"Umalis na kayo sa teritoryo namin bago ko pa kayo paslangin!" Sigaw ng Hari ng mga Dhampir pero hindi man lang gumalaw ang Alpha king.

" What's your name mate?" Tanong nito at nakatingin lamang kay Nichole, walang pakeilam sa nangyayari sa kaniyang paligid.

"N-nichole", nauutal na sagot niya, gusto nitong lapitan si Nichole ngunit umatake ang Hari ng mga Dhampir kaya napilitang umalis ang Alpha King.

"Hindi ako makikipag gera dahil nasa panig ninyo ang Soulmate ko", madiin na sabi ng Alpha King pero tiningnan lamang ito ng Hari ng mga Dhampir.

"Isa siyang Dhampir, ang likas na kalaban ng inyong lahi", paalala ng Hari pero napangisi lamang Ang Alpha King.

"Perpekto na siya at hindi ko na hihilingin pa na may mag bago sakaniya, kaya't siya ang kukunin ko kapalit ng buhay na kinuha niyo mula saamin, babalik ako bukas upang kunin siya", sabi ng Alpha King at bigla na itong umalis.

Tila nadagdagan ang kanilang suliranin, biglang umalis si Nichole.

"Kyle, puntahan mo sila Rachelle tingnan mo kung nagising na ang anak ko", sabi ng Hari at umalis na din ito.

"Uhy! samahan kana namin", sabi ni Abbie na kasama si Piolo at Renze

Nag lakad sila papunta sa kwarto ni Rachelle at doon nila naabutan si Cyrus pa hindi pa umaalis ngunit gising na ito.

"Mag pahinga kana na dito", oprisi ni Abbie pero umiling lamang si Cyrus pero lumipat siya ng upuan, nasa harap na siya ng TV pero imbes na manood ay nilabas nito ang cellphone niya at nag laro.

Biglang nag taka si Kyle dahil sa biglang pag kawala ni Renze pero umupo nalang siya sa tabi ni Rachelle na kaninang inuupuan ni Cyrus.

Nakita niyang masarap ang pag kakatulog ni Renze sa sahig na may rug na gawa sa balat ng uso kaya nakaisip siya ng kalokohan. Lumapit siya kay Abbie na nag babasa ng libro.

"Abbie!" Tawag niya dito at tinaasan lang siya ng kilay

"Pahiram naman ako ng make up kit mo", sabi niya at di mapigilang ngumiti kasi nanlaki ang mga mata ni Abbie.

"KYLE! BUMIGAY KANA BA?!" Pagulat na sabi ni Abbie pero agad natakpan ni Kyle ang bibig ni Abbie.

"Shunga, hindi ako ayun oh!" Sabi niya at nginuso si Renze na masarap ang tulog.

"Tanga, babawian ka niyan", babala ni Abbie pero wala itong pakeilam dahil gusto niya itong pag tripan.

Nang mahiram niya ang make up kit ni Abbie ay balak niyang pah mukhaing babae si Renze pero sa kasamaang palad naging kamukha niya si Valak dahil sa sobrang puti ay nasobrahan niya ang pag bruBrush ng black sa mata nito, masyadong malaki ang brush na ginamit niya pero natatawa siya sa ginawa.

Rachelle's POV

Napabalikwas ang natutulog na Rachelle ng makarinig siya ng mga nag uusap kaya ng bumangon siya ay napatitig siya sa lalakeng naka talikod sakaniya at kaharap ang isang babae at dalawang lalake na natatawa.

"Gwapo natin pre ah!" Sutil na sabi ng Lalakeng umakbay sakaniya.

"Hahahah, Renze di ko alam ma gwapo ka pala hahahahah!" Sabi ng babae pero nagulat siya nang makitang gising na ako.

"Gising na sya!" Sigaw niya at lumingon silang lahat at pati narin ung lalakeng inaasar nila kaya nang makita niya kung anong pinag tatawanan nila ay napatili sya at nahulog sa kama sa kagustuhan makalayo.

