mnj ch37.a

54.2K 303 40
                                    

dave's

"I know you like her Dave."

Naapakan ko bigla ung preno ng kotse nung narinig ko ung sinabi nya na un.

I like her?? Si Julie? Gusto ko si Julie??

"Kat. Mali ung iniisip mo." sabi ko pero she just gave me a questioning look.

"Huh? Mali ako? No Dave. Gusto mo sya. Aminin mo man o hindi, alam kong gusto mo sya."

Ayaw pang maniwala sakin. Di ko naman kasi talaga gusto si Julie e. Ano lang.. Di ko alam.. Basta hindi ko sya gusto!!

"Pero Kat---"

"You like her Dave and don't deny it. Wag ka ng mahiya sakin. And besides, I like her too."

"Huh?"

"I said I like her too. She looked so sweet, so fragile yet fierce at the same time.

Pero Dave, hinay hinay lang sa pagiging protective. Naaalala ko sa'yo ung mga kuya ko sa pagiging protective mo sakanya e." sabi nya sakin na parang naiinis. Teka? Parang mga kuya nya?? Naguguluhan na talaga ako. Tssss.

"Ano?"

"Tsk! Babe, admit it or not, alam kong kapatid na ang tingin mo sakanya. You care for her, Dave. Pero hinay hinay lang a. Baka magrebelde sya sa'yo kagaya nung nangyari samin nila kuya."

Di ko na sinagot si Kat. Nginitian ko na lang sya at nagdrive na lang ulit ako. Di ko kasi alam kung anong isasagot ko sakanya.

Naguguluhan ako. Kapatid? Kapatid ang tingin ko kay Julie? Un nga ba?? Kaya ba naiinis ako sa Carlo na un dahil sya ung kasama ni Julie ngayon? Kaya ba nag aalala ako na baka kung anong gawin sakanya nung lalaking un?! Shet! Bakit ko ba sya iniwan don?!

"Would you like to come in, Babe?" Nandito na kami sa condo ni Kat. Nakarating kami dito ng hindi ko namamalayan.

"Next time na lang. Gabi na masyado." Sabi ko lang un, pero ang totoo, nag aalala na talaga ako kay Julie... Sa kapatid ko.. Tsss..

"Well, you can just sleep here if you want."

"Talaga?"

Natawa muna si Kat bago ako sinagot.

"Ofcourse babe! Ano ka ba naman? Parang di ka pa nakatulog dito dati ah." Namula sya pagkasabi nya nun.

Na-miss ko to.. Ung makitang namumula sya. Ang ganda nya kasi talaga. Nami-miss ko na rin ung matulog katabi sya. Ung mga halik nya... Yakap.. I miss her being so close to me.

Nami-miss ko na rin YON. Matagal tagal na rin naman kasi nung huli naming ginawa yon.

"Tara na Babe. Akyat na tayo. Wag ka na'ng mag isip." Lumabas sya agad ng kotse kaya lumabas na rin ako. Hindi naman ako ma-L pero... I miss her... I miss it.

Susundan ko na sana si Kat papasok sa building ng condo nya nung may bigla akong naisip.

Paano na si Julie?

Ano namang paki alam ko kay Julie? Wala akong paki sakanya.

Meron. Gusto mo sya di ba??

Gusto ko lang sya bilang kapatid. YUN LANG!

Kung ganon okay lang sa'yo na kasama nya ung ex nya? Malamang gagawin din nila ung gagawin nyo ni Kat.

E ano--- ANO??

Di ba kaya ka nga pumayag na pumunta sa prom para mabantayan si Julie? Second reason mo lang naman ung pagpilit sa'yo ni Kat.

Shut up! Shet!! Nakipagtalo ako sa sarili ko??

"Dave? Tara na." Sabi ni Kat na bumalik ulit nung napansin nyang di ako sumunod sakanya.

"Sorry Kat. Uhm... Pagod lang talaga ako. Babawi ako sa'yo next time." I said with a pleading eyes. Sana hindi sya magalit.

"Ah. Okay? Ingat sa pagda-drive. I love you and thank you for tonight babe." sabi nya tapos niyakap nya ako at hinalikan. Mukhang di naman sya nagalit.

SHET! Nagdadalawang isip na naman akong umalis. Pero hindi, kailangan kong protektahan si Julie!

"I-I love you.."

Parang may mali. Hindi ko alam kung ano, pero may mali talaga e. Hayst. Siguro tong ginagawa ko ang mali. Ang iwanan ung girlfriend ko para puntahan ung babaeng un. Pero wala e.

Nag aalala talaga ako sakanya. Siguro nga tama si Kat. Kapatid na nga ang tingin ko sakanya kaya ako nagkakaganito.

Binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa makabalik ulit ako sa school namin. Tapos na pala ung Prom. Ung mga nag aayos na lang ung mga naiwan. SHIT talaga! Nahuli na ako!! Nakaalis na sila!

KRING!

KRING!

Shet! Bakit di sinasagot ni Julie??

KRI---

"O bakit na nam---"

"NASAAN KA?!"

"Makasigaw Dave?! Nasa bahay ho ako!"

Nasa bahay daw sya??! Inuwi sya nung ex nya??

Di ko na sya nasagot, namatay na kasi ung cellphone ko. Badtrip naman o! Kung kailan kailangan saka pa na empty bat! Sumakay na ako agad sa kotse at nagdrive papunta kila Julie. Di naman sa di ako naniniwala sakanya. Di lang talaga ako makapaniwala na inuuwi sya ni Carlo. Saka baka sinabihan lang sya ni Carlo na wag magsabi ng totoo. Kailangan kong makasigurado!

Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko agad ung kotse ni Carlo. Mukang nagsasabi nga sya ng totoo. Pero bakit nandito pa si Carlo? Bakit hindi pa sya umuuwi?

Magdo-doorbell na sana ako pero napansin kong patay na ung ilaw sa sala. Kung nandito pa si Carlo, bakit nakapatay na ung ilaw nila sa sala??

Hindi kaya? G*go ung Carlo na un a!! Kaya ba hinatid nya si Julie kasi dito nya balak gawin ung gusto nya kay Julie?! Shet! Alam kaya nila Tito na nandito si Carlo?! Malamang hindi!

Dali dali akong pumunta sa likod ng bahay nila at inakyat ko ung gate ng bahay nila. Bahala na kung may makakita. Kailangan ko silang pigilan! Buti na lang hindi pa nila napapagawa ung lock sa likod ng bahay nila kaya nakapasok ako. Mabilis pero maingat akong umakyat papunta sa kwarto ni Julie. Nakabukas ng konti ung pinto ng kwarto nya.

"Aray." Narinig ko mula sa kwarto nya. Boses ni Julie un. Shet! Huli na ba talaga ako??! Patay kang g*gong Carlo ka!

Agad kong binuksan ung pinto ng kwarto ni Julie. Handa na ako sa pwede kong makita e. Pero mas magugulat pala ako sa makikita ko.

"SHIT!!"

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon