Liar 16: Trouble

63.5K 2.1K 708
                                    

Princess Light's POV

"My wife?" Hindi makapaniwalang tanong ko, which made him grin mischievously. "Yes, you are my wife." Nakakalokong banggit pa niya. Mag-sasalita na sana ulit ako ngunit hindi ko na nagawa dahil...

... sa biglang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Natulala at nabato ako sa kinauupuan ko. Halos mabingi ako sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko... After all these years, pangalan pa din talaga ni Gab-Gab ang sinisigaw at hinahanap ng puso ko.

Hindi ako makakilos, gusto ko siyang itulak papalayo sa akin, ngunit hindi ko magawa. Parang sasabog ang dibdib ko habang nararamdaman ko ang malalambot niyang mga labi. Para akong inuubusan ng lakas, nanghihina ako... Unti-unti napapikit ng kusa ang mga mata ko at hinayaan kong halikan niya ako.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag kung paanong lahat ng alalahanin ko nawala sa isang iglap. His soft and tender kiss is powerful enough to make me feel something... Something like... I'm home. Na nandito na ako sa kung saan ako nararapat. Ganoon ang naiparamdam niya sa akin sa maikling sandaling iyon.

After a second, siya na mismo ang bumitaw. Napatingin ako sa mga mata niya dahil doon, at nagulat ako noong nakita kong pumatak ang mga luha mula doon. "I..." Mag-sasalita sana siya ngunit hindi niya maituloy, samantalang ako ay nanatiling nakatulala at mukhang hindi pa din nag-proproseso sa utak ko ang nangyari.

Nangungusap ang mga mata niya, kitang kita ko ang pangungulila at sakit doon ngayon. Inilapit niya ang mukha niya sa noo ko, at saka ito marahang hinalikan. At saka siya bumulong... "I've missed you... So much." Those words suddenly made me feel a sudden clutched in my chest. Ang sakit...

Sobrang sakit na makitang nahihirapan at nasasaktan din siya at ang dahilan... ako pa.

"Light... My Light..." Naririnig ko pang banggit niya. Napapikit ako ng madiin. Gusto kong sabihin sa kaniya naitigil na niya, itong kahibangan na ito, dahil nalilito na ako, dahil sa mga ginagawa niya, parang gusto ko na lamang tumakas sa magulong buhay ko at magpakalayo-layo kasama siya.

Nangibabaw sa akin ngayon ang kagustuhan na marinig ko ang tinig niya habang sinasambit ang pangalan ko. Mas nangingibabaw sa akin ngayon na manatili sa tabi niya kahit anong panganib pa ang kaharapin ko bilang kapalit. I know it sounds ridiculous but he's the only person who can make me lose my mind in an instant.

Nanatiling tahimik ang lahat, walang nagtangkang mag-salita at sa panahong iyon, patuloy na kumikirot ang puso ko... Para akong naging pusang maamo. Hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa sakit na nararamdaman ko. Lahat lahat ng salitang sinabi ko noon? Kinakain ko na ngayon.

How can he make me so weak and fragile?

"Just this once, can you erase all your doubts and just... be right here beside me?" I heard him whispered. His voice... It's soft and mellow yet it has a compelling power. Basag ang boses niya at wala akong magawa, kung hindi sumang-ayon.

Just this once... I'll forget about this cruel world.

***

Nanatili kaming bumabyahe, hindi kami pinapakialaman noong manatandang nasa unahan. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung sino siya. He's not familiar with me. Kahit anong pilit kong alalahanin na baka nakita ko na siya noon pa, wala talaga.

He's a complete stranger. Ngayon ko lamang siya nakita.

Gusto ko mang tanungin si Gab Gab kung sino siya, hindi ko magawa dahil baka may mali lamang akong masabi. Lalong lalo na ang alam noong matanda ay asawa ako ni Gab. Nakakalito man ang sitwasyon ko ngayon, bahala na. Mag-kakaroon naman siguro ng kasagutan ang mga katanungan ko mamaya.

Liars Catastropheحيث تعيش القصص. اكتشف الآن