti ito at isinara na ang pinto. Nangingiti at naiiling na muli akong naglakad paalis.

xxxx

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Ayaw ko sanang sagutin yun pero parang desidido ang caller na tawagan ako hanggang sa sagutin ko yun. Inis na kinuha ko yun mula sa side table at di dumidilat na sinagot yun.



"Hello?" Walang sumasagot.



"Hello? Sino ka ba?" With my eyes half closed, i checked who the caller is. Nangunot ang noo ko ng makilala ang caller.



"Monique? Honey? Bakit? Hello?" Wala pading nagsasalita sa kabilang linya.



"You must be sleeping. Sabi ko naman sayo, wag mong itatabi sayo yang cellphone mo. Ibababa ko na ha?"



Pero di ko na nagawa yun dahil nakarinig ako ng parang may kumuha ng cellphone na sinundan ng mahinang hingal. "Monique? Are you okay?" Napabangon na ko sa kama. Tumingin ako sa side table ko at nakita kong alas tres palang ng madaling araw. Shit. Di maganda ang pakiramdam ko dito ah. "Answer me. Are you okay?"



I heard a soft and crack voice that is calling my name.



"R...R-raven..."



Dun na ko tuluyang kinabahan. "Monique! Where are you? A-are you okay? Honey, answer me!"



Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko syang umiyak pero parang pinipigilan nya. "Shit. This is not funny anymore. What is happening to you?"



"H-he-help m-me..." Hirap na hirap nyang sambit.



"Shit. Tell me where are --" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumili ito ng pagkalakas lakas na sinundan ng parang pagbagsak ng cellphone nya at busy tone. "Monique? Monique!" I tried calling her again pero wala ng sumasagot. "Shit!" Tatawagan ko na sana ang pulis ng may nagdoorbell. Natitigan ko ang pinto.



Tumayo ako ng matigil ang doorbell. Binuksan ko ang pinto at wala kong nakitang tao. Sa halip, isang anino ng tao ang nakita kong patakbong pumasok sa elevator. Hahabulin ko sana ito ng mapatid ako ng tinangka kong lumabas. Yumuko ako at isang itim na kahon ang nakita ko. Kinuha ko yun at isinara na ang pinto. Medyo may kabigatan ang kahon kaya ipinatong ko yun sa kama ko. Plano ko sanag tingnan kung anong laman nun pero kailangan kong unahin si Monique, kailangan kong malaman kung ayos lang ba sya.



Pero naudlot na naman ang pagtawag ko ng may tumawag sakin. Si Monique. Nakahinga ako ng maluwag at sinagot ang tawag.



"Monique, honey thank --"



"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?" Sa halip ay isang malalim at paos na boses ang narinig ko. Agad na dumako ang tingin ko sa itim na kahon.



"Nasan si Monique? Sino ka? Anong ginawa mo sa kanya?"



Kinilabutan ako ng tumawa sya. "Si Monique? Kasama mo na, diba?"



Nanlaki ang mga mata ko. "Hayop ka! Sino ka ba? Anong ginawa mo kay monique?" Tinawanan nya lang ako at pinatay na ang cellphone. Napasigaw nalang ako at hinagis ang cellphone.



Dumako na naman ang tingin ko sa itim na kahon. Nanginginig na kinuha ko yun at pinatong sa kandungan ko.



Sana nagkamali lang ako ng hinala.. Sana hindi ito ang --


Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko ng makita ang laman ng itim na kahon.

Edited.

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now