JC

108 12 2
                                    

Pwes, ako hindi pa.

Hindi pa ko ready para sa shooting ni Gin mamaya.

Huhubelles!

Paniguradong maglalandian lang sila doon nung kapartner niyang- HMP! Hindi naman kagandahan. Hindi naman umabot sa level ng kadyosahan ko.

Joke.

Sige na, maganda na. Sexy. Matangkad. Siya na.

Nung una si Cherry. Sikat na model na nga, tapos singer pa. Saan ka pa, 'di ba?

Ngayon naman si Shelly.

Nakanaman! Isa pang sikat na artista yon eh! Ano pang hahanapin mo 'don?

Daming karibal, wengya!

Paano na?

Paano na ang love story namin ni BiBi?

Palagi na lang nauudlot. Palagi na lang may third wheel na sexy! Imbyerna!

"Oh." Ismid ko habang inaabot kay Gin 'yung tubig. Kakatapos lang ng scene nila ni Shellybelles.

Hay, kahit naman anong reklamo kong hindi pa ko handa para sa shooting na 'to, matutuloy at matutuloy pa rin naman.

Parang kanina lang hindi pa ko ready. Tapos ngayon, nakakailang scenes na sila. Kelalande ng mga batang are! Umay eh.

"Galit ka?" Tanong niya.

"De, okay lang. Ayos lang akong malandi ka. Harot. Haliparot. Fuccboi. Char, joke lang. BiBi pa rin kita, forever and always."

"May sinasabi ka?"

"Ha? Ah, wala." sagot ko na lang.

Hays, sobrang hirap ng fan girl life ko, lalo na't nakakapangselos si ate gurl. My golly!

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Where stories live. Discover now