41: Flame Of Death

1.8K 94 10
                                    

Dedicated to WizardQueen15 and samanthacute_15

Xander's Third POV

Nakahanda na ang mga kabayo nila. Pupunta na sila sa palasyo para makipag-usap sa hari patungkol sa alyansa.

Isang kawal na sakay ng kabayo ang humahangos na dumating. Kaagad itong bumaba at patakbong lumapit sa kapitan.

"Kapitan, masamang balita!" Sabi ng kawal. Pawisan ito at hindi mapakali.

"Ano ang masamang balita?" Usisa ng kapitan.

"Isanglibong mga diablo ang paparating dito! Darating sila anomang oras!"

Kaagad na napabaling sa kanya ang kapitan. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Kamahalan, kailangan nyo ng magmadali para lisanin ang kampong ito. Nasa limangdaan lamang ang mga kawal na naririto at hindi masisiguro ang inyong kaligtasan."

Narinig nya ang sinabi ng kapitan. Balak nitong lumaban hanggang sa huling kawal. Nakahanda na itong magbuwis ng buhay. Kung aalis sila ay tiyak na ang kamatayan ng mga ito. Bagay na hindi nya hahayaang mangyari.

"Ano ang desisyon mo?" Usisa ni Azinaya.

"Kamahalan, handa kaming magbuwis ng buhay alang-alang sa Erizia. Huwag na kayong magdalawang isip na lisanin ang kampong ito." Muling sabi ng kapitan.

"Ipahanda ang lahat para sa depensa. Haharapin natin ang hukbo ng mga diablo." Utos nya.

"Kamahalan, higit na mahalaga ang papel na iyong gagampanan para sa kinabukasan ng buong Elfiore. Hindi ka pwedeng masawi dito." Paliwanag ng kapitan.

"Azinaya, humanda kayo para sa isang labanan. Ililigtas natin ang lahat ng naririto."

"Kamahalan, malilibing ka sa kampong ito kapag hindi pa kayo umalis!" Pursigido ang kapitan na paalisin sila para wag madamay.

Natawa ng malakas si Albion. Napabaling dito ang kapitan. "Hindi ganoong kahina ang aming hari para mapaslang lang ng isanglibong mga diablo. Huwag mong maliitin ang kakayahan ng hari ng Acrania!"

"Kapitan, ihanda ang buong hukbo para sa depensa. Hihintayin natin ang pagdating ng mga diablo." Utos nya at saka ngumiti. "Huwag kang mag-alala sa kaligtasan ko. Hindi ako mapapaslang ng isanglibong mahihinang mga diablo." Buo na ang desisyon na.

Tinitigan sya ng kapitan. Nanunuri ang tinging ipinukol nito sa kanya. Tinatanto kung totoo ang kanyang mga sinabi. "Humanda ang lahat para sa depensa!" Maya-maya ay malakas nitong utos. Kaagad na nagsikilos ang mga kawal para dumipensa.

"Serafina, pamunuan mo ang mga may pana." Utos nya. "Zebro, Albion, Manong Green, pamumunuan natin ang mga kawal sa labanan. Azinaya, Valeria, pamunuan ninyong dalawa ang depensa sa kampo."

Limangdaang Erizian laban sa isanglibong mga diablo. Kahit saang anggulo ay dehado ang mga Erizian. Kailangan ng mga Erizian ang tulong nila. Tulong na hindi nya ipagkakait.

Lumapit sya sa gate at ipinasarado ang malaking pintuan. Pagkatapos ay umakyat sa taas ng gate kasa sina Albion at ang kapitan. Doon ay naghintay sila sa pagdating ng hukbo ng mga diablo.

Arfiona's Third POV

Nang imulat nya ang mga mata ay natagpuan nya ang sarili sa sariling silid. Wala pa rin itong ipinagbago. Maluwang pa rin at magarbo. Para bang hindi sya nawala ng matagal.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Where stories live. Discover now