mnj ch38.a

56.5K 399 142
                                    

stephanie's

Hindi ko na kinaya. Ikaw ba naman ang makitang kasayaw ng taong gusto mo ung bestfriend mo, di ba? Lalo pa't kitang kita mo na masaya sya. Hindi naman nila kasalanan to e.Ako ang may kasalanan nito. Magkagusto daw ba ako sa isang lalaking imposibleng magkagusto sakin. Nasaktan tuloy ako. Pagkatapos ng sayaw nila umalis na agad ako sa prom na un.

CLICK

Napalingon ako sa pinanggalingan nung tunog. Tsk. Ang kulit din nito. Sabing wag gagalawin ung camera ko e! Minsan lang magsalita tong si Emman pero makulit din talaga sya. Katulad ngayon, tinawagan ko sya kanina nung pagkaalis ko sa prom, gusto ko lang kasi na may makausap. Pero nagpumilit sya na magkita raw kami dito sa park. Kaya nandito kami ngayon kahit lagpas 12 midnight na. Nakaupo kami ng magkatapat. Mukhang kami na lang ang nandito sa park na to. Malapit lang to samin at malapit lang din ata sakanila kaya dito na lang kami nagkita.

"Ang ganda..." sabi ni Emman habang nakatingin sa camera ko.

"Alam kong maganda ako Emman. Hayst."

"Ung camera. Ang ganda ng camera mo." seryoso nyang sabi habang nakatingin pa rin sa camera ko. Ung tipong parang tinitignan nyang mabuti ung camera ko.Pagkatingin nya sakin, tinignan ko sya ng masama. Mukha kasing nang aasar sya e.

"Hindi ba talaga ako maganda?? Ha??" tanong ko ng may halong pagmamaktol with matching padyak pa.

Bago sya sumagot, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Namula ako sa ginawa nya.

"Hmmm. Okay lang." sagot nya. Tapos tumingin ulit sya sa camera ko.

"Okay lang?? Anong okay lang?"

"Hmmm. Pwede na."

Pwede na? Parang napilitan pa ah! Nang iinis ata talaga tong lalaking to!!

"Bad trip ka Emman. Di mo man lang ako binola para gumaan man lang pakiramdam ko kahit konti." Mangiyak ngiyak kong sabi. All this time, ang alam ko e maganda ako, tapos para kay Emman hindi ako maganda? E malamang ganon din ang tingin ni Lance sakin. Same case sila nito ni Emman. Pareho silang may gusto sa bestfriend ko. Ang pinagkaiba lang, si Emman, mukhang nakamove on na. Tanggap na daw nya kasi na ung Kuya Dave nya ung gusto ni Julia at hindi sya. Sa tingin ko naman, tama sya.

Si Lance, halatang di pa nakakamove on kay Julia e. Sya pa rin ung gusto nya.

"Umiiyak ka?" Tanong nya habang nakataas ung isang kilay.

"Hindi Emman. Nagta-tumbling ako! Tsss." sabi ko sabay irap sakanya.

"Halika nga dito." matawa tawa nyang sabi tapos tinapik tapik nya ung bakanteng space sa kinauupuan nya.

"Ako pa talagang papalipatin mo no? Ikaw na lang kaya ang pumunta dito!" pagmamaktol ko ulit.

"Tss.." Tumayo sya tapos hinagit ung kamay ko at hinatak ako papunta sa upuan nya. Umupo sya sa tabi ko at tumingala.

"Bakit ba kasi ha?"

"Wala lang. Gusto lang kitang katabi." sagot nya habang nakatingin pa rin sa langit at nakangiti. Di ko mapigilang magblush ulit sa sinabi nya. Bumilis rin ung tibok ng puso ko. Lokong lalaki to a. Ang daming alam. Napangiti tuloy ako.

"Ang adik mo." sagot ko na lang sabay tingin sa langit. Alam ko na kung bakit pinipilit nya akong tumabi sakanya. Ung pwesto ko kasi nasa ilalim ng puno, e dito sa pwesto nya kitang kita ung mga bituin. Ang ganda!

Maya maya may shooting star na dumaan. Ang bilis. Sa sobrang bilis, di ako nakapagwish.

"Nakita mo ung shooting star? Nakapagwish ka ba?"

"Nakita ko. Pero di na ako nagwish." nakangiti nyang sagot. Mukhang napapadalas ang pagngiti ngayon nya ah. Nung bago pa lang kaming magkakilala, hindi naman sya palangiti o palasalita. Ngayon, medyo nagbago na sya. Napalagay na siguro ung loob nya sakin. Sa maikling panahon kasi ng pagkakakilala namin, naging close na rin naman kami.

"Ako nga din. Alam ko naman kasing hindi aabot ung wish ko. Ang bilis nya kaya!"

"Hindi yon. Di na ako nagwish kasi natupad na ung gusto ko."

"Ano naman un?"

Tumingin sya sakin bago sumagot.

"Ang makapag star gazing kasama ang isang napakagandang babae."

E? Ako ba ung tinutukoy nya?? Ako ba un? Tsk. Malamang hindi! Di nga daw ako maganda e.

"Ah talaga? Kailan naman nangyari un? Good for you." I asked with no interest. Kunwari lang un, ung totoo, curious talaga ako.

"Tss. Nevermind."

Tsk. Nagsungit na. May pagkamasungit kasi to e.

"E di wag. Parang nagtatanong lang e!!" sagot ko na may halong pagsusungit din.

Nagulat ako nung bigla syang tumayo at pumunta sa harap ko.

"Steph?"

"Bakit? Uuwi na ba tayo?? Wag muna. Di pa ako inaantok e." I said with matching puppy eyes pa. Ayoko pa kasi talagang umuwi. Wala rin naman kasi akong aabutan sa bahay. Nasa business trip kasi ung parents ko.

Hindi sya sumagot, sa halip, nilahad nya ung kanang kamay nya sakin. Tapos nakatingin lang sya sakin ng walang ekspresyon ang mukha. Magkamukha talaga sila ng Kuya Dave nya. Pero mas maamo ung mukha niya kesa sa kuya nya. Kaya, para sakin, mas gwapo si Emman kesa kay Dave. Shocks! Ayan na naman! Nagbablush na naman ako. Makatingin kasi e.

"Ano ba un?"

"Tsss. Ung kamay mo.."

Mukhang gusto na talaga nyang umuwi. Hayst. Ayoko pa sanang umuwi e. Nakakainis naman to.

"Sabi ng ayaw ko pang umuwi e." sabi ko tapos inabot ko ung kamay ko sakanya. Tapos padabog akong naglakad.

Nung bigla nya ako hatakin papunta sakanya, napahawak ako sa dibdib nya. Buti na lang at hinubad ko na ung high heels ko kundi natapilok ako. Napansin ko na nakalagay na ung mga kamay nya sa bewang ko. Nakangiti sya sakin habang nasa ganon kaming posisyon. Lalo tuloy akong namula.

"Ano ba--"

"Dance with me Steph."

E? Anu daw?

====

Fb accounts for mnj charax?

Si Emman po-->

Tnx!ö

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon