Gin

83 9 3
                                    

From my pheriperal vision, napansin kong lumabas na ng tent si JC at papalapit na sa pwesto ko.

"Pwede ka ng pumasok sa van mo, lumabas na 'yung kanina mo pa hinihintay." Nakangising saad ni Shelly saka inginuso ang papalapit na si JC.

"Hindi ko siya hinihintay."

Tinawanan niya lang ako.

"Kaya pala kanina ka pa silip ng silip sa loob nung tent."

"Hindi ko pwedeng iwan 'tong mga gamit dito." Depensa ko pa saka itinuro ang malalaking bag sa gilid ko. "Siya dapat ang magbitbit lahat nito. Siya ang manager."

Nakangisi naman siyang tumangu-tango.

"If you say so."

Tch.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa'min ay agad niyang binati si Shelly.

"Kailan kaya mahahaggard 'yang face mo, Ate Gurl. Para ka pa ring bagong ligo. Fresh na fresh."

"Bola si Ate Gurl." Natatawang saad pa ni Shelly.

Si JC naman ay nagpaalam na.

"Una na kami, Ate Gurl. See you tomorrow."

Akmang bubuhatin na niya yung malalaking bag nang unahan ko siya.

Is she stupid?!

Kita niyang ang lalaki nung mga bag, tapos bubuhatin niya? Ang bigat kaya nito.

"Tulungan na kita. Pagod ka na eh." Pagpupumilit niya pa.

"Kaya ko na." Saad ko na lang at nauna ng maglakad.

"Kala ko ba manager ang dapat magbitbit ng mga yan?" Nakangising bulong pa ni Shelly bago ako nilampasan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Tch.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Where stories live. Discover now