60: Meagan is Missing

Magsimula sa umpisa
                                    

"Talagang lalabas ako!" Tumingin siya nang masama sa akin. "You will pay for this. I assure you!" With that, kaagad siyang bumaba, lumabas, at padabog na isinara ang pinto at gate.

"Siraulo ba 'yon?! Pota, nakakairita!" Inis na inis na sabi ko. "Saan nakakakuha ng lakas ng loob maggagaganon dito 'yon? Wala ba siyang kahihiyan? Nakakabwisit!"

"Sshh. Hayaan mo na siya, matagal na siyang gan'on. Let's just sleep."

"Tell me, Van, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Ash? Sa tingin mo ba nakalagpas sa pandinig ko yung salitang 'hindi makapagpigil'? If you didn't stop her, sigurado nagbalik tanaw na naman sa nakaraan ang babaeng 'yon at nagkwento patungkol sa mga ginawa niyo! Sabihin mo nga, may nangyari na ba sa inyo noon?!"

"Wala."

"Then why she is acting like that? She acts like she owns you, at naiirita ako ro'n!"

"Calm yourself. Tara na, matulog na tayo."

"Matulog ka mag-isa!" Iniwan ko siya at saka pumasok sa kwarto ko at inilock ang pinto.

"Open this door." Utos niya. Kumakatok siya sa pinto.

"Sabi ko, matulog kana! Pumasok kana sa kwarto mo!"

"Mag-aaway na naman ba tayo dahil sa kanya? Anong ikinagalit mo sa 'kin? Buksan mo na 'to, please. Ayokong matulog na galit ka."

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. "Bukas na tayo mag-usap, okay?! Lalo lang iinit ang ulo ko kung pag-uusapan pa natin ang babaeng 'yon."

"Hindi natin siya pag-uusapan. Buksan mo na 'to."

"Van, hwag kanang makulit!" Sigaw ko. Naiinis na rin kasi ako sa kanya.

Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Maya-maya, narinig ko na may nagbukas ng pinto sa kwarto niya.

Mabuti naman at nakinig na siya.

Sa kabila ng pagkairita ko kay Ashley, pinilit kong patulugin ang sarili ko. Nagising ako mga bandang alas tres y media ng madaling araw nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Tumayo ako at saka binuksan ang pinto.

"What the...bakit ka nandyan?" Gulat na tanong ko kay Van.

Nakatingin lang siya sa akin at saka kaagad na tumayo. "Goodmorning." Bati pa niya.

"Bakit diyan ka natulog? Ang lamig-lamig diyan a. Nasisiraan kana ba?"

"Are you still mad at me?"

"Iba ang galit sa nainis. Tumayo ka nga riyan, lumipat ka sa loob ng kwarto mo."

Pagkasabi ko n'on, bumaba na ako para uminom. Sa nilawak-lawak ng kama niya, r'on pa talaga sa labas ng pinto ko naglatag at nahiga!

Pag-akyat ko sa hagdan, nakasalubong na kaagad sa akin si Van habang nakabukas ang mga kamay niya na parang naghihintay ng yakap.

"Ano naman 'yan?"

"Hug me." Sabi niya.

Tumingin lang ako sa mga mata niya. Lungkot ang nakita ko sa mga titig niya.

Jusme, nakakaguilty! Hindi naman siya ang kaaway ko pero nagagalit ako sa kanya.

Dahan-dahan akong yumakap sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Pasenya na," Malumanay ang pagkakabulong niya "kung naging babaero ako bago kita nakilala. Napag-isip-isip ko kanina na kaya wala kang tiwala sa mga nangyari sa nakaraan ko ay dahil din sa mga pinaggagawa ko noon. Sorry for being this kind of man."

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon