35: Wolf Master part four

1.6K 76 9
                                    

Dedicated to jhayardomingo123 and patriciadelacruz188

Azinaya's Third POV

Narating na nilang dalawa ni Xander ang Belporia. Nagkalat sa paligid ang mga diablong kawal. Nagkalat din ang mga manglalakbay sa paligid.

"Ang laki ng lugar na to! Paano natin hahanapin sina Arfiona?" Angal ni Xander.

Hinawakan nya ang kanang kamay nito at saka hinila. Nilakad nilang dalawa ang kahabaan ng mga kalye hanggang sa matumbok ang isang taberna. Pinasok nilang dalawa.

Punung-puno ng mga mersenaryo ang taberna. Humanap silang dalawa ng bakanteng lamesa pero wala silang mahanap.

"Mga kaibigan, saluhan nyo ko sa pag-inom." Isang matandang mangdirigma ang nag-alok sa kanilang dalawa.

Kaagad silang nag-atubili ni Xander sa pag-upo. "Maraming salamat." Sabi nya.

Nagsalin ito ng alak na gawa sa katas ng prutas sa baso nito. "Delikado ang Belporia sa mga panahong ito." Saka uminom.

"Lolo, palalayain ko ang bayang ito." Nakangiting sabi ni Xander.

Tumawa ang matanda. "Bata, hindi bayan ang Belporia kundi isang kaharian."

"Pagpasensyahan mo na ang aking kasama. Bago pa lang sya nakabalik ng Elfiore." Hingi nya ng paumanhin.

Tumango ang matanda. "Papalayain din namin ang Belporia ngayong araw."

Napatitig sya sa matanda. "Susugurin nyo ang palasyo?" Paniniguro nya.

"Ang mga mandirigma ay nagtipon-tipon dito para sa pagsalakay." Tumingin ito kay Xander. "Ang dahilan kung bakit naririto kayong dalawa."

Umiling si Xander. "Narito kami para hanapin ang mga kasamahan namin at palayain ang kahariang ito."

Nagsalin ng alak sa baso ang matanda. "Kung ganon ay plano nyong sumukod ng kayo lang." Saka napailing. "Dalawang makapangyarihang diablo ang dumating sa Belporia. Mapanganib kung kayo lang ang susugod. Sumama na kayong dalawa sa gagawin naming pagsugod."

Napatango sya. "Sasama kaming dalawa. Pero kailangan namin mahanap muna ang iba pa naming mga kasama. Makakatulong din sila sa paglaban sa mga diablo."

"Paano nyo gagawin yon? Masyadong malawak ang Belporia." Usisa ng matanda. Napasin nito ang mga karmosa ni Xander at napatitig ng husto. "Bukod sa hari ng Acrania. Ikaw pa lang ang pangalawa na nagtataglay ng maraming karmosa."

Ngumiti ng husto si Xander. "Si Adilion ang nagturo sa akin sa paggamit ng espada at kung paano gamitin ang mga karmosa ng dragon."

Nagulat ang matanda sa mga sinabi ni Xander. "Taglay mo ang mga karmosa ng dragon!" Malakas nitong pagkakasabi na hindi makapaniwala. Natigil ang ingay ng mga mersenaryo at napako ang tingin sa lamesang kinaroroonan nila.

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid. Sumenyas ang matanda na tumahimik muna.

Iginala nya ang paningin. Nakatunghay lang sa kanila ang mga mangdirigma sa loob ng taberna.

"Ang bagong hari ng Acrania ay nakipagdigmaan sa hari ng mga diablo at kasalukuyang naglalakbay." Wika ng matanda. "Ikaw ba ang hari ng Acrania?"

Tumango si Xander. "Palalayain ko ang Belporia."

"Naunang nagpunta dito ang mya kasamahan namin. May nakita ba kayong isang diablo na walang malay na may kasamang Mandarok?" Tanong nya.

Natahimik ang matanda at nag-isip. "Hindi ko alam kung makakatulong ang impormasyong ito. May tumutugma sa sinabi mo pero nasa palasyo sila. Hinuli sila kanina."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora