Maya maya ay bumunot ng patalim si Lara..

"Kapag hindi ninyo sinabi ay papatayin ko kayo!"

Hindi makakibo sa takot si Elena..

Tinutukan niya ng patalim si Elena.

"Sabihin niyo na akin kung ayaw niyong patayin ko kayo ngayon."

Sa sobrang takot ay napasalita si Elena.

"Sa pusod ng kagubatan ng santa barbara!"

"Saan yon?"

"Lagpas ng dalampasigan at may gubat doon, Sa pusod ng kagubatan lakarin mo ito, mga halos limang oras mo itong lalakarin, o sumakay ka ng kabayo, may makikita kang makapal na puting hamog, pasukin mo ito, at pag may nakita kang kumikislap na halaman ay iyon ang mga benditas."

"Papano gamitin ang benditas?"

"Ipaligo mo lamang ang bawat talutot sa iyong balat , unti untiin mo hanggang maubos ang talutot, at gaganda at kikinis ka ng walang katulad at mamahalin ka ng lalaking sinoman ang makahaplos sa balat mo"

"Gaya ng nangyari kay Asunta?"

"O...Oo"

"Ano naman ang enigma?"

"Kabaligtaran ito ng benditas, ang sinoman ang gagamit nito ay papangit mangingitim at mangugulubot ang mga balat na parang mga balat puno."

"Totoo ba ang lahat ng sinasabi ninyo o nililinlang mo lamang ako!?

Sabi ni Lara habang nakatutok ang patalim kay Elena,

"Totoo lahat ng yan huwag mo lang akong papatayin."

"Tandaan mo na kapag niloloko mo lamang ako ay babalikan kita at papatayin kita, naiintindihan mo!"

" O..Oo totoo lahat ng yan, maaari mo akong balikan kung hindi ako nag sasabi ng totoo."

"Hahaha! Babalikan talaga kita at papatayin kapag nanloloko ka!"

"Kailangan ko ang mga benditas na yan, marami akong lalaking paluluhurin sa aking harapan at isa na dito si Jerico hahaha! At gagamitin ko ang mga enigma sa mga babaeng magbabanta mang agaw ng kagandahan ko hahaha!!"

At umalis na si Lara...

Lingid sa kaalamanan ni Lara, ay walang nakakalabas ng buhay sa gubat na iyon,

Hindi sinabi ni Elena ang lihim tungkol sa bunga ng mga hermosa.

"Sa kasamaan mo Lara nararapat lamang sayo yan."

Sabi ni ELena sa kaniyang loob...

......

Pinuntahan ni Lara ang kagubatan, nilakad lamang niya ito.

Mahabang paglalakad hanggang nakita niya sa bukana ang animo'y makakapal na puting hamog na parang usok ..
dahan dahan syang pumasok dito at nakarinig siya ng mga nakakapangilabot na alingawngaw na nanggagaling sa loob ng kagubatan, kahit takot na takot ay hindi nya ininda ang mga nakakatakot na alingawngaw at mga panaghoy na iyon, may mga nakakakilabot na mga tinig syang naririnig, at patuloy pa rin nitong pinasok ang kagubatan,

"Kung si Asunta ay nakayanan ang kagubatan na ito, kung kaya niya ay kaya ko rin hahaha!"

Patuloy siyang naglakad sa loob ng kagubatan upang hanapin ang mahiwagang halaman ng mga Benditas, sa kanyang paglalakad ay may nagpakita sa kanyang isa babae na ang mga balat nito ay gaya ng balat ng mga puno, na nakasuot ng mahabang bestidang maabo sa dumi, nanlilisik ang mga mata at naka tingin sa kanya, at ng siya ay lumingon ay nagpakita ang Estatwa ni Kasandra sa kaniya,  napahiyaw sya sa sobrang takot, nagtatatakbo sya sa loob ng kagubatan hanggang sa nakita niya ang mahiwagang halaman ng mga Benditas, napangiti sya ng ito'y kanyang nakita,

"Hahaha ito na yon!"

at kinuha ang mga bulaklak nito..

"Sa wakas nakuha na kita !!"  dagling tumakbo ito papalabas ng kagubatan habang sinusundan ng mga maligno,  ngunit hindi nya matunton ang daan, tumakbo sya ng tumakbo hanggang nakita niya ang makakapal na puting hamog, napangisi si Lara, naisip nito na makakalabas na sya ng kagubatan, .

"Sa wakas makakalabas na ako hahaha!"

tumakbo sya palabas, ngunit pagkalampas niya sa makapal na hamog ay laking gulat niya dahil nasa tabi sya ulit ng mahiwagang halamanan ng mga Benditas, nakaramdam sya ng labis na takot.

"Bakit nandito ulit ako?!"

tumakbo sya hanggang sa nakita niya ulit ang makakapal na hamog, lumabas syang muli dito ngunit pagkalampas niya ay nasa tabi sya ulit ng halamanan ng mga Benditas, at maya maya ay naglalapitan na ang mga taong puno sa kanya, ngunit hindi lamang ito nag iisa, padami ng padami sila, at palapit ng palapit sa kanya... At nakita niya ang Estatwa ni Kasandra na nakangisi sa kaniya...

"Tulungan nyo ko ahhhhh!!" Sigaw ni Lara.

"Maawa kayo sa akin!" Ngunit patuloy pa din ang paglapit ng mga taong puno hanggang sya ay naabutan ng mga ito....

"AHHHHHHHHH!"

........

Samantala sa isang resort sa tabi ng dagat ay masaya ang buong pamilya ni Jerico at kanilang mga kaibigan at mga staff na nag outing..

Magkasama si Jessica at Jonathan, magkahawak sila ng kamay , sila ang nagkatuluyan.

"Sir nakahanda na po , let's boodle fight!" sabi ni Jessica kay Jerico.

"Ok susunod na kami." masayang sabi ni Jerico kay Jessica.

Magkahawak kamay si Jerico at Asunta sa tabing dagat..

"Salamat Jerico at hindi ka nag bago sa akin "

"Hindi ko kayang mawala ka, ang mga mata mo ang iyong mga labi."

At hinalikan niya si Assunta ng matatamis na halik...at sila ay nagsama ng masaya.

Two years later.....

Isang matandang lalaki ang nakapulot ng diary!

..........The End........

Author's note:
Please follow me po 💋 God bless
Leave a comment tnx in advance 😃

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now