Liar 50: Our Miracle

Start from the beginning
                                    

Tumayo na si Light at inayos ang suot niyang kulay puting gown. Tumayo na din ako dahil doon. Hinawakan niya ang kamay ko at doon isinuot iyong singsing. "Our promise ring." She told me. Napangiti ako dahil naalala ko kung paano niyang kinuha ang promise ring namin noon dahil nga sa mga nangyayari, at ngayon lamang niya ibinalik.

"How about our wedding ring?" I asked mellowly. Instead of giving me a direct answer she smiled mysteriously.

Balak ko pa sanang magtanong sa kaniya pero bigla na lamang siyang naglakad patalikod sa akin kaya naman nalito ako. "Saan ka?" Tanong ko sa kaniya at balak ko sanang habulin ang kaso bigla na lamang akong hinawakan nitong bata at biglang tumakbo iyong ibang bata kanina at saka ako niyakap aa binti dahilan para hindi ako makaalis agad.

"Hey kids?" Nagtatakhang tanong ko.

Tinawanan lamang nila ako. Umupo ako para maging kapantay ko sa kaniya. Pinakiusapan na tigilan na nila ako dahil kailangan kong mapuntahan muli si Light pero nanatili silang nangungulit lamang. Until green eyes spoke.

"Hey, let's go it's already time." He told the children and miraculously they all obeyed. I looked at him confusingly.

"What's going on again?" I asked curiously because I have no single clue about all of this. Ang alam ko lamang anniversary namin ngayon at syempre may surpresang naganap at hiniling muli ni Light na pakasalan ko siyang muli.

Speaking of wedding, Light will let me prepare for the wedding right?

"Papa." Nangunot noo ako dahil sa tinig ng baby boy namin ni Light. Para kasing naiinis siya sa akin na hindi ko pa din makuha ang lahat. Napakunot noo ako lalo. Ano bang problema nang isang ito?

"Hindi mo ba alam ang kasunod na nangyayari pagkatapos ng proposal?" Hindi ko alam kung mamangha ako na tuwid siyang magsalita ng tagalog at hindi nauutal o iyong parang napapailing na lamang siya sa akin dahil isa akong hibang.

"Wedding?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang isinagot ko sa kaniya.

"Gets mo naman pala, papa. Tara na!" Masayang sabi niya at saka ako hinawakan sa kamay at bigla na lamang siyang tumakbo kaya naman napalakad ako nang mabilis. Sumunod sa amin iyong mga bata papuntang... Botanical garden?

Doon kasi ang daan papuntang botanical. Aakyat ka muna sa hagdang kahoy na mayroong mga dahon at bulaklak sa gilid bago mo marating iyong malaking tila greenhouse at garden sa paligid nito.

Napansin ko din na mukhang tuwang tuwa iyong mga bata ngayon. Nagbibiro lamang naman sila hindi ba? Kasal? Agad-agad? Hindi ba pwedeng paghandaan muna? Gusto kong gawing sobrang espisyal nang ika-apat na kasal namin, gusto kong lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay naming dalawa ni Light nandoon. Gusto ko ako ang maghahanda ng preperasyon ngayon may ganitong hinanda si Light. Gusto kong bumawi.

Dire-diretso kaming tumakbo papunta sa may garden. Noong paakyat na kami ay nagdahan-dahan kaming lahat at sobrang kukulit nila habang nag-iingay at nakahawak sa akin.

Nang makarating kami sa mga pahuling hakbang ay natanaw ko ang tila mga tali na nakasabit sa may mga puno na nasa garden at iyong tila Arc na nasa bungad o huli nitong mga hagdan ay mayroon din noon.

Napalunok ako at naramdaman ko na naman na parang sasabog ang puso ko kada hakbang ko. Noong makalapit kami doon sa may arko ay tiningnan ko iyong mga nakakabit sa tali. Napangiti ako noong makita ko ang mga litrato namin ni Light maging ng barkada na nakalagay doon.

Habang natutuwa pa akong tingnan lahat noong mga litrato ay bigla akong hinilang muli ni green eyes at saka kami nagtatakbo papunta sa tila malaking greenhouse at halos malaglag ang mga panga ko nang makita kong may mga tao sa loob noon.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now