String #21.2 (Getting to know each other)

Magsimula sa umpisa
                                        

“Kung makatawa ka, parang hindi ikaw may kasalanan nito! You stupid retard girl!” Inis nyang sabi.

Siguro akala nyo baliw na ko sa kakatawa. Eh kasi naman ‘tong si Shin, may malaking bukol sa noo. Halos kalahati ng noo nya may bukol! Kulay violet pa. Hahaha! Ang bad ko lang, diba? Akon a nga yung may kasalanan nung bukol nya, tawa pa ko ng tawa. Hayaan mo, karma. Alangan namang ako lang ang minamalas dahil kapartner ko sya? Dapat sya din. Mwahaha!

Nandito nga pala kami ngayon sa mall. Nagmeryenda din kaming dalawa, pero libre nya. Ayon, may isusulat na ko sa project ko tungkol sakanya.  Hihi.

Shin is very generous.

NOT. 

Sapilitin ang nangyari at mahaba habang proseso pa bago ko mapapayag yon…..

“Kain muna tayo. Don tayo sa McDo!” naglakad na ko papuntang McDo pero paglingon ko, hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya. Ano ba namang isang ‘to! Paimports!!

“Hoooooy! Halika naaaaaa! Kumain na tayoooooooo!” Sigaw ko sakanya kasi mejo malayo na ko. Non ko lang napansin na madami nga palang tao. “Ah he he he… Hi?”

Peste talagang lalaki yon! Bigla bigla na lang maglalakad palayo! Sira ata tuktok non. Hindi nya ba naintindihan nung sinabi kong sa McDo kami kakain? Buseeeeet! Kailangan ko pa tuloy syang habulin.

“Hoy anu ba! Don kako tayo sa Mcdo diba? Halika na!”

“Ayoko, kung gusto mo ikaw na lang.”

“Bakit ayaw mo? Halika na. Gutom na ko!”

“Masyadong pambata. Don na lang ako kakain sa Dencios, jan ka na sa McDo mo. Bye!” Tumalikod na sya at naglakad palayo pero hinigit ko sya.

“Sasamahan mo ko sa ayaw at sa gusto mo! Diba nga kaya tayo nandito para sa project natin? “Getting to know each other?”” Nag air quote pa ko nung sinabi ko yon.

“Ang kulit ng lahi mo.”

“Eh kasi naman, hindi pa ko nagbebreakfast dahil sayo!”

“Bakit, hawak ko ba yung kaldero nyo?”

“Ano ka, chef namin? Eh dahil lang naman po kasi sa pagmamadali mo sakin, hindi ko na nagawang kumain! 8:00 na ko nagising, eh alam mo bang 35 minutes ako maligo! Ibig sabihin, 5 minutes lang ako nagayos. Eh 5 minute drive pa papunta sa plaza. Sa tingin mo pano ko makakain non? Ha?!”

“Ang dami mong sinabi, sa presinto ka magpaliwanag.”

“Bakit, wala naman akong kasalanan ah! Ikaw ‘tong may kasalanan! Dahil s aka---” Ay bastos. Sinuot bigla yung earphones nya at nakinig ng music. Uupakan ko talaga yung isang ‘to! Jusko Lord, ilayo nyo sakin yang bakulaw na yan! Bibigwasan ko yan! Buti na lang wala akong hawak na kutsilyo kundi baka dumanak na ang dugo.

Pero naglakad na din naman sya papuntang McDo. Tuwang tuwa naman daw ako. ^___^ Hindi talaga ko makakalabas ng mall kapag hindi nakapasok sa McDo. Bata na kung bata, pero ang sarap sarap kaya ng McDo Fries! Kulang na lang iulam ko sa kanin yon e. Ako na adik sa fries! XD

Kumuha muna kami ng mauupuan. Madami dami din akong makakain nito! Buti na lang madami akong daling pera ngayon. Tinignan ko yung bag ko para kunin yung wallet ko.

Hanap hanap. Kalkal pa. Hanap hanap.

Nasan yung wallet kooooooo?!

Oh noes. Wag mo sabihing naiwan ko? Of all times naman! Minamalas talaga ko pag si Shin kasama ko we. May balat yata ‘to sa pwet!

Speaking of the devil, nakabalik na sya dahil una syang umorder. Ako muna kasi yung pinagbantay nya ng table naming para walang ibang makakuha.

Umupo na sya at nilantakan yung burger at fries.

Strings of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon