JC

120 11 3
                                    

"Oh, gising ka na agad?" Bungad na tanong sa'kin ni Popsicle Papsi pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mga mata ko.

"Ang bilis naman. Tulog ka na lang ulit. Lubus-lubusin mo na 'yang kaartehan mo." Dagdag pa niya.

Tell me... Why do I have one hell of a savage dad?

Like, bruh! Hinimatay ang kagandahan ng unica hija niya, sa harap ng mga naggwagwapuhang mga nilalang- tapos- tapos ganiyan pa ang ibubungad niya sa'kin? Like, OMG! I KENnot!

Hindi nila 'ko naiintindihan.

Wala namang nakakaintindi sa'kin!

Ako na lang palagi ang umiintindi! Ay, char!

"Nasaan na 'yung nga bebeloves ko, father dear?" Tanong ko saka tumingin sa paligid. At tanging si Mr. Ho lang ang nakita ko. Pati si Papsi, syempre.

Pero walang Bulletproof.

"Wala na sila."

Nanlaki naman ang mata ko kasabay ng pagbagsak ng panga ko.

"A-anong sabi mo?" Hindi makakapaniwalang tanong ko kay Papsi.

"Sabi ko, wala na sila." Ulit pa nito.

Naramdaman ko naman ang pagkabasag ng puso ko. Nangingilid na rin ang mga luha ko.

"Ang babata pa nila..." Mahinang saad ko pa.

"Lord, bakit ang aga naman ata?" Naiiyak ko pang usal.

Pabagsak na sana 'yung luha ko eh. Konti na lang eh.

Bigla ba naman akong binatukan ng magaling kong ama!

"Ouchiee ha! That so sakit! That's not nice, ha. Don't do that again." Paangaral ko pa sa kanya.

Walang buhay naman itong napaupo sa swivel chair niya at napasapo sa noo.

"Mr. Ho, tell me- Why do I have one hell of a stupid daughter?" Reklamo pa niya.

"Hoy, nakakaoffend 'yon, Papsi, ha!"

Tiningnan niya lang ako ng masama kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo sa sofa at manahimik na lang sa tabi.

Init naman pows ng ulo niyo pows.

Bumaling naman si Papsi kay Mr. Ho.

"Call Ivan. He should be here in my office by tomorrow. Someone here badly needs tutoring." Saad pa ni Papsi at inirapan ako.

Tutoring talaga? Hindi pa pwedeng-ano. Ay sige na nga, tutoring na nga lang. Yoko ng mag-isip. Sasakit lang ulo ko. Hindi pa man din ako sanay.

"And please, Jeramie Cassidy, behave. Hwag mong pasakitin ang ulo ni Ivan bukas. Bukas na rin ang start ng training mo. You'll takeover Mr. Ho's job, okay. Behave." Paalala pa ni Papsi.

Para naman akong baby sa behave, behave na 'yan. Kaloka.

"Lastly-"

"Yes?" I asked. So pabitin naman dis guy.

"Refrain yourself from fangirling too much."

What the?!

Aray </3

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Where stories live. Discover now