"I'm not a jerk." Kinuha ni Reymond ang kanang kamay ng dalaga saka hinila ito palapit sa kanya. "'Wag ka nga diyan. Baka biglang bumukas ang pinto at matumba ka pa. 2 minutes pa tayo rito." Niyakap niya ito at saka ipinatong ang ulo sa kanang balikat ng dalaga. "Hindi ako jerk. Okay?"

E, bakit nga? Gustong itanong ng dalaga pero hindi na siya nangahas pa.

"Ang ingay mo kasi. At saka naiinis ako," pabulong lamang ang huling dalawang salita ng binata.

Hindi masyadong narinig ng dalaga ang huling dalawang kataga ng binata, magtatanong pa sana siya kaya lang biglang bumukas ang elevator at napanganga sa nasilayan. "PS Headquarters Lobby?" amazed niyang saad sa sarili. Everytime kasi na pumapasok at lumalabas siya ng PS HQ ay pinipiringan siya, confidential daw kasi masyado ang location ng HQ.

May nasilayang dalawang PS Guards si Reymond saka sinenyasan niya ang mga ito na kunin ang dalaga.

"T-teka bitawan niyo ako. Ano ba?! Reymond—"

He kissed her for the last time just to make sure that he's not mistaken. Napangiti siya saka bumitaw na sa pagkakahalik. Sinenyasan niya ang mga PSG at agad namang tumango ang mga ito.

"R-reymond..." nagpupumiglas pa rin si Jennica sa pagkakahawak sa kanyang ng dalawang PSGs. Gusto niyang pumasok ulit sa elevator at tanungin ang binata kung ano na naman ang ibig sabihin ng halik na iyon kaya lang unti-unti ng sumara ang pinto hanggang sa mawala na sa kanyang paningin ang nakangiting si Reymond.

"Ma'am pasensya na po pero kailangan ka na naming ihatid sa Unit niyo."

Napatingin si Jennica sa dalawang PSGs, nakamaskara ito ng itim kaya ang ibig sabihin ay nasa ilalim ito ng pamamahala ng Code Priestess. Napatingin din siya sa isang receptionist sa PS Lobby na nakasuot ng kayumangging maskara, ibig ding sabihin noon ay nasa ilalim ito ng pamamahal ni Code Ideal. Nginitian niya lamang ang dalawang PSG at sinabing. "Ayos lang po ako, alam ko naman ang daan patungong Unit, baka rin kasi utusan kayo bigla ng Code Priestess."

Nagkatinginan ang dalawang PSG saka napakamot ng ulo, tama kasi ang dalaga. Bagama't maaari silang utusan ng kahit na sinong Codes ay mas kailangan nilang i-prioritize ang inuutos sa kanila ng Code Priestess na siyang Main Code o Main Boss nila. "Sigurado po ba kayo?" tanong ng isa sa mga PSGs.

Tumango si Jennica at ngumiti.

"Kung gano'n po, aalis na kami."

"Sige, bye bye!" masiglang paalam ni Jennica sa dalawa.

Nag-bow naman ang dalawang PSGs at agad na umalis.

Napabuntong-hininga ang dalaga, masyado siyang maraming iniisip sa oras na ito. Una, ang kalagayan ng kanyang magulang. Pangalawa, ang kondisyon ng kanyang kuya Lence. Pangatlo, ang pagtatapat ni Lence Velmonte sa totoo nitong nararamdaman para sa kanya. Pang-apat, ang mga halik ng isang Reymond Dela Fuerte. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kanyang Unit habang iniisip pa rin ang kanyang mga problema. Problema? Tama bang isipin ko na problema iyong pangatlo at pang-apat? Well, yes, those are huge problems.

Naisip ng dalaga si Lence. Hindi niya lubos maisip na mahal nga siya ng lalaki, sino ba kasing mag-aakala? I thought he's just being my big brother. Sweet, caring, and thoughtful. I never thought that he loved me all those years. 

Napahinto si Jennica sa tapat ng isang pintuan na may nakalagay na Art Gallery Unit sa ibabaw. Tumingin siya sa kanan, sa kaliwa, Clear., saad niya sa isip saka dahan dahang pumasok sa nasabing Unit.

Kukunin na sana ni Diana ang isa sa mga picture frame nang mapansin niyang may biglang pumasok, paglingon niya ay napatakip siya ng kanyang bibig. "D-dahlia?" halos pabulong niyang saad.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now