29: Three Headed Giants

1.9K 74 11
                                    

Dedicated to madamrhinaminchin

XANDER'S THIRD POV

"Puntahan nyo ang ikalawang bayan ng Belporia. Ang Belpores." Narining nyang sabi ni Zerfione kay Azinaya kaya naman napalapit sya para makiusyoso.

"Kamahalan, palalayain ba natin ang Belporia?" Usisa ni Azinaya.

Tumango ito at saka ngumiti sa kanya. "Sa Belporia ay may matindi kang makakasagupa. Umaasa akong sapat na ang lakas mo at kakayahan para manalo." Lumapit ang dating reyna ng Acrania sa kanya at niyakap sya.

"Sino ang makakalaban ko Zerfione?" Usisa nya. Kung may makakalaban nga syang matindi. Dapat lang na maghanda sya ng mabuti.

Kumalas ang dating reyna sa pagkakayakap sa kanya at saka tumalim ang mga mata. "Hula ko lamang yon. Ganon pa man kailangan mo pa rin mag-ingat."

"Kamahalan, handa na si Xander na sumabak sa isang matinding labanan. Isa na syang ganap na hari ng Acrania." Paliwanag ni Azinaya.

Tumango si Zerfione. "Sang-ayon ako sa sinabi mo, Azinaya." Hindi nito nilingon si Azinaya. Nanatiling nakapako ang paningin sa kanya. "Xander, wag mong iwawala ang Escarion. Magagamit mo ang espadang yan sa sandaling mawala sa posesyon mo ang mga karmosa mo."

Napatango sya. "Yakang-yaka lang sa kin ang pwersa ni Ermidion. Dahil lalo na kong lumakas ngayon." Nakaramdam sya ng batok sa likuran nya. Nang lingunin nya ay nakasimangot na Arfiona ang nabungaran nya. "Ouch naman, Arfiona! Ano na naman atraso ko?"

Nakatanggap sya ng pingot sa prinsesa ng mga diablo.

"Aray ko! Baka matanggal ang tenga ko, Arfiona!" Angal nya.

"Wag kang masyadong kampante." Sabi sa kanya ni Arfiona.

Ngumiti sya at tumango. "Alam ko, Arfiona. Hindi mo na kailangang ipaalala sa kin."

Nginitian sya ni Arfiona at saka ikinawit ang braso nito sa kanang braso nya. "Alam ko ang daan patungong Belpores. Umalis na tayo." Yaya na nito at saka hinila na sya.

Pwede na silang umalis dahil nakapagtalaga na sya ng mamumuno sa Orsales. Isang Acranian ang hinirang nya alinsunod na rin sa payo ni Azinaya.

Kasalukuyan silang nasa labasan ng Orsales. Sina Adilion ay may karwahe para sa paglalakbay. Sila naman ay wala. Dahil hindi na nila kakailanganin pa.

"Wag mo munang yayaing umalis si Xander." Pigil sa kanilang dalawa ni Adilion at saka lumapit. "Xander, naituro ko na lahat sayo ang mga dapat mong malaman tungkol sa mga karmosa mo. Nasa iyo na kung paano mo gagamitin ang mga karmosa."

"Adilion, maraming salamat sa mga itinuro mo sa akin. Gusto ko talagang lumakas pa." Amin nya.

Tumango ito. "Harmulus, lalakad na tayo." Sabi ni Adilion sa kaibigan. "Xander, tahakin nyo ang daan patungo sa Acrania. Doon magtitipon-tipon ang mga Acranian."

"Gusto ko rin makita ang Acrania." Nakangiti nyang sabi.

Ngumiti rin si Adilion at tinapik ang kaliwa nyang balikat. Pagkatapos ay tinungo na ang karwahe.

Ilang saglit pa at pinatakbo na ni Harmulus ang karwahe at naiwan na sila.

Pinalabas nya si Argurus at Briyana. Pagkatapos ay sumakay na sila. Si Azinaya, Arfiona, at sya ay kay Briyana nakasakay. Sina Albion naman ay kay Argurus.

Hindi nagtagal at tinahak na nila ang daan patungong Belpores.

Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakbay ng huminto si Briyana at si Argurus. Kapwa umaangil ang dalawang higanteng diablong hayop.

"Anong nangyayari?" Usisa nya. Nagtataka sya sa ikinikilos ng dalawang diablong hayop.

"May nararamdamang panganib si Argurus at Briyana." Paliwanag sa kanya ni Arfiona.

