22: Death Route

2.2K 94 81
                                    

Xander's Third POV

Kasalukuyan na nilang tinatahak ang kabundukan ng Askabar. Si Albion ang nasa unahan pagkatapos ay si Azinaya at sya at si Arfiona. Sa likuran nya ay si Serafina at si Manong Green.

Ang diretsong daan ang tinatahak nila. Isang araw lang ang magiging paglalakbay nila. Pero ito rin ang ruta na pinakamapanganib sa lahat. Dahil sa rutang ito naninirahan ang pinakamapanganib na hayop o halimaw na buong Askabar. Ang Domboron.

"Pwedeng magtanong?" Umpisa nya ng malayo-layo na ang nalalakad nila.

Huminto muna sila sa paglalakad.

"Ano ang gusto mong itanong?" Usisa ni Azinaya.

"Sa mundo namin malamig ang hamog. Pero bakit hindi malamig ang hamog sa kabundukang ito?"

"Hindi natural na hamog ang nasa Askabar." Si Albion na ang sumagot. "Ayon sa kasaysayan. Isang mahusay na Elkirian ang nagtago at namuhay sa Askabar. Para hindi sya matagpuan ay nilagyan nya ng makakapal na hamog ang buong Askabar."

"Buhay pa rin sya hanggang ngayon?" Tanong nya.

Umiling ito. "Matagal na syang namayapa. Pero kahit namayapa na sya. Hindi pa rin nawawala ang hamog. Kung sa ano mang kadahilanan iyon ay hindi namin nalalaman."

"At ang tungkol sa daang tinatahak natin?" Muli nyang tanong.

"Kung tawagin ang rutang ito ay ruta ng kamatayan. Walang nangangahas sa rutang ito maliban sa atin." Amin nito.

"Bakit ito ang dinaanan natin? Dapat sa ligtas na daanan!" Natataranta nyang sabi.

"Ikaw ang hari ng Acrania at Leviathan. Masyado kang malakas para masawi lang sa isang mapanganib na hayop o halimaw. Ikaw ang hari ng dalawang lipi!" Sabi ni Azinaya.

Si Albion ay hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ng husto. Masyado itong nagulat sa nalaman.

"I-ikaw ang hari ng Acrania.." Hindi makapaniwalang sabi ni Albion at saka lumapit sa kanya at lumuhod. "Ang aking ina ay isang Acranian. Kung papayag ka, kamahalan. Hayaan mo kong umanib sa inyong grupo at paglingkuran ka."

Napangiwi sya. "Ang pupuntahan namin ay ang Tartamus. Mapapasabak ka lang sa isang labanan. Walang katiyakan kung mabubuhay o masasawi."

"Isa kong mandirigma. Nagkahanda akong masawi para sa aking hari."

Napahawak ang dalawang kamay nya sa batok. "Tinatanggap kita, Albion. Pero desidido ka na ba sa desisyon mo? Makikipagdigmaan ako sa hari ng mga diablo."

Tumayo ito at masayang tumango. "Sa mga Darkakus ay isa lamang akong pagkakamali, kamahalan. Malugod ko kayong paglilingkuran."

"Ikaw ang bahala." Sabi na lamang nya.

Ilang saglit pa at nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Wala naman silang naengkwentrong mga mapanganib na hayop. Ang kailangan lang nilang paghandaan ay ang Domboron.

Inabot na sila ng tanghali sa paglalakbay. Kaya minabuti nilang magpahinga muna para makakain.

Si Manong Green ang naghahanda ng makakain nila at si Albion naman ang nagbabantay sa paligid. Siya at ang iba pa ay nagpapahinga na muna. Dahil pagkatapos nilang kumain ay magsisimula na ulit silang maglakbay.

Tumabi sa kanya si Arfiona.

"Hindi magtatagal at makakaalis na tayo sa Askabar." Umpisa ni Arfiona. "Ano ang gagawin mo kapag nasa teritoryo na tayo ng Tartamus?"

"Dalawa lang ang layunin ko sa mundong ito. Ang una, tapusin ang kasamaan ni Ermidion. Ang ikalawa, hanapin si Lolo Tacio at bumalik sa mundo namin." Amin nya.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Where stories live. Discover now