Bakit feeling ko parang naglalaway ako?
Ang sarap sarap nung fries. Para silang kumikintab na mga ginto na hinihintay na lang na kainin ko. Kumakaway pa sila sakin oh. @O@
Kaso bigla namang nilayo ni Shin yung fries nya. Ampocha! Bwisit ‘tong lalaking ‘to. Ano nanaman bang problema nya?
“Baka matuluan mo ng laway mo.” Kinain lang nya ng kinain yung fries. “Umorder ka na nga!”
“Ah.. Eh.. Naiwan ko kasi yung wallet ko.”
“So?” Sow-sow-in ko mukha nito we! Walang awa! Pusong bato! Tubuan ka sana ng kulani!
“Penge naman ako. >O<” Sige na, ibababa ko na yung pride ko para sa mahal kong McDo fries.
“Ayoko. Bumili ka ng iyo.” Ang kulit ng isang ‘to! Eh wala nga yung wallet ko, diba? Seriously, Madam Principal, kasali ba talaga sya sa class honors? Hindi halata.
“Hindi ko nga dala yung wallet ko. Sige na, pleaaaaase? Enge ako!”
Hindi nya ko pinansin at imbis na bigyan ako, kumuha ng 5 piraso ng fries at sabay sabay na sinubo. Nakalawit pa sa bibig nya. Nung pagkanguya nya, ang sabi na lang nya, “Hmmm.. Bakit bigla yatang sumarap yung McDo fries? Nagiba yata yung lasa. Hindi ko alam na masarap pala yung fries dito.” Sumubo pa ulit sya ng madaming fries hanggang naubos na. Naubos ng hindi nya ko binibigyan.
“Ang damot mo! Ilibre mo na kasi ako!”
“Uto mo. Bahala ka jan. Sino ba kasing nagsabing iwanan mo wallet mo. Katangahan nanaman pinairal mo.”
“Eh minadali mo nga kasi ako! Kita mo, ikaw may kasalanan! Kaya ilibre mo na ko!”
“Bakit ganon, parang choppy ka. Hindi ko marinig. Ano kasi yon?” Pwede bang maging choppy, eh hindi ko naman sya kausap sa phone. Abnormal din ‘tong isang ‘to e. May maipalusot lang. Wala namang kwenta yung palusot.
“Sabi ko hinayupak ka. Wala kang awa!” Pagkasabi ko non, nagevil laugh lang sya. Yuck. Bagay sakanya. Bagay yung role sakanya ng evil witch. Next time isasuggest ko na sya kuhanin ng drama club.
Pano naman kaya ako makakakain nito?
Eto lang naman ang choices.
A.) Manlilimos ako sa labas ng mall.
B.) Manghoholdap ako.
C.) Sasayaw ako sa gitna para makakuha ng pera.
D.) Papatayin ko si Shin para kuhanin yung wallet nya.
Good idea yata yung letter D. Parang mas madali yon kesa sa ibang choices. Mas beneficial pa. >:) takte naman kasi oh! Bakit ba pinanganak na madamot at walang awa si Shin? Kung wala lang tao dito sa mall, nakalupasay na yan sa sahig. Inuubos talaga ng lalaking ‘to pasensya ko we!
Hep, hep! Meron palang birthday party dito? Eh kung makijoin kaya ako at sabihing long-lost sister ako ng isang kamag-anak ng celebrant? Eh pano kung tinanong kung anong pruweba ko, anong sasabihin ko? Kung sabihin ko na lang kaya na yaya ako ng isa sa kamag-anak nung celebrant. Tama! Yon na lang. Kaso, pano pag tinanong kung sino? Naman oh. Pesteng buhay ‘to, pwede na kong maglaslas.
Nakita ko sila McDo and friends na sumasayaw don sa loob nung parang room para sa mga nagbebirthday. Muntanga sila, promise. -___-“ Nung natapos na yung part nila sa birthday party, papalabas na sila. Magpapapicture na nga lang ako, tutal naman wala akong mapapala sa mukhang asong ‘to.
Papatayo na sana ko ng higitin nya yung braso ko. Namumutla sya at pinagpapawisan. Anong nangyari sakanya? Baka may nakain na kung ano sa pagkain nya. Bwahaha! Bilis talaga ng karma!
“Umalis na tayo.” Hinihila nya ko palabas pero ayoko. Magpapapicture pa nga ako we! Hindi na nga nya ko nilibre tapos ipagkakait pa nya sakin yung isang picture?
“Bakit? Magpapapicture pa ko! Halika, dali ikaw magpicture samin.” Hinila ko sya pabalik. Putlang putla pa din sya at pinagpapawisan. Ano ba, natatae ba ‘to?!
“Halika na sinabi we!!”
“Ayoko nga!!”
“Bahala ka jan! Aalis na ko!”
“De umalis ka! Ay manong McDo, papicture naman po. Shin, picture-an mo ka----“ Pagkaharap ko kay Shin, frozen in place na sya. Hindi makagalaw. As in parang nastatwa. Wag mong sabihing..
HAHAHAHAHAHAHHAHAHA. Ang dami kong tawa deep inside. Pero kailangan kong magpigil. Meron akong plano.
Lumapit ako sakanya at bumulong, “Ililibre mo ko o sasabihin k okay McDo na hawakan ka nya? Sagot! Ililibre mo na ba ko ha?” Tumango na lang sya kasi nga hindi talaga sya gumagalaw sa pwesto. Hindi din makasalita.
“Ay wag na pala manong McDo. Sige, bye bye! Ikamusta mo na lang ako kela Hetty at Twirlie!” Umalis na si Mcdo na napakamot sa ulo. Hetty at Twirlie? Ay don pala yon sa Jollibee! Ohwellpapel..
Nakagalaw na din sa wakas si Shin. Pinunasan nya yung pawis nya gamit yung likod ng kamay nya.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAAHAHA! Alam mo, ang dami ko talagang tawa sayo! Hindi ko akalaing takot ka sa mascot! HAHAHAHAHAHAHHA! Ang laki mo na oy! Hahahahahahaha!”
“Ililibre ba kita o ano? Wag na lang pala, aalis na ko.”
“Hoy anong aalis! Ililibre mo ko! Wala nang bawian! Baka gusto mong ipatawag ko ulit si Mcdo!”
“As if naman magagawa mo. May pera ka pambayad sa mascot, ha?”
“Wala. Ano ba, ililibre mo ba ko o ano?!” Yea, ang angas ko para sa isang nagpapalibre lang naman. Haha, eh bakit ba! Gutom na talaga ako we. Masama ako magutom, bayolente ako. At yon, nakaorder na din ako ng pagkain ko.
In fairness, nakakatuwa din pala ‘tong project na ‘to. Ang dami kong malalaman kay Shin. Kahit kasi ang tagal na naming magkakilala, wala talaga kong alam na kahit ano sakanya.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #21.2 (Getting to know each other)
Start from the beginning
