61: We finally saw her

Magsimula sa umpisa
                                    

"That will be a good idea if you're not thinking something about getting her away from me." Tugon lang ni Uno.

"I will really take her away from you...if I am the old me." Sagot naman ni Drake.

"Tara na, Uno. Mas lumalalim na ang gabi, mas mahihirapan tayong mahanap si Babs kung tutunganga lang tayo rito." Sabi ko.

Ako na ang pumwesto sa driver's seat. Mahirap na, baka maaksidente pa kaming lahat dahil sa pinagdaraanan ng kaibigan naming 'to.

Luke

"Mommy, anong nangyari kay Ate?!" Hinihingal na tanong ko pagkarating ko sa bahay.

Hindi ako sinasagot ni Mommy.

Mugto na ang mata niya sa kaiiyak.

Lumapit ako kay Mommy saka siya yinakap. May mga Pulis sa loob ng bahay. Kausap sila ni Daddy.

"Sandali lang, mi." Paalam ko saka pumunta kay Daddy.

"Sir, huwag po kayong mag-alala, gagawin po namin ang lahat para mahanap siya. Kung wala pa rin pong balita pagkalipas ng tatlong araw, inirerekomenda ko pong magsagawa tayo ng mga announcements at pagpapaskil ng larawan ng anak niyo." Sabi ng Pulis.

Nawawala ang Ate ko?!

"I am begging you, hanapin ninyo siya." Pakiusap ng Daddy.

Pagkaalis ng mga Pulis, kaagad kong kinausap si Daddy.

"Dad, nasaan ang Ate?"

"No one knows, hijo. Maski ang Kuya Van mo, walang alam." He said, hopeless.

"Nasaan ang Kuya? Akala ko ba maalagaan niya si Ate?!" Inis na tanong ko.

"They are still searching." Napasuklay sa buhok si Daddy. Himas niya ang likod ni Mommy na hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pag-iyak.

"Tahan na, Honey, mahahanap natin si Mei."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at saka tinawagan ang numero ni Ate.

Nagriring.

"Dad! Nagriring yung cellphone ni Ate!" Tawag ko sa kanila.

Kaagad silang lumapit sa 'kin. Pinindot ko ang loudspeak button.

"Boo!" Lahat kami nagulat sa nagsalita sa kabilang linya.

"Ate?!" Tanong ko.

"Nuh-uh. But you can call me Ate, hahahahahahaha." Sagot ng nasa kabila.

Tawa siya nang tawa. Parang baliw.

"Saan mo dinala ang anak ko?!" Pasigaw na tanong ni Mommy.

Nagsimula na akong irecord ang usapan.

"Secret. Bakit ko sasabihin? Edi hindi surprise. Duh?"

"Bring her back! Magbabayad kami kahit magkano!" Sabi ni Dad.

"I can get money whenever I want. Ano namang gagawin ko sa mga pera ninyo?"

"Then what do you like?!" — Daddy

"Her boyfriend."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Mommy at Daddy.

"Ikakasal na silang dalawa!"

"So? I don't care." Tumawa na naman siya na para bang mga mangkukulam sa mga palabas.

"Malandi!" Sigaw ni Mommy.

"Yes, I am. Huwag kayong umasa na ibabalik ko siya sa inyo...kaagad. Hayaan mo akong magsawa sa kanya."

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon