String #21.2 (Getting to know each other)

Start from the beginning
                                        

Nung dumating yung teacher, nagpakilala lang sila Rence at Yuki. Ang nakakatuwa pa, pinagtabi sila ni Sir dahil pareho nga silang late enrollees diba. Syempre etong si Rence, iritang irita. Si Yuki naman walang tigil sa pangungulit kay Rence.

Ang aga din nilang bumingo kay Sir Gonzales! Pano ba naman kasi etong si Yuki, binabato ng nakabilog na papel si Rence. Basahin nya daw. Siguro mga naka5 bato na sya pero hindi parin sya pinapansin ni Rence. Hanggang napuno na ‘tong si Rence at bumato na din ng papel kay Yuki. Yun nga lang, kamalas malasan nila, natamaan yung spoiled brat na kaklase naming at ngumawa. Hahahaha, ang dami kong tawa non promise! Ibang klaseng tandem ‘to! Pero ayon, napalabs sila ni Sir. Mukhang nakahanap ng katapat ‘tong si Rence. ;)

Nung lunch, sama-sama kaming lahat sa iisang table. Bale walo na kaming magkakasama, apat na babae, apat na lalaki. Napansin ko lang, bakit ba ang sungit sungit ni Shin pagdating kay Rence? Never ko pa yata silang nakitang nag-usap ng hindi nababalutan ng itim na aura si Shin. Eh magkapatid naman sila, so dapat close naman sila kahit papano. Eh kung ituring ni Shin si Rence, as if he doesn’t exist!

Magkatabi kami ni Shin sa upuan. Remember the boyfriend-girlfriend thingy deal? Napipilitan pa din kaming magpanggap sa school. Pesteng ShiJeLa club yan, sino bang president ng club na yan?! Ilabas nyo lang, para mapamassacre ko! Isang malakin kontrabida sa peaceful at normal life ko. Buti na nga lang hindi gumagawa ng moves yung ShiJeLa club sakin, siguro dahil na din alam nila na kami ni Shin at hindi nila kayang kalabanin si Shin.

Kaso nag-iba na nga yata sila ng pangalan. Sabi nung magkapatid, ShiRenJeLa na daw yung bagong name. Alam nyo naman kung sino yung dumagdag, diba? Well, wala akong pakielam, as long as wala silang ginagawa sakin.

Habang kumakain, napansin kong walang imik lang lagi si Shin. Not that it’s unusual, kasi naman normal na lang na hindi sya palasalita or palaimik. Pero may iba sakanya ngayon. Parang pasan nya yung daigdig. He won’t even look at us, basta nakatitig lang sya sa pagkain nya. Pinaglalaruan lang din nya yung inorder nyang pesto. It’s really weird, there’s something going on.

“Pssssst.” Mahina lang yung pagkakasitsit ko, pero maririnig naman nya yun kasi magkatabi lang naman kami.

“…..” Sinabi ko bang maririnig nya? Anak ng tokwabel! Autistic na yata ‘tong lalaking ‘to! Iaangat yung tinidor nya na may mahabang mahabang strand ng pasta tapos iwawagayway.

“Psssst! Bakulaw!” Yon, napansin din! Yun nga lang, ang sama sama ng tingin nya sakin.

“Anong meron sayo? Bat para kang natatae jan?” Busy silang lahat sa pag-uusap at pagkain kaya dedma lang sila sa pag-uusapan namin ng autistic na ‘to. Ang sama pa din ng titig nya sakin.

“Ang baboy mo. Hindi mo ba nakitang kumakain yung tao?”

“Ikaw lang naman nakakarinig ng sinasabi ko a.”

“Kaya nga. Kita mo na ngang kumakain ako, tapos bigla mong sasabihin yon. Stupid retard.”

“Ay, ikaw ba yung tinutukoy mo? Tao ka pala? Wow, that’s brand new information. Hindi ko alam magaling ka pala magjoke.”

“-___-++++ You’re annoying.”

“Like annoying orange?”

“No, you’re more annoying. You always talk non sense.”

“Okay na yun, kesa mapanisan ng laway gaya mo. Sinasayang mo yung gift na binigay sayo ni Lord. Yung ibang taong gustong makapagsalita, naging pipi. Pero bat ikaw na binigyan ni Lord ng kakayahang makapagsalita at sambitin lahat ng nais mo, ayaw mong gamitin?” Tumingin ako sa langit habang nakapraying position. “Lord, why is life so cruel?”

Strings of FateWhere stories live. Discover now