27: Master Swordman final part

2.1K 105 19
                                    

Dedicated to xanderthedragon and madamrhinaminchin

Xander's Third POV

One Month Later..

"Yan ang isla ng Bermules." Sabi ni Adilion.

"Bata, sa loob ng pagsasanay mo ng isang buwan. Nakitaan kita ng di pangkarniwang abilidad. Para kang si Adilion. Halimaw na maituturing." Nakangiting sabi ni Harmulus.

May kapang kulay itim sa likuran nya. Sa kanang bewang nya ay isang espadang gawa sa metal ng mga Acrania.

Ilang saglit pa at nakalapit na sila sa isla. Isang bangkang de sagwan ang ang ginamit nila papunta sa isla.

Sinalubong sila sa baybayin ni Albion at Azinaya.

"Kumusta na ang pagsasanay?" Usisa ni Azinaya saka hinugot ang mahabang espada.

Ganoon din ang ginagawa ni Abion at mabilis na pinag-eespada si Xander na iniilagan lang ni Xander ang bawat wasiwas ng espada.

Tumulong naman si Azinaya pero sa pagkakataong ito ay hinugot nya ang kanyang espasa at pinagsasalag ang bawat pag-atake ng dalawa.

Kahit saang anggulo umatake si Azinaya at Albion ay nasasangga ng espada niya.

Nang ikinilos nya ang kanyang espada sa pag-atake. Kapwa tumilapon ang espada ng dalawa.

Napangiti si Azinaya. "Handa ka na nga para sagupain ang kasamaan ni Ermidion."

Isinuksok nya ang kanyang espada. "Masyadong naging mainit ang pagsalubong nyo sa kin."

Kinuha na ng dalawa ang kani-kanilang espada at iisinuksok.

"Naroroon sila sa kubo." Masayang sabi ni Azinaya saka nauna ng naglakad.

Sumunod sila kay Azinaya. Pagdating nila sa kubo ay naroroon ang buong grupo. Naghihihintay sa kanya.

"Xander, mabuti at narito ka na." masayang salubong ni Manong Green.

Ngumiti sya. "Maglalakbay na tayo papuntang Orsales."

"Sa wakas!" Malakas na sabi ni Serafina. "Nakakabagot ang maghintay ng limang linggo."

Napakamot sya ng ulo. "Pasyensya na kung natagalan ang pagsasanay ko."

"Hindi na yon mahalaga. Ang importante naririto ka na."

"Hindi pa tapos ang huling pagsasanay." Singit ni Adilion. "May huli pang pagsubok na dapat lampasan."

"Huling pagsubok?" Usisa nya. Wala syang alam tungkol don.

Tumango si Adilion. "At gaganapin na yon ngayon." Saka bumaling sa kaibigan. "Harmulus, gawin mo na."

Ngumiti si Harmulus. "Bata, bigyan mo sana ko ng isang magandang laban." Saka hinugod ang dalawang espada.

Hinugot nya ang espada nya. At pagkatapos ay mabilis na sumugod. Hindi ito inasahan ni Harmulus kaya dalawang espada nito ang naipangsangga.

Binawi nya ang pagsugod at pagkatapos ay muling sumugod ng sunud-sunod. Napapaatras si Harmulus sa mga pag-atake nya.

"Bata, masyado kang mainit!" Saka gumanti ng mga pagsugod pero nasasangga at naiiwasan lang nya ang mga ito.

"Ang espadang taglay ko ang nagpapaalala sa kin ng mga pinagdaanan kong pagsasanay." Saka tumalon paitaas at naging dalawa sya. Ang isa ay totoong sya ang isa pa ay isang ilusyon.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя