Liar 8: Rain

72.3K 2.1K 498
                                    

Princess Light's POV

Timeline: Two days after the wedding.

Tumalon ako mula sa ikatlong palapag ng gusali, mabilis ang naging pangyayari at ngayon ay nasa unang palapag na ako, habang naka-luhod ang isang tuhod. Nanatili akong nakatungo at naramdaman ko na maraming mga lalaki na pumalibot sa akin. Tinanggal ko ang tali na nakalagay sa akin, kanina para maayos akong makalapag sa first floor.

Mabilis din akong tumayo at kasabay noon ang mga pag-atake ng mga lalaki sa akin. Hindi ko mapigilan mapangisi lalo na noong lakas loob nila akong inatake ng buong lakas nila. Mabilis kong naiwasan ang mga atakeng iyon, lalong lalo na kapag nakakakita ako espasyo na maari kong takasan.

Kahit nakakaiwas ako, hindi sila natinag at tuloy tuloy ang ginawa nilang pag-atake, samantalang nag-simula na din akong lumaban. Sinuntok ko ang isa sa kanila sa tyan at mabilis akong tumungo kasabay ang mabilis na pagtadyak sa likudan ko.

Hindi pa ako nakuntento at inilabas ko ang isang kutsilyo at inilagay ito sa pag-itan ng itaas at ibabang mga ngipin ko. Mabilis akong bumaling sa kaliwa ko at sinuntok ang isa sa dibdib nito, pagkatapos noon umilag ako sa unahan at nag-counter attack ng mabilisan. Ginamit ko na ang kutsilyo at sinugatan ang isa sa kanila sa braso, pagkatapos ay muli kong inilagay sa lalagyan ang kutsilyong ginamit ko.

Mukhang hindi pa nakuntento sa pag-atake ang mga lalaki sa akin, kaya naman dire-diretso pa din sila upang subukan akong sugatan o di kaya'y tirahin. Nakakita ako ng isang maliit na espasyo patungo sa taling maari akong iangat sa ere, kaya naman mabilis akong tumakbo papunta doon.

Hinabol nila ako, subalit mas naging mabilis ang kilos ko kaya't sa isang iglap lamang nakabit ko na ulit ang tali sa magkabilang gilid ng baiwang ko. Mabilis din akong hinigit ng tali paatas, kaya naman napangisi ako, lalong lalo na noong makita ko ang panghihinayang sa mga mukha ng lalaking naiwan sa ibaba.

Upang bigyan sila ng kakaibang thrill, mabilis akong umikot ng 360 degrees mula sa ere at habang umiikot mabilis kong kinuha ang mga shuriken na nasa bulsa ng maliit na bag sa gilid ng binti ko, at halos pasabuyan ko sila noon sa ibaba.

Kitang kita ng mga matalas kong mga mata kung paano umiwas ang iba at kung paano naman daplisan ang iba. Unti-unti na ring nagka-bahid ng dugo ang kulay puti at malinis na sahig kanina. Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko at mabilis akong nag-sway papunta sa kaliwa ko para mapapunta ako sa pader kung saan naka-display ang isang espada. Mabilis ko lamang iyong kinuha.

Noong mahawakan ko iyon ng maayos, mabilis kong nimaniobra ang tali dahilan upang bumababa akong muli sa unang palapag. Walang inaksayang panahon ang napakaraming tao doon, at sinugod ako.

Natamaan ako ng isang suntok sa tagiliran na dahilan ng biglang agresibong galaw ko. Hindi ko ininda ang suntok na iyon at mabilis na ginamit ang espada na dahilan ng pag-agos ng dugo mula sa mga nagtangkang lumapit sa akin.

Tinitigan ko ang bawat isa sa kanila, ngunit wala akong mabasang ekspresyon. Kaya naman napangisi ako. Magaling. Akala ko wala silang lakas ng loob na sugudin ako subalit may naramdaman akong gumalaw sa likod ko kaya naman mabilis na nabaling doon ang atensyon ko.

May hawak din siyang espada kaya naman mas ginanahan akong makipaglaban sa kanila. Kinalaban niya ako sa pamamagitan noon at aaminin ko na may ibubuga din siya dahil kahit papaano natatapan niya ang lakas nakatuon sa sword na gamit ko.

Habang inaatake ako ng espada, ay hindi pinalampas nang iba iyong pagkakataon at nakipagsabayan din sa galaw ko kahit walang armas. Ngunit, hindi naging ganoon kadali ang lahat sa kanila, dahil mabilis ko pa ding nakokontradikta ang mga tira nila.

Noong makita ko na halos lumuhod na ang iba sa sobrang pagod at mas tinuon ko ang pansin ko sa kalaban ko na gumagamit ng espada. "Nice swordsmanship." I commented nonchalantly, which made him gasped so I used the opportunity to throw his sword away from him. Madali kong nagawa ang bagay na iyon kaya naman napangisi ako.

Liars CatastropheWo Geschichten leben. Entdecke jetzt