JC

78 9 2
                                    


Napailing na lang ako bago huminga ng malalim.

"I messed up, pops." I texted dad.

Again.

Just when will I ever stop f*cking things up?

Bakit ba napakahopeless ko?

Nakakainis.

Pero imbis na magmukmok naisipan ko na lang puntahan 'yung tent kung saan may meeting 'yung mga composers. Sayang naman 'tong dala kong pagkain na binili ko para kay Gin. Ibibigay ko na lang sa iba.

"Uhm, excuse me?" Bati ko saka sumilip sa loob.

Nakita ko si Miss Leanne na awkward na nakaupo sa gilid. Siya 'yung isang composer na kinuha ni Mr. Min para tumulong sa kanya.

Balita ko, siya 'yung asawa nung sikat na CEO na si Mr. Xyrus Linares na batchmate naman ni Mr. Min and siya rin ang ginawang head director ng movie na to since sila ang main sponsor.

Big time!

"Naglunch na po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya.

Pansin ko rin na pasimple niyang inginunguso 'yung gilid niya kaya napalingon ako.

Ay, kaya naman pala ang awkward ni Miss Leanne.

Ang awkward naman pala talaga ng atmosphere.

Magsama ba naman si Miss Cherry at si Mr. Min?

No, thanks. I'd rather not involve myself here.

Lalabas na sana ko pero pinigilan ako ni Miss Leanne.

"Oy, oy, saan ka pupunta? 'Di ba maglalunch tayo."

Napabalik naman ako ng di oras saka awkward na ngumiti.

"Hehe. Eto po, dinalhan ko po kayo ng pagkain." Sabi ko na lang saka inilapag ang hawak na paper bag sa tabi niya.

"Hehe. Salamat."

Shems. Ang awkward namin pareho.

"Hehe. Saan ka na naman pupunta?" tanong niya nang mapansing palabas na ulit ako ng tent nila.

Napangiwi na lang ako.

"Hehe. Aalis na po."

"Hehe. Sabayan mo kami kumain."

"Hehe. Kakakain ko lang po."

"Hehe. Kain ka ulit."

"Hehe. Busog na po ako."

"Hehe." Pilit pang tawa niya.

"Hehe." Segunda ko pa.

"Hehe. Para kayong t*ngang dalawa." Seryosong saad ni Mr. Min kaya napalingon kami sa kanya.

"Hehe. Kayo din. Kanina pa rin kayong mukhang t*nga dyan. Tara na nga't kumain. At ikaw, dito ka sa tabi ko." Tawag niya sa'kin. "Ang lala ng atmosphere dito." Tuloy niya pa

Wow. Ang badass naman.

Idol ko na siya.

Pinaglalalait niya lang 'yung dalawang big time kong senior nung college. Sweg.

Well, big time din naman siya.

Nagstart na silang kumain tatlo, ako naman ay nakasilip lang sa labas habang pinapanood ang shooting ni Ateng Shelly kasama si Gin.

"Musta naman 'yung alaga mo, 'di ba nagsusuplado?"

Bahagya pa 'kong nagulat nang marinig ang tanong ni Miss Cherry.

"Luh, nagsasalita ka pala."

Muntik na 'kong matawa sa side comment ni Ma'am Leanne.

"Pakaabnormal mo, para kang asawa mo." Nakasimangot namang komento ni Mr. Min.

"Uhm. Hindi naman po." Sagot ko na lang sa tanong ni Miss Cherry.

Mukhang mag-aaway pa 'yung dalawa eh.

Awkward silence ulit.

"TAPOS NA KAYO?!"

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang may bigla-bigla na lang pumasok sa tent. Ang lakas ng boses.

"F*ck, Linares. Ang ingay mo. Magsama kayo niyang asawa mo."

Nanlaki naman ang mata ko saka muling napalingon sa mukha nung lalaking kakadating-dating lang.

Xyrus Linares?!

'Yung president ng student council namin nung college? Yung crush ko ng slight dati?!

OMG!

Lalong gumwapo!

Maglalaway na sana ako pero napansin kong nagpapack up na 'yung ilang crew sa labas kaya nagmamadali akong nagpaalam at mabilis na lumapit sa alaga kong...

Masungit.

Palaging nireregla.

Suplado.

Gwapo.

Ay, shems. Nauwi rin sa compliment. Lichiiiii! Ang hirap kapag in love!

Napanguso na lang ako.

Isipin mo na lang 'yung sinabi ni Miss Clarissa kanina. Nature lang talaga ni Gin ang pagsusungit.

Pero ouch pa rin talaga 'yung sinabi niya sa'kin kanina.

Heartbreak, girl!

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon