Letter #9

111 12 2
                                    

Dear Gin,

Pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakasulat sa'yo, naghintay pa kasi ako ng isang linggo para pakalmahin ang sarili ko. Ikaw naman kasi, simpleng pakilig ka din eh. Ayaw ko namang magsulat ng capslock lahat kasi baka naman marindi ka habang binabasa mo 'tong sulat ko.

Bukod sa nag-uumapaw kong feels gawa mo, medyo nabitter din ako ng slight dun sa mga previews na pinost ng agency niyo tungkol sa photoshoot niyo ni Cherry.

Okay naman.

Maganda naman yung pagkakakuha sa inyo nung photographer.

Ayos yung lighting.

Pati na rin 'yung pagkakaedit.

Maganda, maganda.

Mahusay ka ring malanding lalake ka!

Sinong nagsabi sa'yong pwede kang umakbay kung kani-kanino. (No offense meant, Cherry) Lantaran ka pang nakikipaglandian sa iba! PAANO NA KO? PAANO NA ANG BATANG DINADALA KO?!

joke!

Baka naman kabahan ka. Dontcha worry, bibi! Hindi ka pa daddy. soon, Bibi. Soon. Hwag kang atat. Na-carried away lang ako, BiBi. I sarang you pa rin.

Pakisabi rin pala kay Cherry na super thanks sa autograph niya.

Muah, muah!

Love,
JC

P.S. Pakisabi kay BiBi2 na muntik na- muntik na 'kong ma-fall sa kanya. Homaygahd! Pakisabi na rin na hwag siyang masyadong harot, okay? I'm trying to be loyal here.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Where stories live. Discover now