Liar 13: Queen

70.6K 2.2K 713
                                    

Don't skip. Sinasabi ko sa inyo, malilito kayo sa susunod na mga chapters kung basta basta basa at skip lang kayo, at huwag niyo akong sisisihin. And please, don't pressure me too much.

Sana ang i-comment niyo naman iyong mga nangyayari sa chapters, hindi iyong 'UD dun at dito' alam ko naman na excited lang kayo, naiintindihan ko iyon, pero ka-uupdate lang oh, at saka kapag 'yung mga reaksyon niyo sa mga kaganapan ang nababasa ko, I'm telling you, mas ginaganahan ako at hindi pa naprepressure. :)

Salamat!

***

Perseus Kurt's POV

"How is she?" Tanong ng isang lalaki habang naninigarilyo, kasabay din noon ang pag-taas ng sulok ng kaniyang labi. Tinitigan ko siya, ngunit blankong ekspresyon lamang ang aking nataman. Hindi ako nagpatinag sa kaniya at tinitigan siya ng masinsinan.

"How's our Queen? I'm asking you, Villamor." Mapanganib na bigkas pa niya, at saka inilagay ang sigarilyo niya sa isang ash tray. Napa-'tss' na lamang ako dahil doon.

"She's fine, I know she will be, but still... after two days, she's still unconscious." Pahayag ko ng katotohanan. Napa-iling iling naman siya dahil doon. Nakita ko din ang mabilis na pag-tiim ng bagang niya.

"Who did that to our queen?" He inquired, I can feel the anger in his voice. Natigilan ako sandali, at napapikit ng madiin. Alam kong gustong gusto na nilang malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Riyah at gumawa na ng kilos ukol doon. Kahit naman ako, ganoon din ang gusto.

Alam ko namang alam na niya kung sinong gumawa noon, kinukumpirma lamang niya. Tumango ako ng marahan. "Yobbo empire." Maikling banggit ko. Natahimik naman siya at napa-ngisi, isang ngisi na puno ng galit. Hindi talaga niya palalampasin ang sinapit ni Riyah.

Takashi Ishido, o ang tinatawag naming 'Dos' ang kausap ko ngayon. Tahimik siya at katulad ni Riyah na hindi padalos dalos, kaya't siya ang nararapat sa ikalawang pusisyon. Galing pa siya sa Japan, subalit noong ihatid namin ang balita na may nangyari kay Riyah, agad siyang pumarito.

Karapatan ng lahat ng leader ng Apocalypse na malaman ang nangyari, dahil sila ang gagawa ng mga gawain na hindi magagawa ni Riyah, dahil sa kalagayan niya ngayon.

Dalawang araw na ang nakakaraan simula noong insidenteng iyon. Inilipat namin si Riyah sa isang malaking mansyon at doon inaalagaan. Hindi pa din siya nagigising kaya't isa-isa nang pumupunta ang Apocalypse dito.

"Takashi." Napalingon kami ng sabay ni Dos, noong bigla na lamang may mag-salita. Nakita namin ang isang lalaking matikas na nakatindig at nilalaro ang espada na siya pa mismo ang may gawa.

"Aking kakambal na Takashi, at Villamor, hindi pa ba tayo mag-dedeklara ng gera laban sa mga gumawa noon sa ating reyna?" Halatang halata ang pagkabagot sa boses nito. Makikita mo din ang biglaang pag-silay ng ngisi nito, katulad na katulad ng ngisi ni Dos.

Kung si Takashi ay tahimik at ginagamit muna ang utak, ang kakambal niyang si Takeshi na tinaturiang 'Tres' ay kabaliktaran niya. Mapanganib, padalos dalos at kakaiba ang takbo ng utak nito. Iyon na ata ang pinaka maglalarawan sa kaniya.

"Hindi lamang tayo ang mag-dedesisyon nan, Takeshi, kailangan buo ang natitirang miyembro ng Apocalypse upang mapag-usapan na ang bagay na iyan." Pirming saad ng kakambal nitong si Dos. Sumang-ayon naman agad ako dahil tama ang sinabi niya.

"Nakakabagot mag-intay. Gustong gusto ko na ulit mabahiran ng kulay pulang likido ang aking napakatalas na sandata." Nakangising banggit ni Tres habang hinihimas himas ang kaniyang espada na tila ba isang napakagandang dyamante. Kitang kita mo din sa mga mata niya ang pananabik sa isang madugong labanan.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon