Gin

120 11 4
                                    

Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Manager Ho.

"One month vacation?" Ulit ni Zen.

Tumango naman ito.

Napailing ako.

"Intindihin niyo naman ako mga bata. Ilang taon na kaming kasal ng asawa ko pero ngayon lang kami magha-honeymoon. Isang buwan lang naman ako mawawala." Pagmamakaawa pa ni Manager.

Napabuntung-hininga na lang kaming lahat.

"Paano na 'yung mga schedule namin, manager?" Tanong ni Ken.

"Wala na 'kong kasama 'pag pupunta 'ko sa studio?" Nakanguso pang tanong ni Ren.

Napatungo naman si Manager Ho.

"How about our projects? Lalo na si Gin. First movie niya pa naman. Sa isang araw na ang start ng shooting niya." Singit ni Vin.

Lalo lang nanlumo si Manager sa sinabi ng mga ka-banda ko.

"Guys, the CEO already approved his leave. You can't do anything. Just think about it, hindi naman papayag si Mr. Ferrer na maapektuhan 'yung trabaho natin. He has plans for sure." Paliwanag ko na lang saka hinintay ang pagdating ni CEO.

Nagsitanguhan na lang sila.

Kanina ay pinatawag kami ni Mr. Ferrer para kausapin.

Siguro ay tungkol nga sa nasabing bakasyon ni Mr. Ho.

I'm not really sure.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Where stories live. Discover now