37: Healing Hands

1.8K 87 4
                                    

Dedicated to quintisha09

Azinaya's Third POV

Pinagmasdan nya ang nakahigang si Xander. Walang saplot pang-itaas. May benda ang tiyan at kanang dibdib. Ayon sa asawa nya ay hindi naging sapat ang baluti ni Urgranos para protektahan ito. Ngayon sya nagsisisi kung bakit di nya itinuro kay Xander ang kakayahan ng baluti. Nasa palasyo sila ng Belporia. Ang hari ay nangakong aanib sa aliyansya.

Bumukas ang pinto at bumungad ang nanghihina pang si Arfiona kasama si Marsuk.

"Kamusta na ang kalagayan ni Xander?" Usisa ni Arfiona at saka lumapit. Inaalalayan ito ni Marsuk. Pinagmasdan nito ang natutulog na si Xander. "Nabigo tayong dalawa bilang mga asawa nya, Azinaya." Marahan nitong sabi.

Umiling sya. "Ako lang ang bumigo kay Xander. Hindi ko naituro sa kanya kung paano gagamitin si Urgranos. Naging kampante sya sa unang antas ng baluti. Ako ang may kasalanan kung bakit sya nagtamo ng mga sugat."

Matapos mapaslang ni Xander si Biton ay naglaho ang dambuhalang lobo. Sa tulong naman ng mga mersenaryo at mga kawal ng palasyo. Naitaboy at napaslang ang mga diablo. Naging malaya ang Belporia.

"Malalim ang sugat ni Xander sa bandang tiyan. Aabutin ng ilang buwan bago tuluyang gumaling. Nangangamba akong sasamantalahin ito ng mga kalaban." Hinarap sya ni Arfiona. "Kailangan muna nating itago si Xander habang nagpapagaling."

Iyon din ang nasa isip nya at ang pinakaligtas na lugar na sumagi sa isipan nya ay ang Acrania. Pero malayo ito sa kinaroroonan nila ngayon. Kung maglalakbay sila sa lupa ay matatagalan sila bago makarating ng Acrania. Ang tanging para mabilis silang makarating doon ay sa himpapawid. At ang tanging may kakayahan non ay ang dating reyna ng Acrania. Ang ina ni Xander.

Napatayo sya sa pagkakaupo. "Aalis muna ko, Arfiona. Hahanapin ko sina Adilion. Kakailanganin natin ang tulong ng dating reyna ng Acrania."

"Anong klaseng tulong?" Usisa ng prinsesa ng mga diablo.

"Pupunta tayo sa Acrania. Para makarating tayo doon ng mabilis ay kinakailangan natin maglakbay sa himpapawid." Paliwanag nya.

"Kung ganon ay hindi mo na kailangang umalis. Magagawa natin yon kahit walang tulong ni Zerfione."

Napatitig sya sa kausap. "Anong ibig mong sabihin? Alam kong may mga pakpak ka pero hindi mo kakayanin ang paglalakbay kasama si Xander. Isa pa ay hindi mo alam ang direksyon patungong Acrania."

Umiling ito. "Isa sa mga diablong bantay ay may kakayahang ilipad tayong lahat. Wala akong ibang gagawin kundi tawagin ang diablong ibon na si Zermira."

Napangiti sya ng husto. Magandang balita ang kasasabi lang ni Arfiona. Hindi na nya kailangang umalis para sa walang katiyakang paghahanap kay Reyna Zerfione. Napatitig sya kay Xander. Wala pa rin itong malay. Isang linggo na ang nakalilipas matapos ang labanan sa pagitan ni Xander at Biton. "Malakas ang nakalaban nyang diablo. Nagawa nitong sirain ang unang antas ng baluti."

Napatango si Arfiona. "Pero pinaslang sya ni Xander."

Simula ng makasama nya si Xander ay ngayon lamang ito nasugatan at napuruhan.

Pumasok sa silid si Haring Amatheus. Ang hari ng Belporia. Nagbigay galang si Marsuk. Lumapit ito sa kanila.

"May maganda akong balita." Umpisa nito. "Nasa Agrabon si Mesusa. Ang dakilang manggagamot." Balita nito.

"Pupunta kami ng Acrania at doon muna mamamalagi ng ilang buwan. Hanggang sa gumaling ang aming hari." Paliwanag nya.

"Si Mesusa ay bihasang manggagamot. May kapangyarihan syang magpagaling sa isang iglap. Hindi nyo na kailangang pumunta sa kaharian nyo para magtago." Paliwanag ng hari.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Where stories live. Discover now