66: Salamander

1.4K 59 2
                                    

Dedicated to King_dmitrix and delubyo22

Azinaya's Third POV

Nagawang manalo ni Erosocapus sa kalaban nito ng walang kahirap-hirap. Ipinamalas nito ang titulo sa angkan nina Arfiona. Walang dudang ito na ang pinakamalakas sa hanay ng mga Leviathan o baka sa buong lipi pa ng mga diablo.

"Kamahalan, ako na ang susunod na lalaban." Boses mula sa likuran niya. Hindi na niya kailangang lingunin pa para malaman kung sino ang nagsalita. Walang dudang ang numero unong heneral ng Acrania ito. Si Hepatetrus.

"Sige. Gusto kong tapusin mo ang kalaban ng mabilisan. Ayoko ng pagtagalin pa ang huling bahagi ng digmaang ito." Totoo ang sinabi niya. Malapit ng matalo si Ermidion. Abot-kamay na nila ang tagumpay.

"Nasa atin ang tagumpay, Kamahalan. Hindi ka dapat mainip." Turan ni Hepatetrus.

"Hindi ako ang naiinip kundi ang hari ng Acrania at susunod na hari ng mga diablo." Amin niya. Batid niyang gusto ng makaharap ni Xander si Ermidion. Iyon din ang hinihintay ng lahat pero alam niyang walang laban si Xander kay Ermidion. Lubha itong napakalakas dahil taglay nito ang pekeng karmosa ng diablong halimaw.

Sa oras na harapin ni Xander si Ermidion. Kailangan din niyang lumaban. Taglay niya ang karmosa ng diablong dragon. Isa sa pinakamakapangyarihang karmosa sa Elfiore at ang simbulo ng lahi ng Acrania.

Pumunta na sa gitna ang may baluti ng nag-aapoy na butiki. Isang salamander.

"Uulitin ko lang, Hepatetrus. Madaliin mo ang pagtapos sa kanya." Seryoso niyang sabi.

Bago pa man makasagot ang magiting na heneral ay nagkaroon na ng makapal na usok sa paligid ng lugar na paglalabanan.

"Madaya ang isang iyan." Nakangising sabi ni Hepatetrus.

Albion's Third POV

Narinig niya ang pinag-uusapan ni Azinaya at ni Hepatetrus. Gustong tapusin ni Azinaya ang laban ng mabilisan. Gusto niya ang ideyang iyon. Gusto niyang makitang lumaban ang heneral ng Acrania. Subalit nagkaroon ng makapal na usok sa paligid ng paglalabanan.

Huminga siya ng malalim. Dinukot sa bulsa ang karmosa at isinuot sa kanang braso. Wala na siyang pagpipilian pa. Siya lang ang may kakayahang makakita sa makapal na usok. Siya lang ang may dugo ng isang Darkakus sa lahat ng mangdirigma na naririto.

Buo na ang pasya niya. Siya ang lalaban. Nagsimula na siyang humakbang.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Albion?" Boses ni Azinaya na nagpahinto sa mga hakbang niya.

"Ako ang lalaban." Buo ang loob na sabi niya.

"Hindi mo kakayanin ang antas ng makakaharap mo."

Nilingon niya ang kaibigan. Tama ito sa sinabi. Hindi siya ang makakatalo sa gusto niyang harapin. Pero.. "Ako lang ang meron nito." Inalis niya ang takip sa kaliwang mata at inilipat ito sa kanang mata. Lumantad ang ang pulang mata niya sa kaliwa. Patunay na may dugo siya ng Darkakus.

Tinitigan siyang mabuti ni Azinaya. "Pagbibigyan kita, Albion. Pero sa oras na manganib ang buhay mo ay si Hepatetrus ang lalaban sa kakaharapin mo."

Tumango siya at ibinaling sa harapan ang paningin. Pagkatapos ay nagsimula na ulit siyang humakbang.

Makapal ang usok ng pasukin niya. Ilang saglit pa at luminaw na ang paningin niya.

Nakita niya ang kalaban sa gitna at may hawak itong kulay pulang espada.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Where stories live. Discover now