“Wala ka talagang kasense sense kausap. Ang dami mong sermon. Sana nagpari ka na lang.”
“Tatay ba kita para dikatahan ako? Tsaka ilang ulit ko bang sasabihin na walang babaeng pari. Class honors ka ba talaga? Baka naman wala lang silang mapili, nageenie meenie mini mo na lang sila? Tingin mo?”
“Search mo sa google. O kaya itanong mo kay Simsimi.” Sabi nya sabay nagfocus na lang ulit sa paglalaro sa kinakain nya. Oh sino naman yung simsimi na yon? Kinuha ko yung iPad ko sa bag. Buti na lang naka-wifi yung buong school. Ayon, sinearch ko nga sa google kung sino yung sinasabi nyang Simsimi. Napunta ako sa site nya tapos nakipagusap don sa sisiw na may katol sa noo.
Me: Bakit naging class honors si Shin kung walang laman ang utak nya?
Simsimi: Kasi may girlfriend sya na akala nya mahal na mahal sya.
Huh? May girlfriend na ba si Shin? Ang labo wa! Sino naman kaya yung tinutukoy nyang mahal na mahal ni Shin na girlfriend pero akala lang pala nya yon?
“Shin! Bakit ganto yung sagot nya? Hindi ko magets. May girlfriend ka na ba?” Nakakapagtaka talaga. Wala naman akong nakikitang kasama nya.
Sinilip nya yung screen nung iPad, “Yan, makipagusap ka kay Simsimi at wag mo na kong itsorbohin. Magkakasundo kayo nyan, promise.”
“Sa tingin mo?” Ang cute cute kasi nung sisiw e. Ang liit liit pa ng mga binti. Haha. Pero imagine-in nyo na lang sya kung mahaba yung binti nya. Sagwa >__> Parang lollipop! Haha.
“Oo, parehas kayong walang sense kausap.” Tssss. Ewan ko sayo! Sinamaan ko lang ng tingin, pero hindi ko na sya pinansin. Nageenjoy ako kausap ‘tong si Simsimi we. Kaso minsan ang layo layo na talaga ng sagot nya sakin. =___=
“Oy.” Tawag ni Shin. Hindi ko pa din sya pinapansin kasi focus na focus ako sa pakikipagusap kay Simsimi. Ang bilis nya kasi magreply, grabe! Buti pa sya, pag nagsend ka ng message, mabilis. Eh yung tao, pag nagsend ka ng message, inaabot ng 9208338 years.
“Hmmm?” Sabi ko habang nakatingin pa din sa screen.
“Ang…”
“Ang?”
“Ang ano mo….”
“Huh? Anong ang ano ko?” Napatingin na ko sakanya this time.
Bigla nyang tinakpan yung ilong nya sumandali tapos tumingin sa ibang direksyon. “Ang baho mo.”
Ano? Ako, mabaho? Inamoy ko yung sarili ko, tapos inamoy ko na din yung kili-kili ko. Pero syempre, hindi ko tinaas no! Kayo naman. Teka, nakapagdeodorant ba ko kanina? Nakalimutan ko na. T^T Pero wala namang amoy ah!
“Hoy wala akong putok no!” Wala talaga, as in wala. Mabango pa yata kili-kili ko sa amoy nya we. -__- Makapanlait ‘to, wagas.
“Sinabi ko ba? Yung amoy mo… amoy lalaki. Amoy.. asungot. Amoy.. basura.. Amoy… engkanto.. Amoy…”
“Oy grabe ka na wa! Wala naman akong amoy wa! Ano bang sinasabi mo?” Promise, wala po talaga ‘kong amoy. Victoria secret pa nga yung gamit kong pabango we. Pano ko mag-aamoy lalaki? Eh hindi naman ako gumagamit ng pabangong panlalaki.
LIGHTBULB!
Si Rence.
Oo, amoy nya nga siguro ‘tong naamoy ni Shin. Didikit dikit kasi sakin kanina, ang tapang tapang ng pabango! Ano ba ginawa nya don, pinampaligo?
“Hindi ako mabaho, excuse me. Pabango ng kapatid mo yung naamoy mo.” Tss. Mahaba habang kuskusan ‘to mamaya. Kailangan imake sure na hindi na amoy asung—este amoy Rence ‘to. High-tech din yung pangamoy ni Shin e, no? May lahi yata ‘tong aso. Pero hindi na din siguro ako magtataka, nasa mukha. :P
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #21.2 (Getting to know each other)
Start from the beginning