"What the fuck!!!" Sigaw ni Cyrus at tiningnan ang nangyayari sakanila.
Siya lamang ang kilala ni Rachelle sakanila, kahit ang tindig lamang nito ang kilala niya kaya pumunta siya sa likod ni Cyrus dahil lumalapit si Renze sakaniya.

"Hala bat ka lumalayo?" Nalulungkot na sabi ni Renze na di alam kung bakit nga siya nilalayuan ng mga ito.

Mag sasalita na sana Cyrus ngunit biglang nawalan ng ilaw.

"Uhy! ang dilim!" Sigaw ni Renze na naririnig nilang nag lalakad pero ng biglang nag ka ilaw ulit at tumili ito na parang babae doon na humagikgik si Rachelle dahil nakita ni Renze ang sarili niya sa salamin kaya natakot ito sakaniyang sarili. Natahimik si Kyle ng maramdaman niyang nag lalakad papunta sakaniya si Renze kaya kumaripas ito ng takbo paalis ng kwarto, sinundan sila ni Piolo na walang magawa.

"Iwan ko muna kayo may aasikasuhin lang ako", paalam ni Cyrus at biglang umalis.

Naiwan si Abbie at Rachelle.
"Hi ako si Abbie! inampon ako ng papa mo", sabi niya at natahimik si Rachelle.

"I'm Rachelle", sabi niya at nginitian ito at pubuntong hininga siya.

"Bakit Rachelle?" Tanong ni Abbie at umupo sila sa dulo ng kama.

"Talaga palang papa ko siya", sabi niya at binagsak ang sarili sa kama.

"Oo, hindi kasi tumatanda ang mga Dhampirs eh kaya bata pang tingnan si sir Landon", sabi sakaniya ni Abbie at tiningnan siya nito.

"Dhampir? Ibig sabihin totoo kayo?" Tanong niya bigla dahil nababasa niya lamang ito sa mga libro.

"Oo, totoo tayo Rachelle, isa ka ring dhampir tulad namin", sabi ni Abbie at nasagot na ang mga tanong niya kung bakit may mga pag babagong nangyari sakaniya.

"Sabi mo inampon ka ng papa ko? " Tanong ni Rachelle at tumango si Abbie.

"Hindi niya naman totally kaming inampon, parang kinupkop niya kami", sabi ni Abbie at napakunot ang noo ni Rachelle.

"Kami? marami kayo?" Tanong niya at napangiti si Abbie at tumango.

"Oo, kami ni Piolo, kyle, Renze, Cyrus, Nichole at Ako, kinupkop kaming lahat dahil nilagtas niya kaming lahat" Sabi ni Abbie at napangiwi si Rachelle.

"Ano bang nangyari noon at nilagtas niya kayo?" Tanong niya at nawala ang ngiti ni Abbie.

"Ayaw ko munang pag usapan yun eh", sabi niya at napa nguso si Rachelle at biglang bumangon mula sa pag kakahiga.

"Eh si Cyrus? ano nangyari noon?" Tanong niya at parang nag tataka si Abbie.

"Ang pag kakaalam ko kasi, nabuntis ng ama niyang bampira ang kaniyang ina at iniwan sila nito pero ng mag pitong taon si Cyrus at napansin ng kaniyang ina na iba ang kulay ng mata nito at may pangil ito kaya ang ginawa sakaniya ay itinali nila ito sa puno at sinunog pero bago pa siya masunog nailigtas siya ni Sir Landon, pero ang alam ng kanyang ina patay na siya bakit mo pala naitanong?" Tanong sakaniya ni Abbie pag katapos ikwento ang nakaraan ni Cyrus, ganun pala ang dahilan.

"Hindi mo kaylangan sabihin kung ayaw mo, alam naman naming inaabuso ka ng mga kumupkop sayo, kalimutan na iyon at isipin mong nandito na kami, marami nang proprotekta sayo at kasama mo pa ang papa mo ", nakangiti siyang iniwan ni Abbie para makapag Handa na ito para sa hapunan.

Napabuntong hininga siya at humiga ulit sa kama .

Kaya niya bang harapin ang panibagong pag babago sa kaniyang buhay?natatakot siya at kinakabahan na baka hindi rin siya mahal ng tunay na ama pero dapat ba talaga siyang matakot?

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now