“Tss. Ambaho.” Mukhang nawalan na yata sya ng gana kasi tumayo na sya at umalis ng table. Ang OA din makapagreact nung isang yun eh. Parang yun lang? Bakit ba kasi ang cold cold nya kay Rence?! Siguro dahil total opposite silang dalawa kaya.. kaya ano nga ba. Kaya insecure sya? Maybe. Ewan ko. Anong malay ko, kapatid ko ba sila?!
****
Masaya na sana matatapos ‘tong week na ‘to. Peaceful, wala masyadong nangyari, normal. Pero gaya ng sabi ko, may SANA. Kasi naman…….
*flashback*
TGIF!!!! Isang period na lang, at uwian na! Character development yung huli naming subject, at meron nanamang bagong pakulo este project ‘tong lesheng teacher namin.
“Class, we will have our project for the next quarter. Since our topic is all about understanding other people’s personality, we will have a draw lots for choosing your partner. You have to get to know your partner and gather information about him/her. It’s up to you how, but it’s better if you’ll spend time with your partner for a day. I don’t need so much information, few would do. What I need is your opinion or description of his personality. How he/she bla blah blah, this and that, and this bla blab la….”
Hindi ko na inintindi pa yung sinasabi ni Sir. Ayoko ng ganto, promise. Malas ako lagi sa bunutan. -___-“ Hindi ko alam kung isinumpa ba yung kamay ko o sadyang malas lang ako.
Madalas, kung sino pa yung ayaw mong mabunot, sya pa yung mabubunot mo. At yon nga ang laging nangyayari sakin. Sana naman this time it’s different! Kahit si Jelo na lang. O pwede na din si Lanz. Pero mas gusto ko sana si Jelo, kasi mas madaling intindihin yung personality nya. Please, please, please?!
Ang paraan ng pagbunot eh kung sino yung makakabunot ng parehong kulay ng dulo ng stick, sila magkapartner. Batch by batch kasi madami kami sa room. Ano namang gusto nyo, lahat ng kulay sa krayola gagamitin ni Sir? Yung nakuha kong kulay, color green.
Hinanap ko sa room kung sino yung may hawak nung color green na stick.
Yesss! Nakita ko si Jelo hawak hawak yung green na stick. Sineswerte ako ngayon ha! I’m so happy. Easy lang ‘tong project na ‘to kung sya kapartner ko. Kaso bigla na lang gumuho yung mundo ko nung…..
“Aww, favourite ko pa naman yung green. Sana ako na lang nakabunot. Blue yung nabunot ko e. Oh Shin, eto na yung stick mo.” Inabot nya kay Shin yung stick na blue.
STOPINDANAMEOFPLANETJUPITER!!
HUDAS BARABAS HESTAS at lahat ng may -AS!
Wag mong sabihing si Shin ang makakapartner ko para sa project na ‘to?
Not again. Ugh. I hate it when I have to be group with him. Mas malala yung ngayon, partner lang kami. Ibig sabihin, dalawa lang kami. As in two! Tapos kailangan pang magsend ng isang araw with him?
No way, hindi ko yata matatagalan yon. Nung nasa Baguio nga kami tapos kinailangan kong isama sya sa pamamasyal ko kasi wala nang choice, halos mabaliw na ‘ko e. Tapos kailangan pang kilalanin ko sya? What the heck, men. Ipagdadasal ko na lang sa lahat ng santo ‘tong magiging project namin.
*end of flashback*
Kaya heto ko ngayon, imbis na nagpapahinga ngayong araw ng Sabado, kailangan kong gumising ng maaga para lang sa “Para-sa-project date” namin ng asungot na yon. Bakit ba kasi ganon yung eskwelahan na yon, abnormal. Ang daming gustong ipagawa sa estudyante! Badterp!
Nagbihis lang ako tapos nagpahatid na sa plaza. Di uso sakin make-up, kala nyo ba. Naniniwala kasi ako sa natural beauty. :P Mga 15 minutes before the call time, nandon na ‘ko sa plaza. Sino ba namang hindi pupunta ng maaga kung ganto yung marereceive mong text pagkagising mo.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #21.2 (Getting to know each other)
Start from the beginning
