43: Dark Sun

1.8K 70 1
                                    

Dedicated to Nieca_21 and francispaulalmonte

Xander's Third POV

Nilisan na nila ang Erizia. Sakay sila ng dalawang diablong bantay. Si Argurus at si Briyana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalakbay ng biglang magdilim ang kalangitan.

Napahinto sa pagtakbo si Argurus at Briyana. Napatingin sila sa kalangitan. Ang araw ay naging itim. Nagmistulang gabi ang buong kapaligiran.

"Anong nangyayari sa araw? Hindi ito isang eclipse." Usisa nya at saka bumaba kay Briyana.

Nagsibabaan na rin ang mga kasamahan nya. Bumalik na sa karmosa si Argurus at Briyana.

"May tumawag sa pinakamapangyarihang diablong halimaw." Sabi ni Azina.

Dahil madilim ang buong paligid ay di nila gaanong maaninag ang isa't isa.

"Kagagawan ito ni Ermidion. Susubukan nyang makuha ang pinakamalakas na halimaw sa kasaysayan ng Elfiore. Si Rasamus." Paliwanag ni Arfiona.

Gumawa ng apoy si Manong Green. Nanatili silang nakatunghay sa kalangitan.

"Kapag nagtagumpay si Ermidion ay tiyak na ang kanyang paghahari sa buong lupain ng Elfiore." Kinakabahang sabi ni Valeria. "Walang makakatalo sa kanya. Kahit pagsama-samahin pa ang buong pwersa ng sanglibutan."

"Ako lang sapat na!" Napatingin sa kanya ang mga kasama.

"Anong ibig mong sabihin?" Usisa ni Azinaya.

"Ako lang sapat na para harapin at talunin ang diablong halimaw na yan!" Nakangisi nyang sabi.

Napapailing na nilapitan sya ni Arfiona at binatukan.

"Ano na naman ang atraso ko!" Protesta nya.

"Xander, hindi biro ang kakayahang mangwasak ni Rasamus. Lahat tayo ay mamamatay." Seryosong sabi ni Arfiona.

"Kung ganoong kalakas ang diablong halimaw na yan. Hindi sya kakayanin ni Ermidion. Ngayon, hanggang kailan magtatagal ang pagdidilim ng buong paligid?" Usisa nya.

"Ayon sa kwento na nagpasalin-salin na. Inabot ng isang linggo bago bumalik ang liwanag ng kalangitan ng huling magpakita si Rasamus." Paliwanag ni Albion.

Napangiwi sya. "Ang tagal naman!"

"Xander, kailangan na nating magpunta ng Acrania. Si Rasamus ay isa sa anim na makapangyarihang karmosa sa buong Elfiore. Nasa pag-iingat ng Acrania ang isa pa sa anim na pinakamalakas na karmosa. Na kailangan mong makuha para pigilan si Ermidion." Seryosong sabi ni Azinaya.

"Totoo ba ang sinabi mo?" Usisa ni Valeria kay Azinaya.

"Nasa Acrania ang isa sa pinakamakapangyarihang karmosa." Sabi ni Serafina. "Pero wala pang nagtatagumpay na maangkin ang kapangyarihan ng karmosa."

"At wala din nagtatagumpay na maangkin ang karmosa ng diablong halimaw." Nakangiti nyang sabi.

Bumalik na ang liwanag ng araw sa buong kapaligiran.

"Meron na ngayon." Kinakabahang sabi ni Azina.

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Kailangan na nating pumunta ng Acrania." Sabi ni Azinaya at saka lumapit sa ginawang apoy ni Manong Green at saka sinipa.

"Paano tayo pupunta ng Acrania?" Tanong ni Zebro.

Itinuro ni Azinaya ang direksyon. "Hilagang kanluran."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Where stories live. Discover now