Liar 19: Explosion

60.7K 1.6K 683
                                    

19: Explosion ( Part 1 )

Princess Light's POV

Wala akong naririnig na salita mula kay Gab-Gab habang nagmamaneho siya nang napakabilis. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa dibdib ko. Dahil sa inasta niya kanina ay tila nadala ang buong damdamin ko. Kinakabahan din ako.

Nalilito ako sa mga pangyayari. Hindi ko lubos maisip kung paano nakatakas si Cassidee, at kung paanong kausap na agad kanina ni Gab si Cassidee at idagdag mo pa na na-hit and run si Mrs. Nathalie Evans. It was all sudden.

Lalo akong kinabahan dahil sa iniisip ko. Ganitong ganito ang pangyayari noon. Sunod-sunod na aberya na naging trahedya. Pilit kong inilihis ang pag-iisip ko sa mga masasamang bagay na maaring maganap, subalit hindi ko iyon magawa-gawa.

Sa loob lamang ng maikling oras, parang ang mga plano ko noon na napaka-pulido ay naging isang kumplikadong sitwasyon. Nagkulang ata ako sa pag-iingat at sa pag-eespekula ng maaring mangyari. Hindi ko ito napaghandaan. Biglang nagkapatong patong ang lahat.

Ito ba ang kapalit ng isang masayang araw sa piling ng lalaking tinitibok ng puso ko? Kung ito nga... Hindi ko na alam kung dapat ko bang pag-sisihan ang desisyon ko o hindi. Ang daming mali ang nangyari matapos kong pairalin ang pintig ng puso ko. Nawala ako sa wisyo, nawala ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko.

Napa-pikit na lamang ako ng madiin at napabuntong hininga. Ang sakit ng ulo ko at batid ko ang paninikip ng dibdib ko dahilan upang medyo mahirapan akong huminga. Hindi ko na lamang ito pinahalata kay Gab-Gab dahil baka may hindi inaasahang pangyayari nanaman ang maganap.

Nanginginig din ng bahagya ang mga daliri ko dahil sa sobrang kaba.

Palihim kong kinuha ang telepono ko at saka ko ito tingnan may dalawang miss call si Kurt. Tatawagan ko na sana muli siya ngunit bigla na lamang nag-appear ang pangalan niya sa cellphone. Dali-dali ko iyong sinagot ng walang pag-aalinlangan.

"Salamat naman at sinagot mo na!" I heard him exclaimed. Para siyang nakahinga nang maluwag sa tinig niya, subalit mababakas mo pa din doon ang takot pati na din ang kaba.

"Anong nangyayari dyan?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko. Kung eestimahin ko siguro ay mahigit sampung minuto na ang lumipas mula noong ipaalam niyang nawawala at nakatakas si Cassidee. Sigurado din ako na wala pang nakaka-alis sa kanila sa mansyon, dahil hindi nga nila alam ang gagawin kaya't tinawagan ako ni Kurt.

Alam nilang lahat na kapag ganito ang nangyayari, hindi sila pwedeng kumilos basta basta, hangga't walang pahintulot ko. Mayroong negatibong bagay ang apektado kapag ganito ang nagaganap. Ngunit mas gugustuhin ko ito, kaysa kumilos sila ng hindi ko nalalaman, dahil sa paraang iyon maaring may trumaydor sa akin.

Traydor. Bigla ata akong kinabahan sa simpleng salitang iyan. Paniguradong mayroong traydor sa Apocalypse, kaya't nakatakas si Cassidee ng ganon-ganon na lamang.

"Noong tinawagan kita, katatawag pa lang sa akin ng isang tauhan mula sa pinaglagyan mo kay Cassidee. Tatanungin ko pa sana ulit iyong tauhan natin kung anong nangyari, subalit bigla na lamang naputol ang linya, batid kong may nangyari nang masama sa kaniya. Dahil na din sa mga nangyayari, tinawagan na kita. Nagkakagulo kami dito, hindi namin matukoy kung alin ang uunahin. Pilit kumukuha ng signal sina Tiara at Trevor ngayon ng kahit ano mula sa lugar na iyon, subalit nahihirapan sila. Parang may sumabog daw doon o kung ano man." Paliwanag niya, agad akong napapikit ng madiin. Bakit ngayon pa?

"Kahapon ay umalis sina Takashi at Takeshi ganoon din si Clio pabalik sa kaniya-kaniyang bansa para sa kaniya-kaniyang trabaho, kaya't sina Tiara at Trevor na lamang ang nanditong leader. Si Annicka din ay umalis na kahapon dahil sa trabaho niya sa eskuwelahan. Si Skyler at Kuya Thunder naman ay nasa garahe ngayon, pupunta na sila sa hidden laboratory." Pagsasalaysay niya ng mga naganap nitong nakaraang araw. Alam kong umalis na talaga iyong apat dahil nakausap ko sila noon gamit ang laptop.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now