Gin

87 7 2
                                    

"Biglaan ka 'atang nagyayang magconvenience store." Komento ni Vin.

"Nagutom ako. Masama?" Walang ganang sagot ko.

Ngumiwi lang siya.

"Anong klaseng mood swings yan? Meron ka?"

"G*go."

Natawa lang siya sa naging reaksyon ko.

"Uy, teka! Si Miss Manager ba 'yon?"

Napatigil naman ako sa pagtawid saka tiningnan ang itinuturo ni Vin.

Si JC nga.

"Si Justin ba 'yung kasama niya?" Takang tanong pa ni Vin sa tabi ko.

Napakunot naman ang noo ko.

"Justin who?" I asked.

" 'Yung trainee sa agency natin. Usap-usapan nga rin na malapit na siyang magdebut eh. Ano ka ba? Wala ka talagang kaalam-alam na balita."

Tch.

Who cares?

"Oh, saan ka pupunta? Tanong ni Vin nang bigla akong tumalikod.

"Uwi na." Walang ganang saad ko.

"Kala ko ba bibili ka ng pagkain? Batiin na rin natin si Miss Manager."

Umiling lang ako.

"Hindi ako gutom."

"Sabi mo kanina gutom ka."

Umiling ulit ako.

"Wala akong sinasabing gutom ako."

"Sabi mo kaya-"

"Hindi sabi ako gutom." Giit ko pa.

"Fine." He sighed.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Where stories live. Discover now