From: Pangit na bakulaw
HOY! KAPAG WALA KA DON BY 9:00, CONSIDER YOURSELF DEAD! AYOKO NG PINAGHIHINTAY!!”
Wala man lang ni goodmorning, gudam, or hi. Yan talaga. Tapos kailangan capslock talaga? Ayaw naman nya sumigaw sa lagay na yan. All caps na, may exclamation point pa. Buseeeeet.
Nagtataka siguro kayo kung bakit may number ako nung taong mukhang asong yon, no? Eh kasi naman, sabi nya para daw pag uwian, hindi na hahanapin pa. Paimports daw ako lagi, hirap hagilapin. Eh malay ko ba kasing dapat sabay kaming uuwi? Kinacareer naman naming masyado ‘tong pagpepretend na ‘to. Sabagy, kapalit nito buhay ko. Might as well pumayag na ko. Eh ang kaso kasi.. ni wala yatang genes ng pagkagentleman yung lalaking ‘yon! Alam ko nagpepretend kami, pero at least naman buhatin nya yung bag ko diba? Ganon naman kasi yung ginagawa ng mga magboyfriend girlfriend diba. Pero ano nga bang aasaahan ko sa isang Shin Guzman.
Btw, hindi kami sabay umuuwi ng bahay. Utut nyo.
Una, ayokong makisakay sakanya no! May sarili naman akong sasakyan, bat pa ko makikisabay?
Pangalawa, magkaiba kami ng bahay kaya pano kami magsasabay. Though malapit lang yata yung bahay nila sa hotel namin. Aba, malay ko! Hindi naman ako stalker nya.
Pangatlo, kapag papunta kaming parking lot, hindi kami nagkakasundo nyan. Lagi akong sinusungitan! Kaya winowalk out-an ko lang sya madalas.
P.S. Wala pong improvement sa fake relationship namin. Minsan nga feeling ko hindi na sila naniniwala na kami talaga e. XD
Pumunta ako malapit sa fountain. Wishing fountain yata ‘to, ang dami kasing coins sa tubig. Since maaga pa naman ako, ipagdadasal ko muna ‘tong project na ‘to. Hindi ko kakayaning maflunk ang CharDev. Ilang barya kaya kakailanganin ko? Matindi tindi ‘tong hiling na ‘to e. Haha. May nakapa akong 5 peso coin sa bulsa ko at kinuha yon. Ihahagis ko na sana kaso napalakas yata yung hagis ko. Umover sya don sa kabilang side nung statue.
Narinig ko na may sumigaw sa kabila. “Ouch!” Wow sosyal. Englishero pa yata yung natamaan ko. Lagot. XD
Umikot ako sa kabilang statue at nagbow don sa lalaking nakatalikod, “I’m sorry, I didn’t mean to throw that to you Mister.” Nung pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Shin na nakahawak sa noo nya.
Napatingin ako sa wrist watch ko. 8:50 pa lang ah?
“Kala ko ba ayaw mong pinagiintay ka? Eh bakit ang aga-aga mo?” Minsan, Malabo talaga kausap mga lalaki we. Lalo na siguro kung yung kausap mo e si Shin, goodluck na lang kung magkaintindihan kayo sa plano nyo.
“Bakit, masama ba?! Grabe ang sakit non ah!”
“Patingin nga.” Triny ko hawiin yung kamay nya pero hinawi lang nya yung kamay ko. Ang sungit, ayaw pang ipakita! Bahala nga sya, concern lang naman ako. Baka kasi dumugo na yon, ade may kasalanan pa ko sakanya. Tss. Kung ayaw nya, de wag. Fine, madali akong kausap. >___>
“BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!” Grabe, ang sakit sakit na ng tyan ko kakatawa. Napapaiyak na nga ako we. Grabe talaga! Kung nakakamatay lang ang pagtawa, baka nasa libingan na ko! Eh kasi, nakakatawa talaga e. Hahaha!
Naglalakad kami ni Shin dito sa mall. Dito na lang daw naming isagawa yung project namin. Oo na lang ako, sya boss we. -__-
“Tumawa ka pa, lakasan mo pa. Hihilahin ko yang tonsil mo!”
“HAHAHAHAA.. EH KASI.. HAHAHAHA.. TEKA TEKA… ANG SAKIT NG TIYAN KO. HAHAHAHA. TIGNAN MO KASI… HAHAHA. YUNG ANO MO… HAHAHA. KASI NAMAN… HAHAHAHAHAHAHA!” Hindi ko na masabi yung gusto kong sabihin sa sobrang tawa. Hawak hawak ko pa yung tiyan ko habang tumatawa. Kulang na lang gumulong ako dito e. Pero wag, wa poise! XD
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #21.2 (Getting to know each other)
Start from the beginning