"Dito lang kayo." Saka bumaba sya kay Briyana. Pinagmasdan nya ang paligid.

Tahimik ang paligid. Maya-maya pa ay yumanig ang lupa.

"Xander, may higanteng paparating!" Pasigaw na babala ni Azinaya.

"Gargamus." Tawag nya sa karmosa.

Nagbagsakan ang mga troso. Ilang saglit pa at bumungad ang isang higante na may tatlong ulo. May hawak itong troso sa kanan. Walang buhok ang tatlong ulo at maiitim ang mga ngipin.

"Ang daming pagkain!" Sabi ng nasa kanan na ulo.

"Mabubusog tayo nito ng husto!" Sabi naman ng nasa kaliwa na ulo.

Sumugod na ang higanteng tatlo ang ulo. Walang habas na pinagpapalo sya. Lahat ng wasiwas ay naoilagan nya. Parang batang paslit lang ang kaharap nya pagdating sa bilis.

"Kamahalan, mag-iingat ka!" Sigaw ni Serafina.

Kailangan pa bang mag-ingat sa weak na to? Iwinasiwas nya ng salawang beses ang espadang karmosa. Dalawang itim na crescent ang lumabas na tumama sa leeg ng kanan at kaliwang ulo ng higante.

"Aaaahhhhhhh!" Hiyaw ng gitnang ulo at napaluhod sa sakit. Napugutan kasi sya ng magkabilang ulo.

"Ngayon na, Xander! Tapusin mo na sya!" Hiyaw ni Arfiona.

Tumayo ang higante at mahigpit na hinawakan ang hawak nitong troso. Pagkatapos ay pinagsusunod na sya ng palo.

Inespada nya ang troso at naputol sa gitna. Lalo itong iginagalit ng higante at ibinato sa kanya ang troso.

Mabilis naman syang nakaiwas. Duguan ang katawan ng higante. May dugo kasing dumadaloy sa dalawang napugutan ng ulo.

Tumigil ang higante sa ginagawa nitong pag-atake. Pagkatapos ay ungol ng napakalakas. Maya-maya ay yumanig ang kagubatan. Limang higante na tatlo din ang mga ulo ang dumating.

"Nalintikan na! Xander, tutulong kami!" Sabi ni Azinaya at saka bumaba na sa sinasakyan.

"Karmosa!" Sambit ni Arfiona na bumaba na rin.

Kaagad na tumabi sa kanya ang dalawa. Ang mga higante ay naghahanda na sa pagsugod.

"Dapat ay tinapos mo na agad ang naunang higante. Ayan tuloy nakapagtawag pa!" Tila nanenermon na sabi ni Arfiona.

Oo nga naman! Napangiwi sya. "Akala ko kasi nag-iisa lang." Katwiran nya.

"Heto na sila!" Babala ni Azinaya saka hinugot ang espada at sumugod. Tinalon nito ang naunang higante at inespada ang tatlong leeg.

Sumugod na rin si Arfiona at inespada ang kanang paa ng higante. Nang matumba ang higante ay mabilis nyang tinakbo ang tatlong ulo at pinugutan.

Napahinto ang apat na higante. Nakaramdam ng matinding galit sa pagkakapaslang sa dalawa nilang kasama.

"Shamakdu." Sambit nya at saka biglang nawala.

Naputol ang mga binti ng apat pang higante. Nagsibagsakan ang mga ito na nagpayanig sa lupa.

Si Albion at Manong Green ay sumugod na. Pinugutan ng dalawa ang dalawang higante. Si Serafina ay pinana ang tatlong ulo mula kay Argurus.

Ang natitira na lang ay ang pinugutan nya ng dalawang ulo. Nilapitan nya ang dumadaing na higante. "Ikaw na lang ang natitira. Ititira ba kita o tatapusin na paghihirap mo?"

"Sumpain ka, Acranian!!!" Sigaw ng higante.

Inespada nya ang ulo ng higante at nahati sa gitna. Patay na ang huling higante.

Bumalik na sa pagiging porselas ang espada nya. "Whew! Ang daldal ng isang yan."

"Kailangan na nating magpatuloy." Sabi ni Azinaya na isinuksok na ang espada.

"Tama." Sang-ayon ni Arfiona at hinila na sya pabalik kay Briyana.

Si Albion at Manong Green ay bumalik na kay Argurus at sumakay.

###

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon