12: Enemy Assault

2.6K 116 31
                                    

XANDER'S THIRD POV

Kumatok ng limang beses sa pinto ng bahay na katabi ng taberna si Azinaya. May tatlong palapag ang bahay na gawa sa bato. Ilang saglit lang ay nakarinig sila ng mga yabag sa loob papalapit sa pinto.

Isang matangkad na lalake ang nagbukas ng pinto. Nakaplaster ang ngiti nito sa mukha ng makita si Azinaya at Serafina sa bungad ng pinto.

"Azinaya, Serafina, ano ang dahilan at napasugod kayo dito sa tahanan namin." Nakangiting tanong ng lalake.

"Ero, makikitulog sana kami ngayong gabi." Walang pasakalye na sabi ni Azinaya.

"Iyon lang ba?" Binuksan nito ng maluwang ang pinto. "Tumuloy kayo." Sakay nagbigay daan.

Pumasok na ang dalawa. Tumambad sa paningin ng lalake silang tatlo.

Napatitig ito ng husto sa kanya. At nanlaki ang mga mata nito. "Xanderion Adilion Acrania!" Bulalas nito at lalo pang nanlaki ang dalawang mata pagkakita kay Arfiona. "Prinsesa Arfiona!" Sabay lumuhod sa harapan nilang dalawa bilang pagbibigay ng galang.

"Erosocapus, ikaw nga ba yan? Ang magiting na mandirigma ng mga Leviathan!" Medyo nagulat na sabi ni Arfiona.

Tumayo sa pagkakaluhod si Erosocapus. "Patawad sa aking nagawa, Prinsesa. Namatay ang hari dahil wala ako sa tabi nya."

"Hindi mo iyon kasalanan. Si Ermidion ang dapat na magbayad ng sarili nyang buhay." Paliwanag ni Arfiona.

"Bakit kasama mo ang magiting na hari ng Acrania?"

Napailing si Arfiona. "Ano ang magiting sa mokong na yan? Ang galing magtago!" Nakangiting sabi ni Arfiona.

"Oy! Arfiona, wala namang bentahan!" Angal nya.

Tinitigan sya ng husto ni Erosocapus. "Hindi ikaw si Xanderion Adilion! Matatag ang boses ng maalamat na hari ng Acrania. Isa kang impostor!" Saka nakatikim ng pingot ka kanang tenga.

Isang magandang babae ang lumitaw sa pintuan at nakangiti. "Aming hari, pagpasensyahan nyo na ang aking asawa. Ako si Marifelia Acrania Leviathan. Ako ang nakababatang kapatid ni Hepatetrus." Pakilala nito saka bumaling sa asawa. "Huwag mong hiyain ang pamilya natin sa aming hari." Saka hinila ang tenga ni Erosocapus at pumaloob na sa bahay.

Pumasok na sila sa bahay at si Manong Green na ang nagsara ng pinto. Nakaupo na sa salas ang apat ng maabutan nilang tatlo. Naupo si Arfiona pero silang dalawa ni Manong Green ay nanatiling nakatayo.

"Paumanhin sa inasal ko kanina, mahal na hari." Nahihiyang despensa ni Erosocapus. Pero ang tinging ipinukol nito sa kanya ay yaong taong namamangha na may makatagpong kakilala o kapamilya ng kakilala.

"Sus! Wag mong intindihin yon." Sabi nya. "Naging hari ako dahil sa dalawang karmosang ito." Itinaas niya ang dalawa nyang braso.

Maya-maya ay dumating si Marifelia at may dalang mga kapeng tinimpla at ipinamudmod sa kanila.

"Kanina pa nagkakasiyahan ng husto ang mga mangdirigma sa taberna. Ngayon ay alam na namin ng aking asawa kung bakit." Nakangiting sabi ni Marifelia.

"May mga bisita palang dumating!" Masayang sabi ni Erosocapus.

"Ero, magpapahinga na ang aming hari." Sabi ni Azinaya.

"O sige at ako na ang bahalag maghatid sa magiging silid ng hari." Saka tumayo na si Erosocapus. "Mahal na hari, sumunod ka sa kin. Dadalhin kita sa iyong silid." Yaya nito sa kanya.

Sumunod naman sya dahil inaantok na rin sya. Sumenyas sa sa mga kasama ng nakangiti na mauuna na syang matutulog. Iyon lang at sumunod na sya.

ERDIMION'S THIRD POV

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Where stories live. Discover now