Liar 10: Change

70.9K 1.9K 926
                                    

"Talaga? Hindi ba't ikaw ang may pakana ng arson, Shanaya Yuri Roberts?" Naramdaman ko agad ang halos pagtigil ng hininga niya dahil sa binanggit ko. Parang tumigil ang oras sa pag-itan naming dalawa ngayon.

Bumigat din ang paghinga ko ngayon dahil naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng tubig sa may braso ko. Sigurado ako ngayon, kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nasa likudan niya ako, umiiyak siya. "Mag-salita ka." Mahina ngunit mawtoridad na banggit ko.

"I-I'm sorry..." Narinig ko ang mahina at basag na boses niya. Kaya't unti-unti ko siyang pinakawalan mula sa pagkakasakal ko sa leeg niya, ngunit hindi ko inaalis ang pagkatututok ng baril sa sintido niya.

"A-Ayah..." Nauutal na imik pa niya at saka dahandahang lumuhod. Umikot ako papunta sa harapan niya para makita ko ang mukha niya. Noong masilayan ko ang mukhang iyon, tiningnan ko siya ng malamig, na tila walang awang nararamdaman subalit sa loob loob ko, alam kong nasasaktan ako, gayunpaman walang paglalagyan ang pakiramdam na iyon ngayon sa sitwasyong ito.

"Bakit mo ginawa iyon, Shana?" Alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong, pero gusto kong marinig mula sa bibig niya mismo ang dahilan. Kung susunod siya sa gusto ko, mahiging hawak ko na ang buhay niya, subalit kung tatanggi siya, isang kalabit ko lamang sa gantilyo ng baril, tapos na ang lahat lahat ng pinag-samahan namin.

"A-Ayah."

"Fucking bitch, stop calling me Ayah. Hindi ako si Ayah na kayang kaya mong utuin." Madiin ang pagkakabigkas ko sa bawat katagang binitiwan ko at alam kong binalot siya doon ng kakaibang kaba at kitang kita ko din ang biglang panginginig ng labi niya.

"Please, hindi kita niloko---" Hindi ko siya pinatapos mag-salita noong bigla kong paputukan ng baril ang isang vase, mayroon namang silencer ito, kaya't pagkabasag lamang ng vase ang maririnig mo.

Gulat na gulat niya akong tiningnan dahil sa ginawa ko. "You've got to be kidding me, hindi pa ba panloloko ang tawag sa ginawa mo?" I paused for a moment to chuckle sarcastically. "Anong gusto mong itawag doon? Kawang gawa? Tss." Hindi ko mapigilang hindi kalabitin ulit ang gantilyo kaya't isang stand light naman ang nabasag. Napatakip na din si Shana ng tainga dahil sa ginagawa ko.

"Please, please..." Rinig na rinig ko ang kaba at takot sa boses niya habang tuloy tuloy ang pagpatak ng luha niya. "L-listen to me once, please." She beseeched, sa loob ng limang segundo tingnan ko siya ng diretso sa mata at hindi siya umiwas ng tingin, kaya't napangisi ako.

"Mag-salita ka." Walang kagana-ganang banggit ko.

"A-aminin ko, ginusto ko din ang ginawa ko." Awtomatikong humigpit ang pagkakahawak ko sa baril at saka ko itinutok iyon sa noo niya, napapikit siya dahil doon, subalit nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ginusto k-ko iyon, d-dahil ayaw n-na ulit kitang makitang ganyan, ayaw kong bumalik sa pagiging demonyo." Hirap na hirap na bigkas niya.

Tinitigan ko siya na para bang nagpapatawa siya o di kaya'y para niya akong ininsulto. "Ayaw mo akong makitang ganito ulit?" Bakas na bakas sa boses ko ang pagiging sarkastiko. Nanginginig naman ang mga daliri niya dahil doon. "Pasensya na, Shanaya... Ganito akong pinanganak at pinalaki kaya't wala sa kontrol mo iyon." Tiim bangang na sambit ko. Pagkatapos noon ay namayani ang nakakatakot na katahimikan.

Ang katahimikan na tila... tunog ng nagbabadyang kamatayan.

Hindi ako nakatagal sa katahimikan na iyon, kaya't nagsalita ako. "So, anong nangyari? Masaya bang paglaruan ang buhay ko?" Asar na tanong ko pa at saka siya tinadyakan kaya naman napa-salampak sa sahig ang ulo niya at narinig ko ang impit na tili niya, pati na din ang sakit na nababakas sa mukha niya.

"Akala mo ikakatuwa ko ang ginawa niyong pagmamanipula sa buhay ko? Kung ikaw kaya ang paglaruan ko ngayon?" Mahina ngunit mapaglarong banggit ko sa kaniya. Ang tonong ginamit ko ang pinaka-katatakutan mo, dahil walang halong pagbibiro iyon. Gagawin at gagawin ko ang sinabi ko kahit kamatayan pa ang kapalit.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now