Liar 37: With Her

40K 1.2K 178
                                    

37: With Her

Lian Analiz' POV

Pakiramdam ko ay lahat ng katinuan na mayroon ako ay biglang nawala sa isang iglap. Hindi ko malaman kung alin ba ang unang iisipin ko. Hindi ko maintindihan ang nararamadaman ko. Ang tanging alam ko lamang ay nanginginig ang buong sistema ko.

Hinihingal ako na tila kapos na kapos sa hangin. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Para akong tinaggalan ng kaluluwa at pilit ko iyong hinihigit pabalik ngunit hindi ko maintindihan kung papaano.

Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na sumusuka ng dugo at hinahabol ang hininga. Ang nangangatal kong mga kamay ay hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay na hawak hawak ang akin. Nanghihina ako parang lahat ng lakas ko kanina ay tinangay sa isang putok ng bala na iyon.

Hindi din matanggap ng utak ko ang kaniyang sinabi. Paulit ulit kong sinasabi sa aking sariling isip na hindi ito nangyayari. Para akong makakawala sa sariling katinuan ko. Para akong unti-unti hinihila ng isang anino patungo sa lugar kung saan hihigupin na ako ng kadiliman.

Gusto kong sumigaw ngunit walang lumalabas na kahit anong tinig sa aking lalamunan dahil sa sakit na nararamdaman ko doon. Parang mayroong nakabarang kung anong bagay doon. Ang mga pulsuhan ko sa kamay ay tila pinipilipit din sa sakit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong hapdi.

Ang mga mata ko ay patuloy sa pagluha. Hindi ito tumitigil, nanlalabo ito subalit kahit ganoon ay napakalinaw pa din sa akin nang nangyari kanina. Gusto kong iparating sa akong sarili na ginusto ko ang bagay na ito. Kaya nga ako pumunta dito ay para paslangin siya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Bakit? Bakit ang sakit?

Ang kaninang mahinang pag-iyak ko ay unti-unti naging malakas. Ang paglahaw ko mismo ang ingay na pumuno sa aking tainga. Nanginginig ang kamay at katawan ko noong unti-unting ipinikit na ni Philip Evans ang kaniyang mga mata.

Agad kong pinilig ang aking ulo. "H-Hindi..." Hirap na hirap na banggit ko sa paraang napakasakit. Halos pumiyok ako. Basag na basag ang boses ko. "N-no..." Nangangatal ang aking mga bangang kaya naman hindi ko iyon mabigkas ng malinaw.

"D-D-Dad?" Mahina at umiiyak na tawag ko sa kaniya umaasang imumulat niyang muli ang kaniyang mga mata. Subalit hindi iyon nangyari. Mas lalong naalog ang aking damdamin. Hindi ko maintindihan kung saan ko ilalagay ang aking kamay. Kung hahawakan ba ulit ang kamay niya, kung tatakpan ba ang dibdib niya kung saan dumadaloy ang dugo, kung hahawakan ba ang mukha niya at hahaplusin iyon. Hindi ko alam. Hindi ko alam. I could not think straight! Damn it!

Mas lalong lumakas ang paghagulhol ko na tila nagririnig kong pabalik ang aking iyak sa sulok ng gusaling ito. Para akong mabibingi sa sarili kong ingay, ngunit kung hindi ko gagawin ang ingay na iyon ay parang mawawala na ako ng tuluyan sa katinuan.

Matapos ang malakas na palahaw ko ay parang wala nang kahit anong tinig ang lumalabas sa aking lalamunan kahit nakabuka ito at kahit pilitin ko mang sumigaw. Ang sakit at hapdi sa aking puso ay walang katulad. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa sikip na nararamdaman ko sa aking dibdib.

Naghihingalo na ako noong tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Agad kong pinahid ang mga tumutulong luha sa aking pisngi at mata pagkatapos ay hirap na hirap na pinilit ang sarili na makatayo sa sariling mga paa.

Halos buong lakas ko yata ang aking kinailangang gamitin upang makatayo lamang dahil sa panginginig at panghihina ng aking mga binti. Noong makatayo ako ay tila nagdilim ang aking paningin. Ang mga taong aking nakikita ngayon na nakatingin sa akin ay pakiramdam ko ay kinasusuklaman ako.

Napatiim bagang ako dahil doon ay saka dinampot ang isang AR-15 rifle na aking napansin sa may paanan ko. Parang bangungot na paulit ulit sa aking utak ang paglabas ng imahe ng aking ama kanina habang buong pusong nakatingin sa akin. Unti-unting nanlabo muli ang aking paningin, at saka ako sumigaw ng ubod nang lakas at saka pinaputok ang baril na aking hawak.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now